𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟎𝟒

29 4 0
                                    

xxx

Papasok pa lang ako sa loob, nakita ko na si kuya na naghihintay sa gilid. 'Di niya ako agad napansin kasi dinadaldal niya si Kuya Dani, 'yung bouncer dito.

Sa sobrang dalas namin dito kilala na yata kami ng halos lahat ng staff. Kulang na lang kamustahin namin pamilya nila e.

Lumapit na ako para marinig usapan nila saka para na rin mapansin na nandito na ako.

"Nakita niyo ba kagabi dito 'yung alaga ko, Kuya Dani? Dito raw sila non e." tanong ni Kuya Jebriel.

Alaga? Nandito rin sina Joze kagabi?

"Sino don, sir?" game na sagot naman ni Kuya Dani.

"'Yung bulinggit ho. Basag raw dito e, may nagsabi sa'kin." kunot-noo na sabi ng pinsan ko.

Lakas naman ng source niya. Sana ako rin pag exam.

Parang lumiwanag 'yung mukha ng bouncer, "Ah, si ma'am South ba?"

Nagulat ako don. Grabe, bulinggit ba ako? 5'5 ako 'no, matangkad na 'yun.

Sumingit na ako bago pa sila magchismisan pa.

"Hoy, Jebriel, mema ka talaga 'no?" binatukan ko siya.

Napalakas yata pagbatok ko kasi naningkit agad mata niya pagbaling sa'kin. Deserve niya naman e, pagmukhain ba naman akong bata.

"Anong 'Jebriel'? Ikaw na boss dito?" tapos lumingon-lingon siya sa paligid, parang may hinahanap.

Wala na, umalis na 'yung hinahanap niya.

"Nasaan 'yung kasama mo?" kuya asked.

O diba, sabi na. Aangasan niya lang naman si Asta. Kung ako don pinatulan ko na kuya ko e. Pero sabagay, mukha namang close sila kaya nakakapagbiruan nang ganon.

"Wala, umalis, tulog." I answered sarcastically bago siya higitin papasok. Dami pa nitong masasabi e.

Nginitian ko si Kuya Dani nang mapansin kong pinapanood lang kami, aliw na aliw. Mukhang masaya naman siya sa trabaho niya.

Nang makapasok na kami sa loob, tinanong ko agad kung nasaan sila ate Jehiel. Ang dami na kasing tao, baka magkasalisihan pa kami. Nagtataka nga ako kasi ang aga pa talaga, ang alam ko 10 pm ang opening hours dito.

"Nandun sila sa gilid." tinuro niya kung nasaan silang banda at nakita ko na nga sila Connor at Third na may kalaro ng beer pong sa katabing table.

Batak a, plano talaga nila malasing? Pre-lims na bukas.

"Kuya, bakit pala ang aga ngayon dito?" tanong ko habang naiwas kami sa mga taong nagkakabanggaan na.

Pinauna muna niya ako bago sumagot, naiipit na kasi ako.

"Birthday ni Igo, he rented the whole place for the night." he answered.

Oh, kaya pala. Iñigo Rubio. Close friend namin, ex ni Connie. I heard active na raw siya sa showbiz ngayon. Nabalitaan ko lang since I don't watch the local news often.

Sa bahay kasi, akala mo walang cable dahil puro sports channel lang ang pinapanood nila.

----

Pagkalapit namin sa kanila, kulang na agad ng isa. Well, technically dalawa pero wala talaga dito 'yung isa. Nasa ospital pa.

Mukhang nagsuot na naman sa kung saan si Joze. Si Connie at ate Jehiel na lang kasi naabutan namin sa table. 'Yung dalawa naglalaro pa rin sa kabila.

Border of South (On-going)Where stories live. Discover now