Chapter 15

271 9 17
                                    

Lovely

"Oh, gising ka na pala." Nakangiting bati sakin ni Paul pagmulat na pagmulat ko ng mata.

Jusko po, ang puso ko!

Napaka gwapo talaga ng nilalang na ito lalo na pag nakangiti.

Yung ngiting umaabot sa mata. Yung ngiting totoo. Tulad ngayon.

Madalas kasi ay halatang pilit ang mga ngiti niya. Nakangiti siya pero kita ang lungkot sa mga mata.

"H-hi.." Kinakabahang bati ko sabay tingin sa orasan. "Oh, gabing gabi na ah, bakit nandito ka pa?"

"Alangan naman iwanan ka namin dito ng walang bantay?" Nakangiti paring sagot niya.

"Sila mommy nasaan?" Tanong ko sakanya.

"Nasa labas, may kausap lang. Pauwi na sila, may dumating lang na bisita Kaya hinintay ka na muna namin magising." Para akong na-mamagnet sa ngiti na hindi nawawala sa mga labi niya.

Iba talaga ang ningning ng mga mata niya ngayon. Hindi ko alam kung anong dahilan nito pero sana palagi siyang ganito kasaya. He deserves it.

"Nagugutom ka ba? May gusto kang kainin? Anong gusto mo? Wala bang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong niya. Iling lang ang isinagot ko sakanya.

"May surprise ako sayo." Mas lalo yatang sumigla ang boses niya.

"Surprise? Sakin?" Takang tanong ko na tinanguan lang niya.

"Hindi ko naman birthday ah." Natawa lang siya ng mahina sa sinabi ko.

"Basta, may surprise ako sayo. I'm sure matutuwa ka." Excited na sagot niya.

"Ano ba yun?" Curious na tanong ko.

"May bisita ka." Lalong lumapad ang ngiti niya.

"Huh? Sino?" Wala naman akong alam na pwedeng bumisita sakin.

Imbes na sumagot ay nginitian niya lang ako bago tinungo ang pinto at lumabas. Mayamaya ay muli siyang pumasok.

May sinenyasan siya sa labas at ilang sandali pa ay bumungad na ang dalawang mukha na kilalang kilala ko.

Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakapag salita.

Ilang beses akong kumurap dahil baka nananaginip lang ako.

"Anak.." Garalgal ang boses na tawag sakin ni mama.

"M-ma?" Paninigurado ko.

Mula sa sulok ng mata ko ay nakita ko ang pag labas ni Paul.

Tuluyang tumulo ang luha ni mama at mabilis na lumapit sakin kasunod si papa. Naupo si mama sa tabi ko at hinawakan ako sa pisngi.

"I'm sorry, 'nak.." Umiiyak na sabi niya.

"Patawarin mo kami ng mama mo anak." Sabi ni papa at hinawakan ang kamay ko.

Umiiyak akong umiling sakanila.

"Ako po ang dapat mag-sorry sainyo. I'm so sorry po dahil na-disappoint ko kayo."

"Shh.." Pigil sakin ni mama habang pinupunas ang luha ko. "Kami ang mali. Oo nga't nagkamali ka pero bilang magulang, dapat kami ang sandalan mo sa mga panahon na yon. Pero mas pinairal namin ang tampo sayo. Patawarin mo kami.." Humihikbing sabi ni mama.

"Hindi naman po ako nagalit sainyo. Naiintindihan ko po kayo." Niyakap ako ni mama at papa.

Mayamaya ay kumalas ako sakanila at nagpunas ng luha.

"Teka, pano niyo po nalaman na nandito ako?" Tanong ko sakanila.

"Pinuntahan kami ni A.J kasama ang asawa niya at si Paul." Nakangiting sagot ni mama.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Where stories live. Discover now