Chapter 20 Their Plan

22 2 0
                                    

Brian's POV

"Ready ka na ba Bri?"tanong sakin ni Alanis.

"Oo ready na ko."pero deep inside kinakabahan ako. Ngayon na pala ang competition. Ngayon ko na din ipagtatapat ang nararamdaman ko kay France. Sana pumunta siya.Sinabi ko na to kay Alanis at okay lang naman daw sa kanya. Alam naman daw niya na hanggang friends lang kami.

France' POV

Saan kaya kami pupunta ni Geoff? Di ba niya alam na ngayon yung competition nila Brian?? :3

"Gusto mo bang mapanood sila Brian?"tanong niya.

"Oo naman. Nakapagpromise ako sa kanya na pupunta ako dun eei."

"Sakay na." Inalalayan niya ako sa pagsakay sa kanyang motor. Twenty minutes na ang nakalipas di parin kami nakakarating doon. Sinarado kasi yung daan dun sa dinadaanan namin kaya nagbago kami ng daan. Parang paikot ikot nalang kami dito. Parang may mali talaga.

"Geoff nasan na tayo?" tanong ko kay Geoff dahil parang maliligaw na talaga kami.

"We're lost."mahina niyang sabi sabay pahinto ng motor.

"Ghaad! Pano na ngayon?"bumaba ako at naupo sa gilid ng daan. Sabi ko na nga ba at para siyang kinakabahan din kanina.

"Wait lang hihingi lang ako ng tulong."Lunayo siya ng bahagya at nagdial ng number.

"Aissh! Ngayon pa nalowbat." Geoff

Pano na yan. Lowbat na ko di ko naaitetext si Brian.Yumuko nalang ako.Naramdaman kong may yumakap sakin. Wag na kayong magisip kung sino si Geoff lang naman ang kasama ko!

"Sorry Reil."mahina niyang sabi.

"Okay lang." Sabi ko kahit medyo nalulungkot ako dahil hindi ako makakaabot.

"Hali ka na hanapin nalang natin yung tamang daan."

Sumakay na ako ng motor at hinanap namin yung daan papuntang venue at sa kabutihang palad ay nahanap namin. Bakit kasi bawal dumaan dun sa eskinitang yun bwisit!

"We're here." Natuwa ako sa sinabi ni Geoff. Nagmamadali akong pumasok sa loob at..

"Ang nanalo sa dance contest na ito ay contestant number..... 2... Alanis Mikael Ross at Brian Kim." Papalakpak na sana ako pero napansin kong nakatingin sa direksyon ko si Brian. Yung tingin na parang nagaapoy sa galit. Bigla nalang siyang umalis ng stage at iniwan si Alanis.

"Hey mister! Pipicturan pa kayo!" Sabi nung MC.

"Hayaan niyo na po. Naiihi lang po yan. "Sabi ni alanis.

Sinundan ko si Brian.

"Dude!"tawag ko sa kanya .

"Dude wait lang.Sorry kung nalate ako ng dating!"

"I dont need your fucking explanation !"

"Pero dude naligaw lang kami."hamarap siya sa akin.

"So??"sabay talikod at naglakad na siya papalayo.

Kurt's POV

Nandito ako sa C.R. ng backstage.NagC.r muna ko. Sinamahan ko si Alanis para mabantayan ba din yung galaw niya . Kahit naman sabihin niyang di na niya gusto si Brian ay nararamdaman ko paring may gusto siya dun.

Palabas na sana ako nang may narinig akong boses ng babae.

"Hello Geoff!....Makinig ka sakin..Ngayon na magtatapat si Brian kay France and we need to stop him. Gumawa ka ng paraan para mapigilan mo pumunta di France o malate ng dating para magalit sa kanya si Brian....O sige bye.  Goodluck!"naglakad na siya palayo.

Sigurado akong si Alanis yun. Hindi ko magawang sabihin kay Brian ang narinig ko. Hindi niya dala yung phone niya at nandiyan si Alanis. Tsaka ko na nga lang sabihin! Bahala na.

Me or That Super Star Where stories live. Discover now