"Humawak ka sa 'kin," anito nang sa likod siya ng inuupuan humawak.

"Saan sa baywang mo o sa leeg?"

"Kung saan ka komportable, Tatianna."

"Mas komportable ako rito sa hinahawakan ko at hindi mo naman siguro ako ihuhulog, Julio?"

"Syempre, hindi." Natatawa nitong sinabi.

Humampas sa kanyang mukha ang hangin. Sa magkabilang gilid ay napapaligiran ng puno ng niyog. Hindi niya mabilang ang mga iyon at wala siyang balak bilangin.

Sa pinakagitna naman ng dinadaanan na animo'y mahabang kanal, hindi niya alam ang eksaktong tawag doon, pero sa kanal na iyon pinapadaaan ang tubig para pandilig sa mga puno.

May animo bangka din sa kanal na iyon na nagsisilbing tagadala ng mga buko sa mismong planta. Hindi pa siya nakakapasok doon, bawal kapag hindi naman talaga trabahante. Hanggang sa coconut farm lang siya.

Sa malayo, sa unahan ay nanliliit ang mga mata niya dahil inaaninag ang paparating na kulay brown na kabayo pati na rin ang sakay niyon.

"Si Señorito Zacarias," ani Julio. "Bibisita siguro."

Habang papalapit ay nalilinawan na si Tatianna, ang Señorito nga ang sakay. Julio went slower. Ang ama niya ay gano'n din. Kalaunan nang malapit na si Zacarias, tuluyan nang huminto ang motor.

Inilapag ni Julio ang mga paa sa kalsada, habang siya ay nanatiling nakatungtong sa apakan.

"Magandang hapon, Señorito." Magalang na bati ng ina at ama niya.

"Magandang hapon po," sagot ni Julio sa magalang din na paraan.

Even though she doesn't like Zacarias' aura, Tatianna can't stop her eyes from staring at the man.

His white shirt hugged the muscles on his forearms. Hindi nakaligtas sa mapagmatiyag niyang mga mata ang mga ugat doon pababa sa likod ng palad, marahas kung titignan para sa kanya.

Hawak nito ang tali ng kabayo, hindi ganoong kadiin pero parang napupwersa pa rin ang mga ugat-ugat. He's wearing a faded denim pants and black boots. A usual outfit of Guerrera's whenever they roam around to the plantation riding their horses.

Nang ibalik niya ang tingin sa mukha ni Zacarias, parang naputol ang paghinga niya nang maabutang mariin ang titig nito sa kanya.

His eyes are very dark, very intense, it scares her. There's no trace of a smile on his lips. Siguro nga ay hindi ito marunong ngumiti.

Hindi pa ito nagsasalita o gumagawa ng masama sa kanya, pero nahusgahan niya na kaagad, mukha itong malupit at hindi marunong magpatawag kung sakaling may gumawa ng kasamaan dito.

Ang nagkukulay kahel na sinag ng araw ay tumatama sa banda nito. He looks like a warrior without an armor and weapons, but his eyes can make her heart reach her throat and make her heart stop from beating properly.

Humugot si Tatianna ng hangin sa dibdib upang bigyan ng kapayapaan ang takot at matinding kaba na bumalot sa kanyang sistema.

Siguro ay sa nararamdamang pagkabahala kaya wala sa sarili na npayakap siya sa baywang ni Julio upang dito kumuha ng lakas ng loob.

Zacarias cold eyes drop down to her arms that in Julio's waist. Nag-iwas siya ng tingin at hindi na nag-atubili pang batiin ang Senyorito.

"Sa planta ba ang tungo mo Senyorito?" Ang kanyang ama.

"No, I'm just roaming around."

"Gano'n po ba? Sige at mauuna na kami."

Pinadyakan ng ama ang motor at nagsanhi iyon ng tunog, akmang paalis na sila. Gano'n din ang ginawa ni Julio.

HG 1: Seduction of FireWhere stories live. Discover now