Simula

30 2 0
                                    

* * * * *

" I-I love you..."

" I know. Mahal mo naman ako bilang kaibigan diba? At ganun din ako. Parang kapatid na ang turing ko sayo Shania Marie Flores.." saka sya ngumiti. Sa salitang binitawan nyang iyon ay para akong--- Tama. Hindi dapat ako masaktan dahil, kaibigan ko lang sya. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Ni-kahit kailan hindi nya talaga maramdaman o maintindihan na ibang pagmamahal ang sinasabi ko sa kanya na higit pa doon.

" I-I love you-- as a friend.." Sabi ko at tumango lang sya.

" Sya nga pala Shania," napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang naman ako. Medyo matagal na din itong nararamdan ko, ngunit kahit anong pag-pi-pigil ko ay lalong lumalala. Since highschool ay may nararamdaman na ako sa kanya. Pero ang manhid nya. Ang tingin nya sa ipinakikita kong pagmamahal ay pang-kaibigan lang.

" Ano yon Kade?" Tanong ko.

" May ipapakilala ako sayo!" Kita ko kung papano nag ning-ning ang mata nya. Nakaramdam ako ng kaba kung sino man ang ipapakilala nya. At sino naman kaya yoon?

" Bukas, pumunta ka sa bahay. Pinapapunta ka ni Mom, doon mo sya ma-me-meet.." tumango na lang ako. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse, bago sya sumakay ng drivesit. Nang makaupo na ako ay agad nyang pinaandar ang kotse nya para ihatid ako pauwi.

* * *

" Shania! Hija! Napa-aga ka ata" nakangiting sinalubong ako ni Tita at binigyan ng yakap.

" Oo nga po e, pero sinadya ko pong mapaagaga ang punta dito para makatulong sa inyo." Nakatingin sabi ko.

" Sus! Ano ka ba hija, tapos na halika at maupo ka na mamaya-maya rin lang ay darating na si Kade kasama ang girlfriend nya.." medyo nalungkot si tita sa pagkakabanggit ng 'girlfriend nya'. May inamin rin si tita sa 'kin na ako ang gusto nya para kay Kade, pero itinatanggi lang 'yon ni Kade dahil nga kaibigan lang ang tingin nya. At hanggang doon lang talaga kami. At tanggap ko 'yon.

Sinamahan ako ni Tita Mena papunta sa dining area. Naupo ako kung saan ako laging nauupo tuwing may family dinner at katapat ko naman si Tito na wala ngayon dahil nasa trabaho ito. At katapat naman ni Kade ay si Tita. Agad din siyang dumating. Oo, si Kade. Napatingin ako sa babaeng nakakapit sa kanya at wagas kung makangiti. Agad rin nag taas ang kilay nito ng makita ako.

" Babe! Who's that girl?" Sa una palang na pagkikita. I hate her! Ni-hindi man lang ba ako na ikukuwento ni Kade sa babaeng ito?

" Babe, don't be jealous, okay? She's my childhood friend. By the way..." Saka sya huminto at nakangiti na bumaling kay Tita Mena.

" Mom, she's my girlfriend. Sandy, she's my Mom.." saka naman lumapit si Sandy kay Tita at bumeso ito.

" I'm Sandy Morales Rey, Tita.." nakangiting wika nito. Tumango na lang si Tita sa kanya.

" I'm Mena, Kade's mom.You can call me Tita if you want,"

" Yes, Tita"

" Babe upo na tayo.." aya ni Kade dito. Uupo na sana si Kade ng mapansin na ako ang katabi nya at hindi ang girlfriend nya.

" A-Ahmm... Shania, puwede bang dyan si Sandy sa upuan doon ka na lang sa katabi ni Mom.." nag aalinlangan nitong wika. Hindi pa man ako nakakaimik ng biglang nag salita si Tita.

" Louise, dyan nakaupo si Shania simula pa no'n!" Sabi ni Tita na naupo na sa tapat ko. Alam kong medyo nainis si Tita dahil sa pag banggit nya sa pangalwa nyang pangalan dahil sa inaasal nya sa 'kin, ang buong pangalan ni Kade ay Kade Louise Gallego Bago pa man makaimik si Kade ay nag salita na ako.

Accidentally In Love With My Best friendKde žijí příběhy. Začni objevovat