PROLOUGE

29 3 5
                                    

"Dreeeeev! Kamusta?" Patching said, sabay halik at yakap sa akin. 

"Tumaba ka Drevi ah" sabat ng kaibigan kong si SSS, kahit kailan ay hindi mawawala ang pagkaepal ng isang 'to.

"Panira ka kahit kailan!" ganti ko sakanya sabay hampas sa balikat. 

"Ikaw Daryl 'di mo ba ako namiss?" sambit ko sabay tawa.

"Magkasama lang tayo kahapon, abnormal ka ba?" sabay irap, akala mo naman 'di ako mahal!

"Oh? Ano naman ang mga nagawa niyo sa buong bakasyon?" pagtatanong ni Agua, ang maderhood namin.

.・゜゜・.・゜゜・.・゜゜・.・゜゜・

Kami ang power puff girls ft. Professor Utonium at Mojojo! *tenenenenenen*

Patch Ytta Orensa, the Blossom. She is an outgoing person. Matalino 'yan kahit papetiks-petiks madaming time kaya madaming nagagawa, pati paglandi ay naisisingit niya! 

Sadie Shelby Sandoval, the Bubbles. Wala lang, no choice kami eh, kesa naman  na mapagiwanan namin ginawa nalang namin siyang si bubbles.

Charot! Masayahing tao yan, akala mo walang problema. Masarap kasama pero slow at mapangasar, sinong gugustuhing kasama yan? Edi kami no choice nga kase.

Daryl Jean Castro, the Buttercup. Sobrang sporty at kung hindi mo magiging kaclose ay aakalain mong tomboy, pero sweet 'yan samin! Matalino din, lodi yan kasi parang ready lagi ewan ko ba d'yan! 

Agua Lacosta, the Professor Utonium. Ang tatay at nanay sa grupo, napakamaalaga at pakikinggan ka pag may problema ka. Magaling magadvice pero sakanya di niya maapply. Mahaba pasensya yung tipong hihintayin niya kayo magbreak ng girlfriend mo for 5 years tapos ikaw pa rin gusto niya.

At ako ang Mojojo! Gusto kong sirain palagi ang araw nila, mahilig din ako magdiscover ng bagong papi, charot loyal ako ano! 

.・゜゜・.・゜゜・.・゜゜・.・゜゜・

I looked at the court and I saw him! Parang bumagal ang mundo nung nakita ko siya, si Kier! Ang super duper ultimate crush ko! 

Tumingin siya sa gawi namin at kinawayan kami, nginitian ko lang siya kahit hindi niya kita kasi duh mahalata pa ako mahirap na.

"Tara na gorls, hanapin na natin ang room natin!" masiglang sabi ni Patch.

Oo nga pala, nagaaral kami sa Mueve State University. Marami rami din ang napasok dito, isa 'to sa kilalang campus sa Laguna. Sabi nila sosyal at maaayos na estudyante ang mga napasok dito pero bakit andine ako?

Natawa na lamang ako sa aking naisip. Kahit kelan talaga ang funny ko! 

——————————————————————————————————————————

ty, labyuol. ♡

The Fall of Drev (ON-GOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora