𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟎𝟑

32 4 0
                                    

xxx

"Come on, South, you don't have to stay." Asta said while rubbing his nape. Pang-ilang ulit niya ng sinabi 'yan at nakukulitan na ako, sa totoo lang.

I sighed before saying, "Mamaya na ako uuwi." for the nth time. Hanep, ang ligalig.

Isa pa, siya 'tong gusto akong makausap diba? Hinihintay ko lang namang siya na mismo ang mag-open ng topic. Then after that, uuwi na rin ako. Ang arte ko ba? Aba, hinigit lang naman ako dito e.

Nandito kami sa kusina ng pinanggalingan ng ate niya kanina. Siya, nakasandal sa lababo at ako naman nakaupo sa island counter adjacent to him. Dito raw kami sabi niya, maingay raw kasi doon sa living room. Totoo naman, maingay talaga 'yung dormmates niya but not like it's bothering me. They're watching a World Cup or something of that sort...I think? Volleyball pa rin. Mukhang puro athletes ata sila dito.

Kanina niya pa ako pinapauwi kasi gabi na raw. Gabi na talaga, 9 pm na e.

I didn't notice the time, kanina pa pala ako dito. Nagpustahan kasi kami ng mga kasama niya kanina kung sinong mananalo sa match na pinapanood nila. Luckily, I won and them losers had to twerk in the tune of a nursery song. Laughtrip nga, meron pa silang video. Meron pa kasing nagsuot ng bra, and I don't know kung saan nila nakuha.

"Tangina mo talaga, Andrei. Patay ka kay ate Mila!" sinigawan nila 'yung isa na feel na feel pa rin.

"Inggit ka naman, pre. Sayaw ka rin ganto o." tapos nag-twerk sa sahig 'yung tinawag na Andrei.

"Mga tarantado, bagong laba ata 'yan! Nakita ko 'yan kanina nakasampay e." singit nung may hawak ng baby.

"Bakit mo alam? Masyado nang matanda si ate Mila para sa'yo oy!"

"Ulul." then he flipped the bird.

After that, Asta insisted na umuwi na raw ako. What the fuck am I, a highschooler? Daig niya pa mga pinsan ko e. And speaking of my cousins, wala pa kasi sila sa unit namin. I'm living together with them, ako kasi tinuturing na 'bunso' kahit meron pang mga mas bata sa'kin kaya di raw ako pwedeng mag-isa. Ewan ko ba.

Pero 'yun nga, wala akong kasama sa bahay, nasa bar pa 'yung mga 'yun. Baka madaling araw na sila magsiuwian kahit may pasok bukas. 'Di ko rin alam paano nila najo-joggle ang acads at night life. Kapag sinabi mong Paralejo, party animal agad ang unang maiisip ng mga tao. To think that we're from a family of well-known lawyers.

Not that the elders were bothered because of it, tinatawanan lang nila ang bagay na 'yun at minsan nga ine-encourage pa kami as long as we know our limits. At sabi pa nila, we would meet interesting people inside the club.

I always thought na biro lang nila 'yon, I never knew that I would experience it firsthand. Legit talaga, sis.

But anyways, I tried calling Kuya Jebriel— pinakamatanda sa'min, he's not answering so I figured that they must be on their way to a club as per usual. Ringing lang kaya nag-iwan na lang ako ng message na maybe I would go home late. 'Di ko na sinabi kung bakit, 'di rin naman niya mababasa agad. Bukas ko na lang sasabihin.

Now back to this annoying weirdo in front of me, kanina niya pa ako pinipilit na umuwi. Nasa sasakyan niya raw 'yung gamit ko, kuhanin ko na raw tapos hatid niya na ako.

I don't know bakit hapit na hapit na siyang umalis ako dito kasi wala naman siyang ginagawa. 'Yung iniwan na baby sa kanya 'di naman siya ang nagbabantay kundi 'yung mga kasama niya.

Out of frustration, ginulo niya na lang ang buhok niya. Mukhang problemado talaga siya e. Cute niya lang mag-mental breakdown.

"Magigilitan ako ni Captain pag nalaman nong nandito pinsan niya." pagkausap niya sa sarili niya. Laylay na nguso e.

Border of South (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora