Chapter 2-Special In Different Way

53 12 0
                                    

Media: Taylor Swift- Lover


Chapter 2

Special In Different Way


Nakipagsiksikan si Adalyn sa kumpol ng mga freshmen students na kagaya niya.

Wala siyang kaibigan at lalong wala siyang kakilala sa unang araw na iyon ng pagpasok niya sa North Valley University.

Nag call for assembly ang lahat ng mga freshmen students eksaktong 3:00 P.M. araw ng miyerkules kung saan araw naman na iyon ng ang mga events and activities ng mga student organization ay malayang nagagawa alinsunod sa approved regulations ng University Council.

Tagumpay naman siyang nakapasok sa loob ng open auditorium, sobrang dami ng freshmen students ang nakaupo na at naghihintay sa loob ng event. Napakalawak ng lugar na maihahalintulad sa medium sized Arena ang set-up ngunit sapat lang to hold a school event, mayroon ding court din sa nito.

Napaka-ingay ng mga kwentuhan ng estudyante sa loob na animoy libo-libong bubuyog ang nakawala sa kulungan.

Hindi alam ni Adalyn kung saan pupwesto kase wala talaga siyang naging kaibigan manlang sa mga classmates niya.

Nahihiya talaga siya makipagkilala.

Palingon-lingon siya sa left and right wing ng auditorium, halos wala na talagang bakanteng upuan.

Bahagyang nairita si Adalyn. kung wala lang sanang penalty ang pag-absent sa event na ito hindi talaga siya dadalo kung ganito lang naman din

"Hey! Hey Miss Adalyn! Adalyn!" Naririnig ni Adalyn na may tumatawag sa kanyang pangalan.

Hinanap niya agad iyon.

"Hey, We're here mga classmates mo nandito!" Napansin naman agad ni Adalyn ang lalake na kinakaway ang dalawa niyang kamay sa bandang left wing ng event.

May kalayuan ang mga ito sa kinatatayuan niya mula sa entrance

Ngumiti siya dito ng alanganin.

Tsaka kumaway na lang din. Ayaw din naman niyang maging rude dito, besides wala siyang choice kundi ang lumapit doon.

"Mukhang mabait naman sila, bahala na kaysa naman mag-isa ako at walang kasama di ba?" sa isip ni Adalyn.

Minabuti niyang pumunta na lamang doon kaysa sa tumayong parang tanga sa gitna ng entrance ng auditorium.

Impit at pilit ang ngiti ni Adalyn habang papalapit sa lalakeng tumawag sa kanya.

"Hi, halika dito ka sa amin" ani ng matangkad at matipunong lalake na tumatawag sa kaniya kanina.

Lalo tuloy lamang siyang nahiya dahil ang totoo'y mas lalong naging appealing sa mata ni Adalyn ang binata ng malapitan niya ito.

Para itong modelo.

"Hi, pasensya na hindi po kita napansin" Adalyn

"Naku okay lang naman tsaka no need to use "Po" okay magkasing edad lang naman tayo kung titignan haha, dito..dito may bakanteng upuan pa" inabot nito ang kanyang kamay at inilaayan siyang makaakyat sa bleachers at ginabayan para hindi masagi ng mga estudyanteng nilalagpasan nila sa ibabaw ng bleachers.

"oh hi! I'm maggie and this is Cleo" bati sa kanya ng magandang babae na nasa tabi ng bakanteng upuan.

"I'm Adalyn, nice meeting you" Pakilala niya.

"Dito ka na samin umupo dito sa tabi ni Maggie" anyaya sa kanya nung Cleo.

"Salamat" Adalyn.

"And I'm Tristan" pakilala nung lalake na tumawag sa kanya pagkaupo ni Adalyn sa tabi ni Maggie.

Blinded By Yellow LightsWhere stories live. Discover now