I

33 5 0
                                    

        "Graduating in High School is one of the starting point of life. Marami sa atin ang magpapatuloy sa kolehiyo at ang iba ay tatahak sa daan ng pagtatrabaho. The four years in Junior high and two years in Senior high that we endure and survive put us here,as the Graduates of Batch 2025-2026. This will not be the end, we will face more struggles pero hindi tayo dapat paghinaan ng loob. We should enjoy the journey of our life, in that we can be happy in life. Never forget that we are the future of our generation as stated by Dr. Jose Rizal. We are born heroes and heroes never surrender. In that Congratulations my fellow Graduates!"

The pounding in my heart is so loud, making a speech in front of my schoolmates is breath taking. Nakakapanghina pero nakakatuwa na masilayan ang mga ngiti sa kanilang mga mukha. Ang aming mga diploma na siyang nagsisilbing bunga ng paghihirap sa sekondarya ay amin ng nakamtan.

"The speech given by the Batch Valedictorian is so heart warming.Thank you Xianna for giving a inspiring message."

The master of ceremony smiled to me while saying those words. Hanggang sa umabot na kami sa paghagis ng aming graduation cap bilang tanda na ang aming pagiging estudyante sa High School ay tapos na.

In my life, I don't aim to be on top. Okay na ako na mataas ang nakukuha ko kesa makakuha ng pinakamataas. Tila nagbunga ang pagsusunog ko ng kilay sa pag-aaral kaya ako ang naging Valedictorian sa aming batch.

I remembered when they announced the students who aim high ranks, madaming nadismaya at nagalit. Who wouldn't be angry, a student from a TVL strand got the highest grade. Tila hindi yon natanggap ng mga estudyante mula sa strand ng ABM, they were blunting na sila lang ang natatanging academic strand sa aming paaralan, na dapat ay sa kanila manggaling ang Valedictorian. Wala akong sinabi, it will just add fuel to the fire. Ano bang magagawa nila? Lahat ng strand sa senior high ay pantay-pantay. Hindi nila alam ang hirap na pinagdaan din naming mga nanggaling sa TVL. Kung utak ang hinahasa sa kanila, skills naman ang samin. Wala na silang nagawa, wala na din namang magbabago. Tila hindi sila matapos-tapos sa pagdidiskrimina sa kapwa nila estudyante.

"Congrats Gem!" napukaw ang aking pansin ng sumigaw ang aking kaibigan mula sa ABM. Unlike her classmates, she is one of the happiest nung lumabas ang results.

"Thank you, Wen! Cograts din sayo! You did well too." Tears were streaming down our faces as we bid our words.

Sa susunod na linggo ay aalis na din ako sa aming lugar, I need to move early for my incoming college days.

Madaming nag-iiyakan,tila hindi na nila muling masisilayan ang mukha ng mga kaibigan nila.

Napadako ang tingin ko sa iba pa. Madami ang bumati sa akin, I also bid them congratulatory words. Pati mga guro ay naging emosyonal.

"May handaan sa amin, punta kayo guys." I invited my classmates and other close friends from other section.

"May alak ba?Graduation naman natin,baka pwede na ang alak."natatawang suhestiyon ng isa sa mga kaklase kong lalaki.

"Kahit kailan alak ang nasa isip mo!" Sigaw sa kaniya ng iba.

Natatawa ako habang tinitingnan sila, I will miss this crazy idiots. They make my senior high life memorable.

"May alak daw, basta magpaalam kayo sa mga parents niyo kung sasama kayo.Bawal din ang momol ha"Ani ni Wen sa kanila na tila isang nanay.

Pagkatapos ng madaming batian ay umuwe muna kami sa kaniya kaniya naming bahay.Si Wen at ang kaniyang pamilya ay tumuloy sa amin. Nag-ambagan kasi kami para sa handa at kaming dalawa ni Wen ay kumuha sa aming mga ipon para sa alak. Our parents agreed on us drinking alcohols kasi graduation naman namin.

My family is just simple, we eat three times a day. Ang tatay ko ay isang construction worker sa isang kompanya at masasabi ko na tama lang ang kinikita niya para sa pang araw-araw namin.

I will support myself for studying in college. Nakakuha ako ng scholarship sa isang unibersidad sa San Fernando, Pampanga ang OLFU.Siguro ay magtatrabaho ako habang bakasyon pa at mahaba haba pa ang panahon bago magkolehiyo. Hindi na rin kasi kaya ni Tatay na tustusan ang pag-aaral ko hanggang kolehiyo. Ayaw ko rin maging pabigat pa lalo sa kaniya lalo na at sakitin siya.

Nang sumapit na ang alas-sais ay nagsidatingan na ang yung mga classmates namin at iba pang schoolmates.

Napuno ng tawanan ang kainan namin. Mga baliw talaga ang iba kong kaibigan,siyang-siya kapag nagpapatawa ng mga nakakatanda.

When it was getting late, umuwi na ang mga magulang at nakakatanda. We set-up the table and chairs sa harap ng bahay para sa inuman. Nagsabi ang parents ni Wen na hinay-hinay lang daw kami sa pag-inom at sinabihan siya na dito na lamang matulog pag natapos kami ng hatinggabi.

"Sinong mauuna?From left to right nalang tayo. Magsisimula kay Gelo."

Ganun nga ang ginawa namin. Nagsimula kami sa mga kwentuhan nung mga nangyari nung grade 11 kami.

"Naalala ko nung pumasok yung teacher natin sa ICT tapos galit na galit kasi walang gumawa ng assignment sa subject niya" natatawang wika ni Joy.

Lahat kami ay napatawa nung naalala ang pangyayari na yon. Paano ba naman ay pinapasok kaming magkakaklase sa lahat ng classroom ng grade 11 noon para sabihin lang sa iba na di kami gumawa ng assignment.

"Grabe yung tawa ng mga classmates ko nun sainyo. Sabi pa nila ay mga tamad daw kayo at di nag-aaral nang mabuti. Tingnan nila ngayon, ang grumadweyt na Valedictorian ay mula sa ICT." Ani ni Wen na tila napakaastig nung nangyari.

Madami pa kaming napag-usapan hanggang sa mauwi kami sa usapang pag-ibig.

"Si Gem, graduate nga na may pinakamataas na grade bagsak naman sa lovelife"

Bwisit na Tonton inungkat na naman yong kwento ko, pero yung sa kanya di niya din maayos-ayos.

"Di ko ba naman alam sa ex niya, kung type lang ako netong si Gem jinowa ko nato."sabi ng isa kong tropa.

"Bute nalang di kita type,ayokong magboyfriend ng classmate kaya baka magpagawa lang sakin ng schoolworks dagdag stress pa. Atsaka past is past guys baka mabilaukan yung manloloko na yon"sarkastiko kong sabi.

Masakit pa din pala,akala ko kami na hanggang dulo eh. May dulo din pala kami.

"Madaming muntik manligaw sayo na schoolmates natin Gem ah?Kahit mga juniors ay nagkakacrush sayo kaso snob ka masyado. Tutok na tutok sa boyfriend mo na naghanap naman ng iba"

Tama si Joy, kung alam ko na hahantong lang pala sa hiwalayan at lokohan ang relasyon namin edi sana hindi ko nalang siya sinagot.

"Ano ba kayo wag niyo na ungkatin, alam niyo naman tong kaibigan natin matalino sa pag-aaral bobo sa pag-ibig."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi ni Wen. Hindi masyadong tutok si Wen sa schoolworks mas gusto niya na nagliliwaliw. Unlike me, Wen is accepting suitors pero ni isa wala siyang sinasagot.

Dagdag problema lang daw ang pag-ibig,walang magandang maidudulot sa buhay.

Nang maubos na ang alak ay madami ng tumba ang iba naman ay umuwi na.

Ako lang ata ang natirang nakatayo,inihiga ko na lamang sila sa sala namin. Mukha silang suman dahil nagsisiksikan sila sa maliit na espasyo. Siguro ay uuwi na lamang sila pagsapit ng umaga.

Hiniga ko si Wen sa kwarto ko at nagpasiyang mag-ayos bago mahiga.

Bukas ay panibagong araw na naman para maghanda sa isang simula.Mag-uumpisa na akong maghanap ng matutuluyan na malapit sa Unibersidad.

Magiging maayos kaya ang buhay ko sa panibagong chapter ng aking buhay? O mas matinding paghihirap ang daranasin ko?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hunting SerendipityWhere stories live. Discover now