Kabanata 1

2.1K 47 3
                                    

Kabanata 1



Tirik na ang araw pagkalabas ko. Panay ang bulungan ng mga tao nang makita akong tinatahak ang daang hindi alam ang patutunguhan. I don't care, anyway. Kung ano man ang iniisip nila sa akin ay wala na akong pakialam doon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa mabatong daanan. Napatigil lang ako nang mapagtanto kong nakalayo na ako. I turned around after realizing that. Hindi ko na alam ang pabalik. What should I do? Fuck. Hindi na bale'ng maligaw. The most important thing right now is to leave.

Humakbang ulit ako at natatanaw ko na ang naglalakihang mga puno. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik. Then, I thought about wild animals coming. Paano kung mayroon? Posible 'yon dahil base sa nilakad ko ay malayong malayo na rin 'to sa amin. At kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin, sino ang tutulong? Ako lang ang narito.

Nagpatuloy muli ako at ipinagdasal na lang na sana ay maging ligtas ako. Hahanap lang ako ng lugar na pwedeng magliwaliw. Makalimot man lang sa nangyari kanina.

I sighed in relief when I saw a beautiful spot. Medyo binilisan ko ang lakad ko kahit na nananakit na ang mga binti makaabot lang doon.

Kaya pala habang papalapit ako ay parang may kung ano akong naririnig. It was the sound of the gushing waters.

The tall grasses were blocking my view of that falls. Hinawi ko 'yon at sa paghawi ay may nakita akong isang plakard na may nakasulat na iyon na ang hangganan. It's like people are not allowed to go over there. Parang delikado at masyadong pribado.

I screamed when someone pointed his gun at me. He was topless and wearing his faded maong pants. Moreno, maganda ang pangangatawan at matangkad. Nagulo rin ang buhok niya dahil sa ihip ng hangin.

Dito ko na naisipang delikado pala talaga ang tinahak ko. My heart beat doubled as I slowly raised both of my hands to surrender.

Naisip kong tumakbo pero natatakot ako sa dating niya. Mabagal siyang humahakbang palapit habang patuloy na nakatutok ang baril niya sa akin.

At kapag namatay ako rito, walang makakaalam kung ano ang buong pangyayari.

Pumikit ako nang mariin at nag-isip. Kailangan kong makaalis dito. Maraming pasikot-sikot dito kaya hindi niya agad ako mahahabol kung sakaling tatakbo ako.

One... Two... Three!

Tumalikod ako saka mabilis na tinahak ang ibang daan palayo sa lugar na iyon. Habang tumatakbo ay saka ko lang pinagsisihan na dapat hindi na lang ako nagwalk-out. Pupwede naman akong umakyat sa kwarto at magkulong.

Ngayon ka talaga magsisisi kung kailan nanganganib na ang buhay mo.

Isang beses akong lumingon sa likod at napansin kong walang nakasunod sa akin. Still, I continued running to be surely safe. Hindi ko na alam kung paano lumabas pero ang tanging naiisip ko na lang ngayon ay ang makatakas.

At bakit ako tumatakbo? May ginawa ba akong masama? Bakit niya ako tinutukan ng baril?

"Ahhh!" sigaw ko pagkabagsak dahil sa pagkakatalisod.

Humilata ako sa mabatong daan na halos mahalikan ko na ang lupa. Hindi ko ininda ang sakit at pagiging marumi ko kaya tumayo ako at akmang tatakbo nang madatnan ko siyang kalmadong nakatayo at nakatutok ang baril sa akin.

"I didn't do anything!" I spat. Tinaas ko ulit ang dalawang kamay ko.

Matalim ang titig niya sa akin. Pawis na pawis ako at naiirita pero walang makakatalo sa sobra sobrang pagkabog ng dibdib ko.

War of Love (La Suena Series 3)Where stories live. Discover now