"She's planning to build one pero hindi pa ngayon. Ewan ko nga roon at nag-resign pa sa pinagtratrabahuan niyang restaurant."

"Baka naman may other plans siya sa career niya," I said pero nagkibit-balikat lang siya.

"Ikaw? Only daughter?" he asked.

"Yes pero may kuya rin ako. And I guess ka-age mo siya."

"Ilang taon na ba siya?"

"25."

"Oh. Matanda ako ng isang taon."

"So. You're 26. Apat na taon pala," bulong ko sa sarili ko.

"Apat na taon ang alin?"

Nagulat ako nang magsalita siya at narinig niya pala ako.

Gosh! Ang hilig ko talagang mag-whisper pero maririnig niya naman. Maybe he really have a good listening skills. Sabagay, he studied accountancy and law, therefore he really needed such skill.

I was glad na dumating na ang pagkain namin kaya hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil baka isipin niya na kino-compare ko ang edad naming dalawa.

Bakit hindi nga ba, Mavic?

"Ang iyong magulang, where are they? Nagtataka kasi ako na ikaw ang nagma-manage ng kompanya niyo."

"Nasa San Diego sila. They wanted to settle there. Sila na ang nag-aasikaso ng mga negosyo namin doon kasama na ang hacienda at rancho,"  saad ko habang tumatango-tango siya.

"Buti na lang at malaki ang tiwala sa'yo ng magulang mo."

"Yes. Bata pa lang kasi kami ni kuya ay tinuruan kami nila papá ng tungkol sa negosyo," I said and he just nodded his head again.

"Um, Victorina..."

"Yes?"

"Pwede bang maulit 'to?"

"Huh?" I looked at him.

"Can we have a date together, again?" he asked while looking straight into my eyes. "Victorina."

And just like that my heart just skips a beat.

The next few days were nothing different. I am still busy working my ass off in our company. Good thing, dahil karamihan naman ng workers namin ay efficient.

Raphael and I also exchange numbers and texted, well not a lot of times. Pero masaya ako dahil pakiramdam ko ay mas nagiging malapit ako sa kanya. Kahit bihira siyang mag-text at magreply sa text ko ay ok lang.

I asked him one time if he has a girlfriend and he denied it instantly. I don't know but I believe him naman. Isa pa, what is his point of lying just in case. Naisip ko na baka iyong kapatid niya ang nakita kong kasama niya na hindi naman impossible na mangyari.

I was really excited for today. I even make sure that my day is all cleared out. My heart is filled with so much gaiety that I can't even contain.

Paano ko ba naman kasi tatanggihan ang date na alok ng isang Juan Raphael Santos?

I mean who has the guts to reject that man. He maybe has pale skin pero hindi naman iyon kabawasan sa kagwapuhan niya. Yes, karamihan nang nakikita kong manly ay may kayumangging balat but still he possess that characteristic.

Handsome. Smart. And manly.

"What movie do you want to watch?" he asked while looking at the posters of the currently showing films.

"Ikaw."

Napatingin siya sa akin at doon nag-sink in kung ano ang sinabi ko.

Me and my big fat mouth!

Fearless LoveWhere stories live. Discover now