"I think your inlove?" sabi niya na nagpatingin sa akin sa kaniya.

"What?"

"Your inlove. Umiibig ka. Estas enamorado. Ano pa ba gusto mong lingguwahe? Ahh.. German. Du bist verliebt. Ano? Naintindihan mo na ba?"

"Tss.." I paused because of frustration. "You think I am? Paano mo na sabi? Bakit naranasan mo na?" balik kong tanong sa kaniya.

"Oo. Your inlove!" he declared like he is implementing a law that needs to be declared in the nation.

"Oo, hindi ko narasan ang umibig pero sa ilang siglong dumaan. Marami na akong nasakhihang mga dakilang pag-iibigan. Yun bang 'one true love'na sinasabi nila." sabi niya na with hand gestures pa.

"Stop being cheesy. You sound disgusting." sabi ko with yeah, a disgusting look.

"Alam mo nasasabi mo iyan kasi indenial stage ka pa kasi. Tsk! Ang inosenteng pulis!"

"You know what? I'm not pleased because I'm pissed!" sabay tanggal ng bakya na suot ko para ibato sa kaniya pero napigilan niya ako.

"Ang brutal mo talaga kahit kailan Anderson!" reklamo niya.

"Magseryoso ka kasi!"

"Oo na! Oo na!" pagsuko niya. Huminga muna siya nang malalim.

"Sigurado akong hindi tayo titigilan ng ama ni De la Vega. Hindi ko man alam ang mangyayari, pero kailangan pa rin natin pigilan ang nakatakdang mangyari Anderson." seryoso niyang sabi.

"As if I'll let that happen. Pero may gusto akong malaman. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya gustong patayin ang sarili niyang anak?" tanong ko. Sana naman bigyan niya na ako ng matinong sagot.

"Mali ka."

"Huh?" nagtataka akong nakatingin sa kaniya.

"Mali ka sa sinabi mong 'sariling anak'. Dahil hindi niya tunay na anak si Martin."

"Ano??!" gulat kong tanong.

"Relax lang. Ganito kasi iyon. Hindi niya tunay na anak si Martin pero tunay na ina niya si Doña Celestina. Which means he has different father at siya ay isang Pilipino. Ibig sabihin mestizo si Martin. Kalahati ang lahi niya." kahit ang seryoso niyang magsalita di naman matinong mga salita ang ginagamit. Kahit kailan talaga!

"Ngunit sino ang tunay niyang ama? Nasaan na siya?" sunod-sunod kong tanong.

"Matagal ng patay ang tunay niyang ama. Hindi pa isinisilang si Martin dahil ng malaman ito ni Don Lucianno, syempre nagalit siya nang husto kaya agad niyang ipinahanap ang ama ni Martin at pinatay. Sandali baka iniisip mo kung bakit nagawa ni Doña Celestina ang pagtaksilan ang asawa niya. No no no. Napilitan lang  si Doña Celestina sa kasalan nila ni Don Lucianno para sa kapangyarihan at ang ama talaga ni Martin ang tunay niyang mahal."

"Kung ganoon, talagang matindi ang galit niya kay De la Vega." yun lang ang nasabi ko.

"Oo at kahit nagawa iyon ni Doña Celestina sa kaniya, nanaig pa rin ang pagmamahal niya rito kaya si Martin ang napagbuntungan lahat ng hinanakit at galit ni Don Lucianno."

"Paano na ngayon?" tanong ko.

"Kailangang bumuo na naman tayo ng plano. Dahil hindi rin magtatagal at matutunton tayo dito. At mas magiging mahirap ngayon dahil hindi lang si Martin ang ating iisipin, ang mga kasama pa natin. At higit sa lahat magsisimula na tayong magtatago-tago dahil paniguradong alam na ng buong bayan na may dugong Pilipino si Martin. Kaya posibleng mawawalan siya ng kapangyarihan at papalitan ng panibagong Gobernador-Heneral."

Saving The Governor-General (Completed) ✓Where stories live. Discover now