Chapter 22

27 4 0
                                    

Chapter 22

Bella's POV

Saktong kakatapos ko lang magpalit ng uniform nang may marinig akong katok sa pinto ng kwarto ko.

"Yes?" i shouted.

Bumukas ang pinto at lumantad si Mommy.

"Mom." tawag ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at saka sinuri ang kabuoan ko.

"Thank goodness you're safe. Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo." batid ko ang pag-aalala sa boses niya.

"How did you know?"

"Your tita Selestine called me. Hindi daw kasi nila kayo matawagan, and she told me about what happened."

"Oh. M-My phone was in silent mode kanina, hindi ko napansin ang tawag. Dahil na rin siguro sa kaba."

"Shhh, it's okay na anak. What's important is that you're both safe. Teka, Asan nga pala si Selene?"

"She's in Sander's office. Probably being scolded again."

"Ahhh, ok sige. You take your rest now. Ipapatawag ko nalang kayo later pag prepared na ang dinner."

"Sige po, Mom." i agreed.

After that, she got out of my room to let me rest.

Nahiga ako sa bed ko at saka nag-isip habang nakatulala sa ceiling. Inalala ko ang lahat ng nangyari sa araw na ito, lalo na yung kanina.

Sanay na akong makita si Selene sa bakbakan dahil minsan, kapag umuuwi kami sa Australia para bumisita, ay may mga oras na bigla-bigla nalang siyang mapapa-away sa kung saan. Ngunit, gayunpaman ay hindi parin maalis sa akin ang kaba, lalo na kanina.

Alam kong may lakas siyang lumaban ngunit, alam ko din na hindi sa lahat ng oras ay kakayanin niya. May kahinaan din si Selene, hindi lang halata.

Alam ko yon at sigurado ako dahil minsan ko ng nakita ang soft side niya. It's before and during her first relationship. Ganiyan na dati ang porma niya, mukhang nerd at loser. Pero, her personality was the thing that changed a lot.

She was once sweet, jolly, and clingy. Hindi mo aakalaing na nanapak. But, everything changed when she experienced her first break-up. Hindi ko alam ang buong istorya pero ang alam ko, they broke up 1 day before their Anniversary. And It was the most painful part for Selene.

She became cold and distant. Kung ano-anong bagay ang pinasok niya. Yung iba, nakatulong naman kahit papaano, pero yung iba ay muntik ng masira ang buhay niya.

Nawala yung palatawa at masiyahin na pinsan ko. Wala ng talab sa kaniya ngayon ang mga jokes namin na dati ay tawang-tawa siya. Naging masungit na at pala sagot.

Nahirapan kaming mag adjust nung una kasi sobrang bilis ng pangyayari. Para bang sa isang iglap ay nagbago na ang ugali niya. Pero, pilit namin siyang inintindi hanggang sa masanay na lang din kami.

For the past years, i was hoping to see her smile naturally, i was hoping to see her laugh and be happy once again. But i know, it would take a long time before finally seeing that.

I came back from my Reverie when i heard my door slam open. Napatingin ako doon at nakitang pumasok si Selene sa kwarto ko.

"Oh, Ano? Kamusta ang away niyo ni Sander?" tanong ko sa kaniya habang nakahiga parin.

"Lola Vertieca would be expected to be here in two months."

"What?!" napa-balikwas ako ng bangon at literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Ano ulit 'yon?" parang ayaw mag sink-in sa utak ko ng mga sinabi niya.

"Pupunta dito si Lola." pag-uulit niya.

"Ha?! B-Bakit daw?!"

"Hindi ko alam, hindi sinabi sakin ni Sander. Pero, may kutob ako na tungkol na ito sa pagiging taga pagmana ko."

"T-Talaga? Eh ano ng plano mo?"

"For now, kailangan kong sundin si Kuya. I have to stay away from trouble as much as possible."

"Pano yan? Siguradong babawi nanaman si Jake sayo, lalo na ngayon dahil sa ginawa mo."

"Hindi pa ako sigurado sa gagawin ko pero, aayusin ko 'to." Tumango nalang ako.

I trust her.

We heard another knocked on my door and it turns out that it's the maid calling us already for dinner.

Sabay na kaming bumaba ni Selene at dumiretso sa dining room. Pagdating doon ay nadatnan na namin ang mesa na naka handa at naka upo na din doon si Mommy at si Sander.

Naupo na din ako sa tabi ni Mom at si Selene naman ay dumiretso sa tabi ni Sander. Agad din naman kaming nagsimulang kumain.

"How are you feeling, Selene? May masakit ba sayo?" tanong ni Mom sa kalagitnaan ng pagkain.

"I'm okay, Tita." maikling sagot naman ni Selene.

"Mabuti naman kung gano'n. You guys scared me, buti nalang at saktong pauwi na ako kanina nang tawagan ako ng Mommy mo."

"I'm sorry about that. But, you don't have to worry, you know i can handle my own problems."

"Selene.." awat ko sa kaniya. Alam ko kasi na sasabat nanaman si Sander sa usapan pag nagkataon.

"Not all the time you can. Babae ka parin, Selene. What you did is inappropriate." at ayon sumabat na nga si Sander sa usapan.

"Your kuya is right, Selene. Babae ka parin, may kahinaan ka din." gatong naman ni Mom.

"Gender is not the basis for strength. Me being a girl is an invalid reason to not fight back if needed." tugon ni Selene.

Oo nga naman.

"Yes, i know. But still, mag iingat ka parin. Alam kong malakas ka pero, hindi sa lahat ng oras 'yon."

"Just listen to them, Selene." payo ko pa sa kaniya.

"Fine." napabuntong-hininga pa siya bago sabihin iyon.

In Selene's personality, i don't think kakayanin niya ang hindi lumaban. Since then, pansin ko na hindi na niya hinahayaang basta nalang siya inaapi. She fights back everytime it's needed.

"Nga pala, Tita." tawag ni Sander kay Mom. "Lola Vertieca would be here in two months."

"Talaga?" halata sa ekspresyon ni Mommy ang excite. "Omoo, i can't wait! It's been a long time since huli siyang bumisita dito."

My grandparents and Selene's grandparents are close to each other. In fact, magba-barkada sila when they were younger. Nag kataon pa na nagka develop-an si Tita Selestine at Tito Mattheo, which made our grandparents' bond be more stronger. Kaya pati parents ko ay close sa Lolo at Lola ni Selene.

"Yeah, she plans to visit here to check AU and Selene's progress so far."

"That's good. Thank you for informing us, Sander."

"No problem, Tita. You guys have to know, anyways."

"Checking my progress?" muling nagsalita si Selene. "What's there to check? As far as i know, nandito ako to observe. Hindi para mag training or dumaan sa isang test."

"Yes, you're right. But, Lola wanted to talk to you personally about what are the things you observed so far." tugon naman ni Sander.

"I can just message her. Tell her not to come anymore, it'd be a waste of time." pagkatapos sabibin iyon ay ibinaba na niya ang kubyertos na hawak niya at tumayo saka naglakad paalis.



~ To be Continued ~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Journey To Forever [ON GOING]Where stories live. Discover now