Chapter 5

414 10 0
                                    

Lovely

"El, kamusta na ang kapit ng baby mo?" Tanong sakin ni Lexa habang hinihintay namin sina Paul at A.J sa sala. Kasama namin si Lexie habang ang iba naman ay nasa terrace.

"Okay naman, bawal lang talaga ma-stress at sobrang pagod. Madali akong panakitan ng tiyan pag medyo napapatagal ang pag-tayo ko. Pag nagluluto ako, yun nararamdaman ko namimigat ang tiyan ko."

"Wag ka na kasing magluto. Pag tinatamad kang maglakad pauwi dito, hahatiran ka naman namin ng pagkain." Sabi naman ni Lexie.

"Sus, hindi na kailangan noh. Sobra sobra na nga ang pag-aalaga niyo sakin eh. Nawiwili na nga ako. Kahit hindi maganda ang naging una nating pagkakakilala, naging pamilya ang turing niyo sakin."

"Hanggang ngayon, iniisip mo parin yun? Wala naman kaso yun, alam naman naming gusto mo lang protektahan si Drew nang mga oras na akala mo eh niloloko ko siya." Nakangiting sabi ni Lexa.

"Speaking of Drew, pagkatapos nga pala ng kasal niyo, hahanap ako ng mauupahan ko. Hindi pa ako makauwi sa bahay namin eh, ayaw parin akong kausapin nina mommy at daddy." Napakunot naman ang noo ng kambal.

"Eh bakit gustong mong umalis sa bahay ni Drew?" Tanong ni Lexie.

"Syempre, nakakahiya ng mag-stay doon pag kinasal na sila. Tapos pareho pa kaming buntis, edi dalawa pa kami na iintindihin ni A.J?"

"El, mas iintindihin ka namin ni Drew kung wala ka sa poder namin. Buti sana kung sainyo ka lilipat, mapapanatag kami. Pero kung mangungupahan ka, wala kang makakasama. Hindi pwede yun." Sabi naman ni Lexa.

"Isa pa, mas okay yung nandun ka. Pag wala si Drew at tinatamad akong maglakad papunta dito, may kasama ako dun. Wag ka ng umalis." Dagdag pa niya.

"Sinong aalis?" Tanong ni A.J na kadarating lang at kasunod nito si Paul.

"Baby oh, aalis daw sa bahay si El pagkatapos ng kasal natin." Sumbong ni Lexa sa pinsan ko.

Inabot ni A.J kay Lexa ang binili nitong saging habang nakatingin sakin at naka-kunot ang noo.

"At bakit?" Tanong nito.

"Para may privacy kayo. Saka dalawa kaming buntis, dalawa pa kaming iintindihin mo pag nandoon ako." Sagot ko naman.

"At saan ka naman pupunta? Uuwi ka na sainyo?" Seryoso ang mukhang tanong ni Paul sabay lapit sakin at inabot ang dalang fries. "Here."

"Thanks." Nakangiting sagot ko sabay subo ng hindi lang isa kundi isang kumpol ng fries. "Hahanap ako ng mauupahan ko. Hindi pa ako makakauwi samin, galit pa sila sakin." Sabi ko na puno ng fries ang bibig.

"Easy, baka mabilaukan ka. Wala kang kaagaw diyan." Saway sakin ni Paul. "Mangungupahan ka? At sinong makakasama mo?" Nagkibit lang ako ng bakikat.

"Love, baka nakakalimutan mo, medyo maselan ang pagbubuntis mo. Hindi ka pwedeng walang kasama, baka biglang may mangyari sayo, walang tutulong sayo." Hindi ko yata siya masyadong naintindihan dahil yung 'Love' lang ang napag-tuonan ko ng pansin.

Bakit kaya parang ang sarap pakinggan pag siya ang tumatawag sakin ng ganun? Para kasing ang lambing pakinggan kahit nakasimangot siya pag tinatawag ang pangalan ko.

"Teka, taympers." Awat samin ng mommy ni Lexa mula sa pinto. "Bago kayo magka-initan nanaman, ganito nalang... Dumito ka nalang, Lovely. Palit kayo ni Lexa. Dun siya, dito ka. Para naman hindi namin masyadong maramdaman ang paglipat niya dun." Alok nito.

"Eh Tita, nakakahiya po eh." Alanganing sagot ko.

"Hay naku, El, dalawa lang ang pagpipilian mo. Doon ka samin ni Drew, o dito. Papayagan ka lang namin lumipat kung sainyo ka uuwi." Naka-pameywang na sabi ni Lexa.

The More You HATE, The more You "LOVELY"Where stories live. Discover now