Ngumisi si Kathryn. "Oh, really?"

Ginamit ni Kathryn ang isa niyang bakanteng kamay at sinampal si Michelle. Hindi napaghandaan ng dating kasintahan ni Daniel iyon kaya nasapul siya sa mukha. "Masakit ba? Mas sasakit pa iyan kapag magpapaka-martyr ka."

Kinuha ni Kathryn ang kamay niya mula kay Michelle at nilapitan si Daniel. "Babe, I don't want her here. Pwede bang paalisin mo siya?"

Tumingin si Daniel kay Michelle at malamig na sinabi, "Michelle, umalis ka na."

"But Daniel..."

"Now!" sigaw ni Daniel. "Umalis ka na at huwag ka ng babalik pa."

"Okay...Aalis ako ngayon. Pero babalik ako Daniel, babalik ako para makuha ulit kita," wika ni Michelle at naglakad palabas ng bahay ng binata. Hinatid siya ng tingin ni Kathryn at nang masiguro na wala na nga ang babae ay kumalas na siya kay Daniel.

"Oh bakit mo tinanggal? Nag-expired na ang sweetness mo?" tanong ni Daniel. "Kanina lang babe ka ng babe at lapit ka ng lapit sa akin."

"Huwag mo akong inaasar Daniel dahil hindi ako magdadalawang-isip na kunin si Cola at Dash at ipahabol ka," pagbabanta ni Kathryn.

"Wow Ate! Ang fierce mo. Nganga si Michelle," sabi ni Carmella at pumalakpak pa. "Nakita mo ba ang mukha niya? Lumong-lumo eh. Ang ganda mo kasi Ate. Walang binatbat ang beauty niya."

 "Dapat ate, ningudngod mo na yung mukha niya sa floor. Bagay sila noon. Baka magkamabutihan pa sila," saad ni Magui.

"Magui hah!" wika ni Karla. "Masyado ka ng harsh. Sige na. Magsipasok na kayo."

Hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kathryn. Aalisin sana ng dalaga pero hindi hinayaan ng binata. Hinigpitan niya ang kapit niya at marahang hinalikan ang likod ng kamay nito.

"HINDI mo ako bibilhan ng damit Daniel," wika ni Kathryn. Nakatayo siya sa gitna ng guest room na pinahiram ni Daniel sa kanya. Nakakalat naman ang damit ng dalaga sa kama. "Dito na nga ako nakatira sa bahay mo. Hindi ako mahirap, may pera akong pambayad ng mga damit."

Bumuntong-hininga si Daniel at umupo sa sofa sa loob ng kwarto. Tinitigan niya si Kathryn habang nagsasalita ito. Ngumisi siya.

"Hindi ka naman nakikinig eh!" sigaw ni Kathryn.

"Nakikinig ako. Sabi mo hindi mo ako papabilhin ng damit at hindi ka mahirap. At ayaw mo tumira sa bahay ko," ulit ni Daniel.

"Hindi ko naman sinabi na ayaw kong tumira sa bahay mo ah," rason ni Kathryn. "Tingnan mo na. Hindi ka talaga nakikinig."

"Nakikinig ako. Now babe, be reasonable."

"I am always reasonable!!" saad ng dalaga. Tumingin ito sa paligid at napangiti. "Maganda itong kwarto na ipinahiram mo sa akin."

The Isolated Maiden (Maiden #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon