Chapter 1: Ako naman

14 1 0
                                    

A/N: Hi po. Sorry kung maikli. Sa mga nagbabasa nito salamat. Wag nyo Kalimutan mag vote. Sorry sa mga typos. Maikli rin po itong story na 'to , kaya mga ilang chapters lang mga 15 siguro o 20 chapters.

Shania PoV

Halos mag isang buwan na. At alam na rin ni Rica ang mga sakit na nararamdaman ko dahil kay Kade at Sandy. Mag mo- monthsarry na din sila. Pinapatulong ako ni Kade para surpresahin ang girlfriend nya. Hindi sana ako papayag dahil alam nyo na lalo akong masasaktan. Pero dahil kinausap at pinilit nya ako ay wala akong nagawa. Sino ba ako para tanggihan ang kaibigan ko?

Weekend ngayon at walang pasok mamaya nya rin yon gagawin. Ngayon ko din nalaman na mag dadalawang buwan na pala sila ni Sandy! So sinektero nya sa 'kin yon. Hindi nya man lamang ipina-alam.

" Shania, babae ka diba? So ano kaya ang gusto ni Sandy na iregalo ko sa kanya?" Napatingin ako sa kanya. Nasa isang jewelry shop kami ngayon.

" E-Ewan. Di ba kung mahal ka naman ng isang tao, kahit simpleng regalo tatanggapin nito. " Cold kong wika. Nakaka walang gana 'to.

" Kilala mo naman siguro si Sandy. Medyo mapili sya sa mga bagay," In short maarte.

" Edi wag mo syang regaluhan kung maarte!" Pabulong kong wika.

" Shania... Alam kong galit ka dahil hindi ko agad ipina-alam sayo. Sorry, ikaw lang naman mahihingan ko ng tulong sa gantong bagay. Dahil ikaw lang yung kaibigan kong babae!" Nakiki-usap na tinig nya. Bakit ba ang hina-hina ko pag dating sa kanya?! Konteng lungkot lang sa boses nya ay bibigay ako!

" O-Okay... I like that one, miss." Sabay turo ko don sa isang silver na kuwintas na ang naka-disenyo ay puso. Hindi ko ma ipaliwanag ng maayos ang hitsura ng puso, dahil nakatitig lang ako dito. Ito yung kuwintas na lagi kong itinuturo sa kanya na dapat ito yung ibigay nya sa 'kin kapag nag 18th birthday ako. At sinabi nyang pag iipunan nya 'yon. Ngayon ang gusto kong bagay na ina-asam- asam ko mula pa noon ay ibibigay nya sa babaeng mahal nya at hindi sa kaibigan nya. Tumingin naman sa amin ang babae at ngumiti.

" Ang ganda naman po ng girlfriend nyo Sr. Ireregalo nyo ho ba yan sa kanya? Bagay na bagay kayo..." Sabi nito.






Napatingin lang ako sa kanya ng binabayaran na nya ito. Ng mabayaran na nya ito at makuha ang binili ay bumaling sya sa 'kin at sa babae.



" Sorry, Ms. Kaibigan ko kase ito e. Marami ng nagsasabi na bagay kami pero alam kong hindi kami para sa isat- isa. Alam kong may nagugustuhan yan di lang sinasabi..." Saka ito mahinang tumawa. Napatingin ako sa babae at halatang nadismaya sa sinabi ni Kade. Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya.

" Ay pasensya na po. Akala ko kase kayo..." Hindi na nagtagal ay umalis na kami.


" Thank you, Shania. Hindi ako nag kamali na ikaw yung naging kaibigan ko. Alam ko kaseng maaasahan kita." Nakangiti nyang litanya. Hindi ako umimik at tumango na lang. Hanggang kailan ko kayang tiisin itong nararamdaman ko?

* * * *

" Wow! Ang ganda naman nito, Kade! " Saka ito yumakap kay Kade at hinalikan sa pisngi. Nakangiti lang si Kade

" A-Ahmm... pasensya na sa istorbo. " Saka ako bumaling kay Kade na nakatingin sa 'kin. "Mauna na ako," Hindi ko na inintay pa ang sagot nya dahil tumalikod na ako at nag lakad papa-alis. Wag kang iiyak. Wag  kang iiyak, Shania. Kaibigan ka lang at dapat ibigay ng kaibigan ang kasiyahan ng kaibigan nya.

Ngunit nabigo ako. Kusang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad akong pumara ng taxi at umuwi. Ikinulong ko ang sarili ko sa kuwarto ko. Unting-unti ng nawawala ang atensyon ng kaibigan ko. Dati-rati ako ang kasama sa dinner ngayon ay nakakalimitan nya. Kung Hindi pa sasabihin ni Tita hindi ako makakapunta.

Pakiramdam ko hindi na ako yung taong mahalaga sa kanya. Nakakaasar ka Kade! Bakit ang manhid mo?! Hindi mo ba nakitang nasasaktan ako kanina?!

" Oh? Mugto ata yang mata mo, Bes? Umiyak ka ba? Sabihin mo na kase yang nararamdaman mo. Na hindi kaibigan ang tingin mo sa kanya na mahal mo sya. Hindi ka ba nag sasawa??" Tanong ni Rica. Nag sasawa saan?

" H-Hindi ko alam." Tanging sagot ko na lang.

" Umamin ka."

" Ayoko."

" Bakit?"

" Takot akong masaktan." Sagot ko

" Shania. Sa simula pa lang ay naasaktan kana. " Napatingin ako sa kanya. Napatingin ako sa kanya. Salamat at nandito si Rica para intindihin ako. Dati si Kade ang gumagawa ng ganitong bagay. Kapag may umaaway sa 'kin. Susugurin nya yon. Lagi syang naga- guidance para sa 'kin. Ngayon ay pakiramdam ko ay inagaw ni Sandy ang atensyon nya at pag mamahal sa 'kin. Oo, selfish na kung selfish.

" Umamin ka na. Habang tumatagal, lalo ka lang masasaktan." Tumango ako. Tama sya.

" S-Subukan  ko ," pilit akong ngumiti.

" Yan dapat. Fighting!" Saka nya ako niyakap. Tumayo ako at nag aya papunta sa canteen. Ngunit hinarang kami ni Sandy.

" Anong kailangan ng higad na katulad mo?" Taas kilay na tanong ni Rica. Siniko ko naman sya para balaan.

" Hindi ikaw ang kailangan ko. Si Shania. " Nakangiti na wika nya. Plastik! Alam kong ayaw nya sa 'kin. Dahil sa pagtitig pa lang ay halata na.

" Ano yon?" Lakas loob kong tanong.

" Puwede ba tayong mag usap?" Tanong nya.

" Nag- uusap na kayo, Sis", pambabara ni Rica. Tiningnan ko naman sya.

" Sige. Saan ba?"

" Gusto ko yung tayo lang. Ayoko ng may asungot." Saka sya nakangiti na bumaling kay Rica. Pakitang ugali.

" Rica, Mauna ka na sa canteen. Usap lang kami," Sabi ko at nakita ko naman sa muka ni Rica ang pag aalin-langan nya. Pero wala syang nagawa. Pumunta kami sa abandunadong room na pinag iimbakan ng sirang upuan at mesa.
Hindi pa man ako nakakapag salita upang mag tanong kung ano kailangan nya. Ngunit nauna na sya.

" Layuan mo si Kade."

" A-Ano? "

" Bingi ka ba. Ang sabi ko layuan mo sya." Dumistansya naman ako ah.

" D-Dumistansya naman ako ah. "

" Alam ko. Pero alam kong laging nasayo ang atensyon nya. Naalala mo nung monthsarry namin? Nung umalis ka wala sya sa sarili nya. Para syang nakatingin sa kawalan," Ano? Bakit naman magiging ganun si Kade? Paniguradong hindi ako ang iniisp non.

" Wala akong alam sa sinasabi mo. At bakit ako lalayo. K-Kaibigan nya ako." Tanging sagot ko na lang. Medyo nahirapan akong banggitin ang salitang kaibigan. Boyfriend na nya si Kade diba. At bakit ko lalayuan?

" Alam kong matagal na kayong magkasama simula pag kabata. Puwede bang sa akin mo muna ibigay ang atensyon nya? Gusto kong umalis ka. Please, nakikiusap ako Shania. A-Ako naman."

Accidentally In Love With My Best friendWhere stories live. Discover now