Para akong napalibutan ng pader at wala akong balak kumausap ng kahit sino.

"Class dismiss."

Agad na silang nagtayuan pero nanatili akong nakaupo. Umattend ako ng walang naiintindihan. Stop it, Chelsea.

"Apat daw na member, Damon sali ka sa amin" sabi ni Leira kay Damon.

Mariin akong napapikit. Gusto kong lumayo dahil nakakasakit lang pala ako.

Tumingin ako kay Grace na parang humihingi ng tulong pero umiling lang siya at ngumiti ng nakakaloko. I felt defeat.

"Walang liliban ha, sisipain ko kayo." pag papaalala nila sa amin, bakit wala din ba si Damon kanina?

"You look weird today, what happened to your face?" Panunuring tanong ni Grace sa akin

"First, you left us in the canteen. Second, you ditched our class. And third, did someone slaps you when we aren't around?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero tumayo lang ako doon na parang walang naririnig.

"You know we are always here for you.. " huling salitang narinig ko bago ako lumabas ng pintuan.

Tahimik lang akong naglalakad ng maramdaman ko na may sumusunod sa akin pero ayaw kong lumingon. Hindi pa ba sapat na dahilan yon para lumayo siya? Ako siguro ang dahilan ng pasa sa muka niya.

Muntik na akong mapasigaw at halos mapasinghap ako sa ginawa niya. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang ginawa niya. He's hugging me! Hindi ako yumakap pabalik.

Humarap siya sa akin habang hawak hawak ang dalawang balikat ko. Tumingin ako sa mata niya at halatang malungkot siya.

"I'm sorry." Sabi niya pero tumingin lang ako sa kaniya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinaplos ang pisngi niya kung nasaan ang pasa. Nakatingin lang kami sa isa't isa, walang balak magsalita. Nanatili kaming ganoon ang posisyon bago ko naisipang tumalikod at lumayo sa kaniya.

"Chelsea." Agad akong napatigil nung binanggit niya ang pangalan ko "Are you still mad?"

Damn you, dahil sayo kaya ako lumalayo. Imbis na sumagot ay nag dire-diretso lang ako maglakad. Nung makarating ako sa kotse ay nandoon na si kuya na hindi nagsasalita.

Ganoon ang ayos namin hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad na akong lumabas at dumiretso sa kusina, ngayon na ako kakain.

"Hey, hindi ka sasabay sa amin?" Napatigil ako sa pag nguya at tumingin kay Mommy.

"Hindi po. Pagod po ako.."

"Alam ko may problema ka, spill it. Matutulungan kita."

I sighed. "Mommy, masama bang umiwas sa taong alam mong nasasaktan mo na?" Tanong ko at kumain na.

Ngumiti siya sa akin "Important person?" Tumango ako "Alam mo ba yung kasabihan na masarap ang bawal? Nak, sundin mo ang gusto mo. Kung masaktan ka, narito ako."

Yun lang ang sinabi niya at umalis doon. Naiwan akong tulala doon, ano nga ba ang gusto ko? Bakit ako masasaktan?

"Good morning everyone. Did you already group yourselfs into four? If yes, go to your proper places and start discussing what will you do after this. Understood?"

Napahilot na lang ako sa sentido dahil meron pa pala nito. And yes, kasama ko na naman sila. Kung kailan gusto kong lumayo, saka sila lumalapit. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

"Chels, wala ka na naman sa sarili mo." Bigla akong natigil ng marinig ko ang sabi niya.

Nag nod lang ako para sabihing ituloy niya na ang sasabihin niya. Katabi ko si Damon, at katapat namin sina Leira.

Nagsimulang mag discuss ang prof namin para sa gagawin namin. Group research lang naman, at heto ako nakatulala sa kawalan.

"You're spacing out."

Tumikhim lang ako.

"Sa bahay na lang tayo mag gawa. Sa bahay namin.." sabi ni Grace ng nakangiti

"When? What time?" Rinig kong tanong ni Damon.

"Saturday, 9 AM sharp."

"Class dismiss."

Agad na akong lumabas dahil magkikita kami ni Marco. Nagtext ako kagabi na magkita uli kami sa garden. Agad kong nakasalubong si Lexi pero nag iwas lang ito ng tingin. What happened to the frog?

"Chels, are you okay now?"

Tumango ako at umiling. Bahagya pa siyang natawa sa ginawa ko.

"You really remind me of something." He randomly said. Napatingin naman ako sa kaniya "nevermind. So what's up?"

"Same." Maigsi kong sagot at umupo sa may bench

"So?"

Siguro naiinis na siya hehe.

"None, una na ako."  Walang sabi sabing umalis ako doon, rude.

"Ayaw mo kaming kausap pero kausap mo si Marco?"

Nabigla ako ng biglang sumulpot si Damon sa harap ko. Nakangisi lang ito pero nung tinignan ko siya ng maigi, nagpapanggap.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"You don't care. So please, stop. I don't give a shit."  Madiing sabi ko pero bago pa ako makalagpas hinawakan niya ang braso ko

"I care, and I do a shit." Bigla siyang umalis at iniwan akong tulala doon.

He do a shit? He is the shit. He cares? No he don't.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ