Nag-iwas ako ng tingin bago pa ako maluha sa mga sinasabi ng kapatid ko, dahil totoo. Lahat ng sinabi niya tungkol kay Tyrone ay totoo. Iyon din ang mga bagay na gustong gusto ko sa kan'ya. That's just him, pero hindi ko inaasahang kahit kapatid ko ay magugustuhan siya. Hindi ko inaasahang kahit ang kapatid ko ay mapupuna ang mga bagay na gustong gusto ko sakan'ya.

Kaya kong kalabanin lahat. Kahit si Xena pa o ang mga magulang ni Tyrone, kaya ko na siyang ipaglaban. Pero ngayong kapatid ko na ang nagsasabi ng mga ito? I just wanna back down from this battlefield.

Pumunta ako sa kwarto kahit na nagkakasiyahan na ang mga bisita. Humiga ako sa kama at doon na bumuhos ang luha ko. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa nangyayari ang mga ito? Hindi ba pwedeng kahit minsan, ako naman? Gumawa naman ako ng bagay para sa ikasasaya ko?

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at ang katawan ko ng kumot. Dito, pakiramdam ko walang makakarinig ng mga hikbi ko. Dito, pakiramdam ko safe ako.

Nagulat ako nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nang nilingon ko ito ay agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Tyrone. Hindi ko siya pinansin. Alam kong wala siyang kasalanan pero nasasaktan ako. Bakit ba kasi gan'yan siya? Bakit ang gwapo niya? Bakit napakperpekto niya? Napakahirap niyang abutin.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa dulo ng kama ko. Hinigpitan ko ang yakap sa unan ko at pinigilan ang paghikbi ko.

"Umiiyak ka na naman," mahinahon niyang sambit. Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"Bakit ka nandito? Baka may makakita na pumasok ka tapos—"

"Walang nakakita. I also locked the door." Pinaglaruan niya ang buhok ko at napapikit ako sa haplos niya "Can we talk?"

"Tungkol saan?" Hindi ko pa rin siya magawang titigan. Natatakot ako sa mga sasabihin niya.

"About your sister. Si Viviene, siya na ba 'yun?"

Tumaas ang balahibo ko at muling dumaloy sa katawan ko ang kuryenteng siya lang ang nakakapagparamdam sa akin nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Isiniksik niya ang kan'yang ulo sa leeg ko at sa ngayon ay gusto ko na lang siya yakapin, at maramdaman na ayos ang lahat.

Pero kailangan kong buksan ang mga mata ko. This is reality. Kung ano man ang magiging desisyon ko, mayroong masasaktan. Mayroong mahihirapan. Hindi dapat ako bumigay na lang sa sinasabi ng puso ko.

Kumalas ako sa yakap niya at bumangon. Umupo ako sa dulo ng kama saka siya tinitigan. He looked at me then sat beside me.

"My sister likes you," nabasag ang boses ko sa katotohanang lumabas mula sa labi ko.

But what broke my heart more was when he kept silent. Yumuko lang siya at bumuntong hininga. Gusto kong magmura dahil sa inaasta niya.

"You know that, don't you?" Muling tumulo ang luha ko.

Suminghap lang siya at dahan-dahang tumango. "I-I didn't know she was your sister. Nagulat ako nang malamang siya na pala si Viviene. Ngayon ko lang nalaman, pero..." Ginulo niya ang kan'yang buhok "Damn it!"

Bakit hindi niya ako magawang titigan? Bakit gan'yan ang reaksyon niya? Bakit siya namutla kanina?

Then it came to me like a thunderbolt. He's guilty of something. Guilty of what?

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko pinupunasan ang mga luha ko. Hinayaan ko lang itong tumulo. "M-May  nangyari na sa in'yo?" Pumiyok ako. Nanikip ang dibdib ko. May kung anong bara sa lalamunan ko at kahit anong paglunok ko ay hindi ito nawawala.

Naramdaman ko ang pag-angat niya ng tingin sa akin, pero hindi ko siya tinitigan pabalik. I just can't. At pakiramdam ko ay binasag ng paulit-ulit ang puso ko nang hindi siya sumagot. Walang oo, walang hindi. Nakakabasag na katahimikan lamang.

IntoxicatedМесто, где живут истории. Откройте их для себя