"Tomguts na ko!!!"
Nalipasan na 'ata ako ng gutom kaya ko ginagawa ito ngayon.
Bago pa ko tuluyang takasan ng katinuan, ito at napili kong busugin ang sarili sa pagsusulat. (...na naman.)
Marunong naman ako magluto, yung paprito-prito. Madali lang naman yun, tuturuan ko kayo. Para ka lang nagtataob ng bato gamit ang paa.
Hintayin mong mag-golden brown yung niluluto mo (sabi yun sa mga cooking show), malalaman mo yun kung naibabaliktad mo na sya, kung madikit pa sa frying pan it means di pa sya ready. Ayaw pa nya. Wag mong pipilitin, dahil wiwisikan ka nya ng mainit-init na mantika sa mukha, sa mata, sa ilong at malamang sa tagyawat mong galit na galit.
Be ready. Kailangan isipin mong isa ka sa mga spartans ng 300, gamit ang sandok pangluto bilang sword at takip ng kawali bilang shield. Hindi mo kasi masasabi kung kelan aatake ang kalaban, minsan dumampi na sa balat mo.. delayed reaction ka pa.
Di naman kami nakaka LL, tama lang. Tama lang para palamunin ang tambay na tulad ko.
Nagugutom lang talaga ako at tinatamad ako magluto.
Pero paano ako mabubuhay?
Di naman ako napapakain ng ginagawa ko dito. Utak lang ang binubusog ko sa pagsusulat at pagbabasa, paano yung katawan ko?
And then i realized, kailangan ko talagang kumilos para mabuhay.
Maraming batang nagugutom sa lansangan, tapos ito ako... basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapita-ahahan.
Nasa harapan ko na, iluluto ko na lang di ko pa magawa. Kung tutuusin maswerte ako kasi nakahanda na ang kakainin ko samantalang yung ibang tao nagpapakahirap magbanat ng buto para lang kumita ng piso.
Tama. Di ko na gugutumin ang sarili ko. Maswerte ako, ikaw, tayo, dahil hindi natin nararanasan ang buhay ng ibang taong nagugutom.
Sa oras na gutumin ka naman, doon mo maiisip na importante pala ang mga bagay na araw-araw mong ginagawa, tulad ng pagkain.
Hindi mo napapansin kasi pangkaraniwan lang sayo ang pagkain. Yung iba pini-piktyuran pa ang mga kakainin, pero di naman uubusin. Tsk...tsk.. (kung sana tini-take out yung tira-tira at ibinibigay sa mga namamalimos sa labas, eh di nasulit pa yung binayad.)
Pero hindi ako ganung tao, kasi inuubos ko ang pagkaing nasa harap ko.
Papahalagahan mo lang ito pag wala na sayo. Pumapag-ibig lang eh 'no? Because i love to eat! I love foods!
Masasabi mo rin namang pagmamahal yon di ba?
Hayyy... nagugutom nga pala ako. :)
Kain po??? *kindat* *kindat*
YOU ARE READING
Bag of Thoughts ni Ertho
RandomMy Watty Diary, Randomness, Rants, ang mga pagpupumilit ko sa pag-i-english and many more... Kung anong maisip ko kapag nagbebrainstorm ng mga susunod na kabanata. Ito ang laman ng utak ko.
