Prologue

100 16 11
                                    

PROLOGUE

Shamael Nonna’s

“Alam mo Shanon, konti nalang talaga maniniwala na ako na lesbian ka.”

Napairap ako sa tinuran ng pinakamalapit kong kaibigan na si Caryl. Hindi na talaga nawala ang issue na ‘yon tungkol sa kasarian ko. Hindi ko nalang sinasagot o pinapabulaanan dahil ayoko lang. Tinatamad akong mag salita.

“Tss.” Ingos ko.

Galing sa pagkakadekwatro sa sofa na mag katabi naming inuupuan dito sa private office ng aming resto bar, hinarap ako ni Caryl nang may magkakrus na braso.

“Kita mo na Shan, bestfriend kita pero kahit ako ay hindi mo sinasagot sa usaping ganito. Nakakatampo na ah.”

Nilingon ko sya at bored na pinagmasdan ang nakabusangot nyang mukha. Nakanguso pa ito at masama ang tingin saakin.

“Ang pangit mo.” Bulong ko saka muling isinalpak ang headphone na kanina lang ay tinaggal nya. Isinandal kong muli ang aking ulo sa headrest ng sofa, pinagkrus ang mga braso at saka muling pumikit. Hindi ko nalang pinansin ang pag dadabog ni Caryl sa gilid ko sa walang katapusan nyang lintaya sa kung papaanong napakasama at hambog akong kaibigan. Bahala sya.

Nilakasan ko ang volume ng pinapakinggan kong kanta upang makalma ang kalooban ko. Music calms me. I listen to heavy music when I’m feeling down and anxious. Kagaya ngayon, I remembered being in the dark. All the windows were closed and it feels like my life is a prison and death is the only door for me to escape that room. Thinking about that now makes me feel nervous and at the same time, at ease that I’m here now, I am alive. I am no longer a prisoner inside that dark room. There is nothing to be scared of now.

Huminga ako ng malalim at muli akong bumangon mula sa pagkakasandal atsaka tinanggal ang headphone sa aking tainga, inilapag ko iyon sa sofa. Nilingon ko ulit ang kaibigan na busy sa pagpindot sa kanyang cellphone.

“Can I leave now?” tanong ko dahilan ng paghinto nya sa ginagawa.

“As in now na?” tumango ako atsaka tumayo at pumamulsa. I look at her and then I ark my right eyebrow. Umirap si Caryl at humugot ng malalim na buntong hininga. Sinipat nya ang oras mula sa kanyang cellphone atsaka muling ibinalik ang tingin saakin.

“Fine, you can now leave. But make sure to finish all the paper works, okay?”

Pagkarinig noon ay agad akong tumalikod at dinampot ang susi ng aking motor sa glass table sa gilid ng sofa. Nagtuloy tuloy ako palabas at nahinto lamang ng tawaging muli ng nakakairitang maingay na babae sa likod ko.

“Hey! Do you even heard what I just said? You brat, you always turn your back on me kahit hindi pa ako tapos mag salita!”

Bahagya akong lumingon atsaka itinaas ang kaliwang kamay ko upang pahintuin sya. “Whatever you say.” I said before finally exiting the office. Bago pa ako makalayo ay narinig ko pa siyang sumigaw ng kung ano. Napailing nalang ako sa kaingayan nya. Sanay na ako pero minsan talaga ay nakakarindi sya. Hindi lang halata saakin pero lahat naman ng sinasabi at paalala nya saakin ay iniintidi ko. Gusto ko lang talaga na naaasar sya saakin sa tuwing akala nya ay hindi ko sya pinakikinggan.

Dumiretso ako sa parking lot ng resto bar na pag aari naming dalawa ni Caryl, kung saan matatagpuan ang motor ko. Agad ko itong ini-start at agad din na sumibad paalis sa lugar na iyon. Malapit na ang paglubog ng araw, kailangan kong makarating sa burol para maabutan iyon.

Medyo natagalan lang ako dahil dumaan pa ako sa opisina, nakakahiya kasi kay Caryl dahil ilang linggo na akong hindi bumibisita, sa tuwing may kailangan na may kinalaman sa paper works ng resto bar e, online ko lang ipinapasa sakanya dahil kung hindi tinatamad lumabas ay nasa iba’t ibang sulok naman ako ng Pilipinas. Hindi kasi talaga ako napipirmi, paligi’y gusto kong umaalis dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako sa iisang lugar lang.

Can You Feel My Heart? (Heart Series #1)Where stories live. Discover now