TGIS Part 2 (sinaing)

70 3 2
                                    

Mico's Pov

Pagkainom na pagkainom ko ng tubig ni sungit ay tinignan ko sya at muntik nakong humagalpak sa tawa nang makita ko itsura nya. Sobrang talim ng tingin nya sakin na para bang gusto nya nakong balatan ng buhay sa sobrang pagkainis.


"Hindi ka rin bastos eh nuh?!"

"Mabibilaukan na kasi ako" maiksing sagot ko sabay ngiting apologetic.

Actually hindi naman talaga ako mabibilaukan, gusto ko lang talaga syang inisin.


"Hindi ka ba marunong magsalin jan sa baso mu ng tubig?! Ni hindi ka man lang humingi ng permiso.Tss"


"Ikaw na lang magsalin ulit ng iinumin mo, nainom ko na eh, andami mu pang sinasabi." Sabi ko na ikinataas ng kilay nya


"Antipatiko mu talaga e nuh! Ikaw na nga tong makikikain dito, ikaw pa tong bastos!"


"Correction, ako ang magluluto at kasama ako sa pamimili ng lulutuin kaya hindi ako basta makikikain lang."

"Whatever antipatiko!!" Sabi ni sungit na halatang naubusan ng sasabihin.. hahaha!!!


"Oh awat na mga bata! Baka mawala pa yung pinakaaasam kong sinigang na sugpo dahil sa bangayan nyo." Singit ni Dina na medyo seryoso sa sinabi


Pagkakain ng breakfast ay nagpahinga kami ng konti at tsaka sinimulan ang pagprepare ng lulutuin for lunch.

Si Dina ang nagsaing, si Aries naman ay tumulong sakin sa paggayat ng mga gulay.

Dina's Pov:


"Sana hindi kulang yung tubig sa sinaing ko para maganda yung kalabasan."

May masabi lang ako. Ang tahimik kasi nung dalawa. Parang kanina lang nagbabangayan sila.

"Kahit naman sobrahan mu, minsan pangit parin ang kinakalabasan eh." Nagulat ako nang biglang magsalita si Mico

"Hindi mo naman kasi kailangang sobrahan, minsan okay na yung sapat lang. Hindi labis, hindi kulang."Aries said with a sad smile

"Ang pagiging sapat madalas kulang din ang kinakalabasan. Kaya hindi mo pwedeng sabihin na dapat sapat lang."

Mico said looking at Aries


"Magiging kulang lang yun kung naghahanap ka ng higit pa sa kung anung meron ka." Aries bitterly answered


Ow-kay... Yung sinaing ko pa kaya ang pinag-uusapan nila??

Bakit parang pareho silang may pinaghuhugutan??

Oo si Aries, alam kong may pinagdadaanan.

Pero si Mico?? Anu kayang drama ng isang to? Hmmm..


"Hindi naman sa naghahanap ka ng higit pa, aminin natin na minsan sa buhay natin, naghahangad tayo ng mas higit pa kasi hindi na tayo masaya sa kung anung meron tayo." Mico answered back

Aries Pov:


"Hindi naman sa naghahanap ka ng higit pa, aminin natin na minsan sa buhay natin, naghahangad tayo ng mas higit pa kasi hindi na tayo masaya sa kung anung meron tayo." Mico answered back


"Pero minsan sa paghahangad natin ng mas higit pa, hindi natin napapansin na yung bagay na dapat nasa atin na ay mawawala at mahirap nang ibalik pa." I said teary-eyed

Parang yung pagbitaw ko kay Josh. Sino bang nawalan? Ako diba? Kasi ano? Inisip kong may mas higit pa sa kanya. Kasi akala ko hindi ako sapat para sa kanya.

Hala! Ano ba to!


Bat napunta dun usapan namin?


Sinaing pinag-uusapan namin kanina diba??


Tumango-tango lang si Mico sa huling sinabi ko.

Hindi na ulit sya nagsalita.


Ano kayang pinaghuhugutan ng isang to?


There is something between his lines.


And i'm so dead curious about it.

"Mico, bat bigla kang tumahimik? Anung pinaghuhugutan mu?" All of a sudden, Dina asked.

************

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys!

Naguguluhan ba kayo sa mga POV??

Ginawa ko kasing alternate yung Pov nila.

Just lemme know kung naguguluhan kayo sa ganun okay??

Ganyan kasi talaga para makita nyo insights ng bawat characters.

Back to the story....

Anu nga kayang pinaghuhugutan ni Mico?

Magshare kaya sya kay Dina at Aries ng about sa past nya?

At magbago kaya ang pakikitungo ni Aries sa kanya once na nakilala nya si Mico through his story?

Anwers are on next chapters.

So keep on reading guys!

LOVE Y'ALL  :*

.bam./

Mahal ko O Mahal Ako?Where stories live. Discover now