Geez! Baka lahat na lang nagawan na ng mga tsismis ng mga ito.

"She's not gullible, Terry. Van just have a pure heart. Minsan kasi hindi nya nawe.weigh yung sinasabi sa kanya. She tends to believe what her heart tells her."

"Pero mabait pa din sya. Mas gusto ko pa din sya kesa kay Leigh." Para batang hirit pa nito.

"Believe me, you'll like Leigh even more."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw nito kay Leigh. Leigh is the kindest of all of us. Si Van kasi pag napikon o naasar, gagamit ng pangalan nito para makaganti. Minsan naman nananakit. Kaya nga ito yung pinakatroublemaker sa amin.

"Sam, tingin mo totoong sinasaktan ni Van si Ms. Carmi?"

Napailing ako.

"Refrain on saying that, Terry. May makarinig sayo." Awat ko sa kanya. Mahirap na. Pareho pa naman silang tatlo na nasa iisang kumpanya. Malaking tsismis yun pag nagkataon.

Tapos si Terry pa pala yung gossiper.

Sumimangot naman ito. "So, hindi ka naniniwala? I saw it with my own two eyes."

Ngumiti ako sa kanya.

"No, you've misunderstood it."

"E bakit ganun si Ms. Carmi. Bakit naman sya mahihiya samin kung hindi sya inaabuso ni Van? Sabi mo naman din kanina masakit manapak si Van di ba?"

Natatawang hinawakan ko yung ulo nya gamit yung right hand ko habang yung isa ay nakahawak sa steering wheel.

"For sure inabuso nga sya ni Van." Tumango tango ako. Terry's face beamed.

Pero bago pa ito mag-isip ng kung ano ano ay dinugtungan ko na, "Don't meddle between them okay? Kung ayaw magsalita ni Carmi about it. Just let her. Besides kung ayaw nya na inaabuso sya ni Van dapat matagal na syang di pumapasok right?"

Natahimik doon si Terry.

"Sabagay. Baka nga masochist din si Ms. Carmi. Bagay sila ni Van pag nagkataon."

Nakangiting tumango na lang ako. I made a left turn paakyat ng parking ramp.

"Sam, pagod ka ba ngayon?"

Nilingon ko sya sandali.

"Hindi naman. Why?"

"Mukha ka kasing pagod na pagod. Gusto mo na matulog agad pagkauwi?"

"Depends. May gusto ka bang gawin pa? We could have dinner first. I'll cook what you want."

"Pwedeng magpadeliver na lang tayo ng pizza?"

Napahikab naman ako.

"Oo naman. We could have anything that you want." ipinarada ko ng maayos yung sasakyan.

"Anything?" parang batang tanong pa nito.

Tinanggal ko yung seatbelt ko pagkatapos ay lumapit din dito para tanggalin yung seatbelt nito.

"Anything." I confirmed.

Sabay naman kaming lumabas ng kotse. Umikot ako papunta sa passenger seat para kuhain yung mga pasalubong ko dito.

"Terry, hold it." Inabot ko sa kanya yung isang paperbag habang hawak ko naman yung dalawa.

Pagkatapos masigurong nailock ko yung kotse ay lumigid na kami papunta sa elevator.

"Ano itong mga 'to?"

"Pasalubong ko."

Nang makapasok kami ng elevator ay sinilip nito yung laman ng mga paperbags na hawak nito.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon