Wether you like it or not

45 3 0
                                    

"Sino bang kausap mo huh?"

"Oh bat ang sungit mo nanaman pumpkins?"

"Hoy! Wag mokong tinatawag ng kung ano-ano at ako'y kinikilabutan!" Di ko napigilang sumigaw

"Oh relax! Wag mu naman akong sigawan sweetie pie" sabay pout pa ng herodes


Kyaaaahhhh!!! Angkyot*-*  eeerrr!! shataph brain!!


At para lang maiwasan ang kakulitan nya ay hindi ko na lang sya pinansin lalo na nung nagpout sya. Kainis!

Nag-in na lang ako kahit sobrang aga pa. Ano pa nga ba, edi charity. Tuwang-tuwa naman yung kapalitan ko kasi nakapag-out sya ng maaga.


Naku! Kung hindi lang talaga sa kakulitan ng herodes na yun, nungkang mag-in ako ng maaga. Ayoko kasing magcharity, hindi naman kasi ako ang yayaman pag ginawa ko yun, ang yayaman yung company namin. Tama o Tama? :))


Pero pag-in ko, hayun at nag-in nadin sya.


Akala ko pa naman openning sya..


Akala ko out na sya at wala nang mangungulit saken...

Huhu!!


Gaga! Sabay kayo naglunch kanina, sya pa nga ang nagluto diba? Kaya pano magiging openning?


Ayt. Oo nga pala.. Ang kontrabida talaga ng utak ko. Hmp.

"Hi Miss, kanina ka pa."


"Anong kanina ka pa? Oo kanina pako dito, at kanina mo pako kinukulit!" I almost shouted


"Hindi yan tanong, may karugtong yun."

"Yun naman pala, patapusin mo muna kasi sya Aries." Sabi ng workmate namin na parang aliw na aliw sa sagutan namin ni Mico


Tumingin lang ako kay Mico at naghintay ng karugtong ng sasabihin nya.


"Kanina ka pa laman ng isip ko." Sabay kindat na sabi ni Mokong


"Ayiiiiihhhh!! Ang corny mo Mico, last mu na yan ah!" They almost said in unison as the other giggles.


Natawa din tuloy ako bigla. May kakornihan din pala sa katawan yung gwapong herodes na yun.

Oo gwapo. Aminado nako sa bagay na yun. E sa gwapo naman talaga sya eh, mayabang lang talaga, siraulo pa. Hahahaha!

Breaktime....

Sisimulan ko na sana ang pagkain ko nang bigla syang umupo sa harapan ko. And obviuosly, balak nya akong sabayan sa pagkain.


Balak ko sanang wag na lang syang pansinin kasi hahaba lang ang bangayan namin kung sakali, kaya lang hindi ako makakain ng maayos kasi nakatitig lang sya sakin at pinapanuod ata akong sumubo. Gutom pa naman ako, wa poise kung wa poise. Ei kaya lang syempre nakakailang parin.

"Hoy! Wala ka bang balak kumain at papanuorin mu na lang ako sa pagsubo ko ng pagkain?!"

"Grabe ka namang makabulyaw sakin apple, ang sakit sa tenga, tapos bigla-bigla pa, nagulat tuloy ako." He said as he pouts.


"Eh wag mo kasi akong titigan! Hindi ako makakain ng maayos eh!"


"Ang cute mo kasi panuoring kumain, parang gutom na gutom ka, teka, san mo nga pala nilalagay yang kinakain mo? Ang lakas mo kumain pero ang payat payat mo naman."


"Correction! Slim lang. Hindi payat!"

"Sus! Ganun narin yun sweetie, pinaganda mu lang yung term." He said smiling. At ngayon ko lang napansin, may pagkasingkit pala sya, para tuloy nawawala yung mata nya pag nakangiti sya .. hahaha!


"Tsk! Dami mong alam! Kumain ka na nga!" Sabe ko at masunurin naman sya kasi nagsimula na sya kumain pero ang napakabilis nya matapos kumain, aba't naunahan pa ako.

"Ay koya, may lakad?"


"Wala naman, papanuorin pa kasi kita ulet kumain at tsaka mabilis akong nabusog, ang ganda kasi ng kasabay ko."


"Hoy! Anong tinira mo? Umamin ka!


"Grabe ka naman saken honeybunch, hindi ba kapani-paniwala yung admiration ko for you?"

"Admiration? Wow! Anyare? Biglaan? Parang kelan lang nagbabangayan tayo ah."


"Kahit naman ngayon parang nagbabangayan tayo eh, when in fact hindi naman talaga kase ikaw lang naman yung umaaway saken lage, ikaw tong laging galit."

Natameme naman ako dun.

Tama kasi sya.


Eh kasiiiiiiiii.... Ah basta!!


Makakain na nga lang ulet at di ko na lang sya papansinin. Kunwari hindi ko narinig yung sinabi nya.


"Ui crush, pwede ba kita ligawan?" Bigla-bigla ay sabi nya.

"Huh?!"I almost choked.


"Errr mali. Eto talaga dapat yung sasabihin ko....

Liligawan kita huh. Wether you like it or not." Sabi nyang nakangiti sabay kindat sa akin


To be continued....

Mahal ko O Mahal Ako?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora