Kabanata 1

40 6 2
                                    

[My First Star- Chapter 1]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[My First Star- Chapter 1]

* seventeen years later *
Stella's P.O.V

"class dismissed" Saad ni Prof Guzman na ngayon ay nagliligpit na ng mga gamit niya.

Iniligpit ko na rin ang mga gamit ko at pinasok ang mga iyon sa maliit kong packback habang ang mga malalaking libro ko ay binitbit ko na lang dahil hindi na kasya sa bag ko.

Lumabas na ako sa classroom namin at dumeretso sa locker ko. Nilagay ko na doon ang mga malalaking libro na hindi ko naman kailangan sa mga homework ko.

"A-ate Stella, p-pwede po bang ipabigay 'to? " Saad ng isang babaeng hindi ko kilala na sa tingin ko ay freshman student at tumakbo na siya dahil sa hiya. Napailing nalang ako at binasa ko ang nakasulat sa labas ng letter.

'to Seren Louise'
'from Nova'

Sino ba Tong nova na 'to? Hays ang dami nang nagpapabigay sakin ng mga letter para kay Louise. Grabe talaga' Tong kapatid ko!

Inilagay ko na ang letter sa bag ko at inilagay ko na rin ang mga libro ko sa loob ng locker ko.

I am Stella Soleil Lavajos, 20. Graduating college student. Turning 21 on December 8. I do believe in happy ending and naniniwala din ako na dadating ang panahon na makakasama ko na ang prince charming ko. And yes, adik talaga ako sa fairytales. Yun lang kasi ang alaalang iniwan ni mama sakin maliban sa stars and sunflowers. Mirasol García-Lavajos ang pangalan ni mama. Ang ibig sabihin kasi ng mirasol ay sunflower kaya yun ang paborito kong bulaklak.

Bata pa lang ako ay hindi ko na nakasama ang mama ko. Namatay si mama kinabukasan matapos niyang isilang sa mundo ang kapatid kong si Seren Louise Lavajos na ang alam lang sa buhay ay maging bitter.

Lumaki kaming si papa lang ang tumataguyod sa amin. Pero tinutulungan din naman kami ni Tita Cali.

"Ella!" sigaw ni Danica habang kumakaway sa akin. Agad akong lumapit sa kanya at inakbayan sya.

"Hoy taba! Punta ka sa amin ha!" nanggigigil Kong Saad sabay gulo sa buhok ni Danica.

Si Danica ang matagal ko nang bestfriend. Taba ang tawag ko sa kanya kahit hindi naman siya mataba. Mataba kasi siya dati noong mga bata pa kami.

Kumawala na siya sa pagkakaakbay ko at tumigil s a paglalakad. "hoy Ella tigiltigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Taba. Dati pa yun. Past is Past!" suway sa akin ni Danica sabay turo sa akin.

"sige na nga taba--ahh nica. Basta pumunta ka sa bahay" Saad ko sabay akbay ulit sa kanya.

"Ano palang meron?" tanong niya. "hala, nakalimutan mo yung birthday ni Louise? Lagot ka!" pang-aasar ko sa kanya.

"ano namang mangyayari kung nakalimutan ko?" kampanteng Saad ni Danica na ngayon ay naka-crossed arms na.

"syunga! Diba sasabihin mo si Lyra na birthday ni Louise ngayon? Pano sila magiging closed kung hindi alam ni Lyra na birthday ngayon ni Louise?" sunod-sunod kong tanong sa kanya pero hindi nya ako pinansin dahil parang may iniisip sya.

My First StarWhere stories live. Discover now