Kinasa niya ang baril at handa na itong iputok ng may narinig akong naunang nagpaputok. Nakita ko na lang nakahandusay na siya sa sahig dahil sa tama nito sa kanang balikat kung saan doong banda nang kamay niya ang may hawak sa baril. Napatingin ako sa bumaril, shock is visible in my face. I can't believe he did it. He shot his own father. Dahil alam ko kung gaano niya ito kamahal at kung gaano kahalaga ang kaniyang ama sa kaniya. But he shot him.

Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. He has this dark aura. Habang namimilipit naman sa sakit sa lupa si Don Lucianno.

"Don Lucianno!" may tumawag sa kaniya at sunod-sunod  kaming pinagbabaril.

Agad kong hinawakan ang pulsuhan ni De la Vega para makaligtas kami. Tumakbo ako nang mabilis not minding every people around who are killing each other. Rinig ko pa rin ang mga putok ng baril na sumusunod sa amin. Napansin kong hindi nagsasalita si De la Vega at parang nagpapahila lang siya sa akin na tila walang pakialam kung saan ko siya dadalhin.

"Anderson." parang sa isang iglap ay napatigil ako sa pagtakbo at nabitawan ko ang pulsuhan niya nang sabihin niya iyon. Kahit hingal pa ako ay dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin. Parang naririnig ko ang lahat ng sinasabi ng mga mata niya but I don't know what exactly are those.

"Ang iyong ngalan ay Bra-yve Anderson." dagdag pa niya. Kahit hirap siyang bigkasin ang pangalan ko he still manage to pronounce it. Nakatingin lang ako sa kaniya hindi malaman ang sasabihin.

Natigilan ako nang marinig ko na naman ang mga putok. Napabalik ako sa realidad. Ginala ko ang paningin ko at namalayan kong nandito kami malapit sa isang tulay. Sandali. Bakit parang pamilyar ata itong lugar na ito? Hindi. Hindi iyon ang mahalaga ngayon. Kailangan kong panatilihing ligtas si De la Vega.

"Anderson." napabalik ako ng tingin sa kaniya. Agad ko siyang hinila nang makita ko ang mga guardia civil na paparating sa direksyon namin. Pero nang makatapak na kami sa kalagitnaan ng tulay ay tumigil si De la Vega.

"Ano ba?! Wala na tayong oras para tumigil pa!" singhal ko sa kaniya sa gitna ng paghingal ko. Kinuha ko ang kamay niya pero ako ang nahila niya. Kaya napabalik ako sa dati kong pwesto.

"Anderson." sambit niya. Talaga bang hindi siya titigil?!

"Oo na! Oo na! Anderson ang aking pangalan. Basta kailangan na nating kumilos!" pag-amin ko. Wala na akong choice parang lutang kasi siya. Ngayon pa talaga? Hihilain ko na sana siya pero kinuha niya ang kamay ko at may inilagay roon. Napatingin ako sa aking kamay. Hindi! Napaatras ako habang nakatingin doon.

'Inspector Brave Anderson'

It was my name tag. Ngayon ko lang napagtantong nawala ito sa pag-iisip ko. Nakalimutan ko ang bagay na ito. Paanong napunta ito sa kaniya? Saan niya ito nakita? At paano niya nalaman na sa akin ito o mas tamang sabihin na ako ang nakasulat dito? Hindi kaya—napatingin ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. 

"Hindi...paanong?" tanging sabi ko. Gumagalaw ang kamay niya at may kinuha sa kaniyang coat na hindi inaalis ang tingin sa akin. Inilahad niya ang isang papel—hindi pati ba naman ito? Imbes na kunin ang papel ay tumingin ko sa kaniya. Hindi ako nakapagsalita. Wala akong masabi. Hi di ko alam ang sasabihin ko. Binaba niya ang kamay niyang may hawak ng papel.

"Anderson." bigkas niya ulit sa pangalan ko.

"Alam mo bang matagal ko nang nais sabihin iyon sa iyo? Dahil iyon ang tunay mong pangalan." dagdag pa niya. Wala pa rin akong masabi. Tanging ang pagbilis ng tibok ng puso ko ang nararamdaman ko ngayon. Naging mahigpit ang hawak ko sa name tag.

"Hindi ko batid kung paano nangyari ang nakasulat dito. Noong una hindi ko ito pinaniwalaan ngunit ng lagi kitang sinusubaybayan, doon ko napagtantong totoo nga ang iyong sinulat rito." wika niya.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Wala akong pakialam kung ilang ngalan ang mayroon ka. Ngunit isa lang ang alam kong tiyak, at iyon ay mahal kita Anderson."

Napaatras ako dahil sa sinabi niya. He called me in my real name. Kahit kanina niya pa iyon binabanggit pero ngayon lang tuluyang pumasok sa buong sistema ko.

"De.." I tried to speak pero wala talaga akong masabi. Hanggang sa nakita ko ang mga guardia civil sa kaniyang likuran. Agad akong nabalik sa wisyo ay hinala siya papalapit sa akin. Agad kong kinasa ang baril ko at pinagpuputok laban sa kanila. Hindi pa ako nakakatapos ay hinala agad ako ni De la Vega. Napunta kami sa gilid ng tulay para makailag sa mga balang galing sa mga kalaban. We're near in the fence of this bridge. Dahil ako ang nasa unahan lumingon ako sa kaniya at nakitang may papalapit sa kaniya. The enemy is pointing a gun and he released it. Pero bago tumama kay De la Vega ay mabilis ko siyang hinila papalapit sa akin kaya ako ang nabangga sa harang ng tulay.

Natamaan ako sa balikat dahilan para mabitiwan ko siya. At parang naging mabagal ang lahat at ako ay nahulog mula sa tulay. Kasabay ng pagkahulog ko ay ang pag-agos ng aking mga luha at dugo. I reach for his hand trying to hold it but I failed.

I gave him a sad smile while he is shouting my name, my real name. Masaya akong tinawag niya ako sa tunay kong pangalan pero ito na yata ang huling pagkakataong maririnig ko iyon. Ang sabi ko sa sarili ko na ayokong umalis ng may pinagsisihan that's why I utter these words.

"Mahal din kita."

Nakita kong natigilan siya ngunit mabilis ring nawala at bumalik ang nag-aalalang ekspresyon niya. I shut my eyes and wait for the water to embrace me.

"Anderson!" I smiled when I heard it for the last time before the water reaches me.

--

blionsky

Saving The Governor-General (Completed) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon