Chapter 10

403 11 1
                                    

Paul

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko habang hawak ko ang kamay ni Lovely.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit natutuwa ako sa isiping para kaming isang pamilya. Ako, si Lovely at si Aki.

At lalong hindi ko maintindihan kung bakit nagiging proud ako kapag sinasabi niya sa ibang lalaki na asawa o boyfriend niya ako.

At kaninang sinampal siya ni Cara ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Kung hindi lang babae yun, baka pinaglalamayan na yun ngayon.

Bigla ay parang gusto kong ingatan si Lovely at siguraduhing walang ano man o sino man ang makapanakit sakanya.

Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang umakyat sa kwarto upang matulog. Mukhang napagod siya sa mga nangyari.

Kinuha sakin ni Jake ang anak niyang natutulog. Ang kambal naman at si Drew ay pinalibutan ako para maki-tsismis.

"Boss, kwento!" Sabi ni Lexa saka nangalumbaba.

"Ano kukwento ko?" Patay-malisyang tanong ko.

"Kamusta ang date niyo?" Sabi ni Drew.

"Hindi kami nag-date!" Sagot ko naman dito.

"Tutmu!" Patuloy na pang-aasar ni Drew.

"Oo na, hindi na date kung hindi." Sabi naman ni Lexie. "Pero ano nga, kamusta nga? Hindi ba kayo nag-away? Baka naman sinungitan mo nanaman?"

"Hindi ah. Okay na kami. Pero maraming nangyari. May lalaking nangulit sakanya. Tapos nagkita sila ng ex niya kasama ang bago nitong girlfriend. Tapos inaway at sinampal siya nung babae." Uminit nanaman ang ulo ko nang maaalala ko ang ginawa nito kay Lovely.

"At hinayaan lang nung gagong ex niya?" Medyo tumaas boses ni Drew. Sinamaan naman ito ng tingin ni Lexa.

"Sorry Baby, nabigla lang ako. I love you!" Sabi nito na agad kumalma.

"Sinaway naman niya yung girlfriend niya. Pero inistress din niya si Lovely dahil pinipilit niyang mag-usap sila. Inaway niya pa dahil akala niya boyfriend ako ni Lovely at anak ko si Aki. Bakit daw may anak yung ipinalit sakanya." Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong kumuyom ang mga kamay ni Drew.

"Pero bilib ako kay Lovely, hindi siya nanahamik lang sa ginawa nila. Lumaban naman siya at sila rin ang napahiya." Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy.

"Kung hindi ko lang iniisip kanina na masi-stress si Lovely, bibigwasan ko yung ex niya eh. Kaso baka umawat samin at baka mapasama pa silang mag-ina." Pagtingin ko sakanila ay madilim ang mukha nilang lahat.

Mukhang nabu-bwisit din sa ex ni Lovely.

"Wag na wag lang talagang magku-krus ang landas namin ng taran—" Napatigil si Drew nang taasan siya ng kilay ni Lexa.

"— I love you, Honey!" Biglang bawi niya sabay halik ng mabilis kay Lexa. Naiiling nalang ito sakanya.

"You love her." Biglang sabi ni Lexie. And that wasn't a question.

"What? No." Depensa ko naman.

"Liar." Sabi nito saka tumingin sa kakambal. "Wag mong kukuhaning ninong toh ha." Sabay turo sakin. "Bad influence toh sa pamangkin ko."

Tumingin sakin si Lexa at nginisian ako.

"Fine! I like her. But I'm not sure if I love her. So technically, I'm not a liar and I'm not a bad influence." Inirapan ko ang kambal.

"Oh, thank God! Finally, umamin ka din!" Eksaheradong bulalas ni Drew.

"Fu—" Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong pumameywang si Lexa kaya naman tinaasan ko nalang ng middle finger si Drew na tinawanan lang nito.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Where stories live. Discover now