Kaya imbis na gumanti ako sa kanya, nagkunwari na lang akong nasaktan sa suntok niya.

"Ang tanga mo Chase! Alam kong gawi mo na ang magpaiyak ng babae pero parang hindi ko yata kayang hayaan na lang basta na nasasaktan at umiiyak si Sam dahil sayo. At ang mas nakakainis pa.."

Sumuntok na naman siya kasabay ng pagbaybay niya ng salita niya.

"WA-LA-----KANG--GI-NA-GA-WA!!"

Pinabayaan ko lang siyang makuntento sa mga suntok na kaya pa niyang pakawalan hanggang sa kusa na siyang sumuko at huminto.

"Kung hindi mo siya kayang alagaan, ako mismo ang gagawa nun..at hinding-hindi mo na siya ulit makukuha sakin. Tandaan mo yan!"

Dahil sa banta na niya nun, nakaramdam ako bigla ng takot.

Takot na baka maunahan ako ni Seyd, takot na baka dahil nga sa katangahan ko mawala ang kaisa-isang babaeng pinagkakatiwalaan ko. 

Dahil don, medyo naliwanagan ako. At dahil din doon, napadalas ang pakikipag-away ko ng walang dahilan.

Minsan kasi naiinis na lang ako at gusto kong may mapagbalingan ng galit ko. Kaya kahit anong makita ko nun, binabasag ko, sinisipa ko.

Sa pysch DISPLACEMENT ang tawag doon pero parang sa panahon na yun, yun ang stress release ko.

Kaya kahit papano nagpapasalamat ako sa mokong na yun. Kung hindi kasi dahil sa kanya, baka napakagago ko pa rin at hinayaan ko na lang na mawala sakin ang pagkakataon ko.

Dahil kung hindi sa kanya, hindi ko malalaman na sobra na pala siyang nahihirapan sa sitwasyon na kinalagyan niya.

At ang mas masaklap pa nga, imbis na maniwala ako sa kanya-----iniwan ko siya sa ere.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now