"Ano bang pinagsasabi mo Sam?" Takang Sabi ko. Nagtaas naman to ng kila at mukhang nainis sa sinabe ko.

"Nawala ba diyan sa isip mo ang lahat ng ginawa ni Axel sayo!? Diba na ngako ka na kakalimutan mo na siya at iiwasan mo na!?" Galit na Sabi nito. Shitttt Ano bang nalaman nila. May nakakita kaya samin noong event. Totoo namang sinubukan ko Eh. pero mag partner kami, kaya pano ko naman iiwasan pag ganoon. At yung mga inasta kasi ni Axel parang iba Eh.

"Sinubukan ko namang iwasan ah." Pagpapaliwanag ko. Nakita ko naman maslalong nainis ang itsura nito. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at hinarap sakin ang Screen. Nagulat ako ng nakita ko ako at Si Axel na nakasandal sa isat isa at tulog. Shit may nagpicture samin sa Bus nung Pauwi. Ito ba ang Dahilan kung bakit parang wala sa sarili si Timothy, at lahat ng nadadaanan ko ay sumusulyap at nagbubulungan?

"Ito ba ang pag iiwas Elaine!?" Nilipat ni sam ang picture at nagpakita dito ay ang picture naming dalawa ni Axel, na nakahiga sa sahig na naka holding hands habang umuulan. pati pa naman to May nag picture. Nung May napansin ako ay kinuha ko ang Cp ni sam, at nakita kong naka post itong dalawang pic sa School Forum. OMG sa school forum pa talaga pinost kaya naman pala lahat nakita Ito. Bwisit bakit ba kasi ako hindi nagchechek ng school forum.

"Sinong nag Post niyan!?" Inis na Tanong ko kay Sam.

"Walang May alam pero elaine Ano bang pinag gagawa mo at nagawa mo to!?"

"Ehh.... Malay ko sinubukan ko namang iwasan si Axel pero siya yung lapit  ng lapit nung event eh, at no choice naman kami kasi magpartner kami."

"Alam mo ba mga sinasabe ng mga tao ngayon tungkol sayo. Tina tawag ka nilang Ahas, Mang aagaw, slut and more. Alam mo namang Halos lahat sa campus ay alam na Nililigawan ni Axel si Kiara, tapos bigla nila tong makikita."

"Ehh Anong gagawin ko na misunderstand lang nila kami, Hindi ganoon nangyare!" Nag usap usap pa kami nila Sam at Jane at kwinento ko sakanila ang mga nangyare nung event, medyo nagalit sila pero kinilig rin. Nang dumating na ang Teacher namin ay tumigil na kami sa kwentuhan at nakining na.

~ ~ ~

Nang natapos na ang lahat ng Klase namin sa umaga ay tumungo na kaming tatlo nila Sam and Jane sa cafeteria. Habang patungo kami dun ay tuloy tuloy parin ang mga pag sulyap at Bulungan ng mga tao sa paligid namin. Hindi ko nalang pinansin Ito at minadali na namin makapunta sa Cafeteria. Pag dating naman ay bumili na kami ng pagkain at umupo na. kahit nung nakapila kami kanina ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga students sa tabi ko. Gusto na nga Sanang magalit ni sam pero Pinigilan namin siya ni Jane. Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na Si Harrison mag isa at umupo na sa tabi ni Jane, nang napansin ni Jane si Harrison ay mapapansin mo ang Pag pula ng kanyang mga pisngi. Nag antay pa ako ng ilang saglit pero hindi dumating si Timothy kaya.

"Harrison."

"Bakit?"

"Si Timothy nakita mo ba?"

"Ay hindi ba niya sinabe sayo?" Takang Sabi nito.

"Ha Ano yun?"

"Wala daw siya sa mood ngayon kumain kaya nag paiwan nalang siya sa room."

"Ay ganoon ba, bakit May masakit ba sakanya?"

"Hmm... tinanong ko rin siya kanina pero wala naman daw. Wala lang daw kAsi siya sa mood, siguro masama ang gising." Sabi pa ni Harrison at nagpatuloy sa pagkain, nag madali na akong kumain kasi gusto kong puntahan si Timothy. Pagkatapos ko kumain ay tumayo kaagad ako, Nagtatakang tumingin naman sakin yung tatlo.

"Oh elaine tapos ka?" 

"Ahh Oo." Sagot ko naman at nag umpisang tumungo sa canteen.

"Oh saan ka pupunta?" Takang Tanong ni Sam na hawak hawak parin ang tinidor sa Kamay.

"Bili lang ako ng pagkain ni Tim at puntahan ko siya sa room nila." Pag eexplain ko naman.

"Gusto mong samahan kita?" Tanong ni Harrison.

"Hindi na, diyan ka lang at pagpatuloy mo muna yang pagkain mo. At baka ma miss ka pa ni Jane Eh HEeheheh." Pag asar ko naman at namula ng todo si Jane at Harrison. Nag patuloy na akong tumungo sa canteen at bumili ng apat na empanada bago tumungo sa Room nila Timothy. Nung malapit na ako ay parang May naririnig akong nag uusap sa isang room, huminto naman ako sa pintuan ng room at nakita ko Si Axel at Kiara. Mag tutuloy tuloy na sana ako sa pagLalakad ng narinig ko ang pangalan ko.

"Ax Ano ba kayo nung Elaine na yun, nakita ko mga pictures niyo!" Galit na Sabi ni Kiara kay Axel. "Ganyan ka ba tuwing wala ako sa Tabi mo, kung sino sinong babae ang ka holding hands at magkasandal pang natutulog sa Bus!" Galit na galit na Sabi ni Kiara kay Axel.

"Kia Mali yang iniisip mo kas—-"

"Mali bang pag isipan to ng iba!" Pag putol ni Kiara sa sasabihin ni Axel at pinakita kay Axel ang Pictures namin.

"Hayaan mo kasi akong mag explain."

"Hindi! Bahala ka na sa buhay mo." Aalis na sana si Kiara sa room ng biglang hilain Ito ni Axel papunta sakanya at niyakap siya.

"Kia Kaibigan ko lang si Elaine. Matagal na kami magkakilala nun kaya wala ka dapat epag Bahala Kasi kaibigan lang Turing ko sakanya." Habang naririnig kong sinasabe ni Axel yun kay Kiara ay hindi ko nalang mapigilan mapaluha. Mali nga iniisip ko Hindi nga nag bago si Axel, at Kaibigan lang ang tingin sakin. Bakit ba ganito nalang ako umasa. "Wag kang mag alala Kia, walang makakapantay sayo kasi ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba." Sabi pa ni Axel habang Yakap yakap si Kaira. Nandun lang ako sa pinto lumuluha habang  nakasilip sakanila habang nakayakap lang sila sa isat isa. Biglang may humawak sa balikat ko at....

"Let's go,you've seen enough..."

TO BE CONTINUED...
[HIRAP UMASA KASI MINSAN HANGANG KAIBIGAN KANG TALAGA.]
(THANK YOU SA LAHAT NG NAGBABASA NG STORY KO)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now