Kabanata 1

12.4K 299 31
                                    

"Nikang bilisan mo naman at mahuhuli na tayo sa kasal ni Annisa." Rinig niyang usal ng kaibigang si Carly.

Nakaupo siya sa kanyang vanity mirror at inaayos ang pagkakaipit ng kanyang mahabang buhok.Nilugay niya lamang ito at nilagyan ng pin ang gilid ng kanyang bangs upang umayos. She's wearing a pusha pink tube dress na may mga maliit na beads sa paligid. Isa siya sa mga made of honors ni Annisa sa kasal nito. 

"Tapos na." Wika niya sa kaibigan na nakatayo sa hamba ng pintuan ng kwarto niyang habang ikinakabit ang hikaw nito. Nakabihis narin ito ng katulad niya. Ang buhok nito ay naka bun at mayroon lamang mga takas na buhok sa gilid ng maliit na mukha nito.

"Ang tagal mo talagang mag-ayos." Paninirmun nito na maykasama pang pag-irap tumawa na lamang siya at niyaya na itong magtungo sa hotel sa Rizal kung saan gaganapin ang kasal ng kanilang kaibigan. 

Tatlo silang magkakaibigan. Siya, si Carlinda at si Annisa. Nagkakilala sila nuong college dahil parehas sila ng org na sinalihan. Naging matalik silang magkakaibigan hangang ngayon. Siya at si Carly ang magkasama sa apartment na inuupahan nila. Pinipilit nila noon si Annisa na sumama na lamang sa kanila sa Apartment ngunit tumanggi ito. Si Carly naman ay madalas rin wala dahil sa nature ng work nito. Freelance photographer ito at madalas na mga lakad nito ay sa mga malalayong lugar. Mas hilig kasi ng kaibigan niya yung mga adventurous na mga shoot. 

Nang makarating sila sa Hotel ay wala pang mga bisita dahil mamaya pa kasing hapon gaganapin ang kasa.   Tanghali pa lamang ngunit mayroon kasing Picturial na magaganap kaya maaga sila.  Nagtungo sila sa Hotel Suite kung nasaan si Annisa. Ang ganda-ganda ng kaibigan niya sa suot nitong Puting gown na may touch of pinks. Naka-bun ang buhok nito. 

Agad itong dinambahan ni Carly nang yakap umiyak pa ang kaibigan nila saying na hindi na sila priority nito which is kinatawa nila. Nagkaroon sila ng kaunitng ng Photo shoot kasama ang brides. Mamaya ay baba sila upang kuhanan ng litrato kasama naman ang mga Bestman ng Groom sa Garden. 

"Ang ganda nang napili ninyong Hotel, Annisa ha!" 

Sumangayon siya roon napakaganda ng Hotel. Mayroon Santorini vibes yung hotel. This is located at Rizal medyo malayo ngunit worth it naman dahil sa ganda nito. 

"Sa kaibigan ni Duke itong Hotel na ito. Mamaya ay ipapakilala ko kayo." Masayang saad ng kaibigan. Tuwang-tuwa naman si Carly at sinabing ipakilala ito sa mga kaibigan ni Duke at baka may mapangasawa daw siya rito. Hinatak naman niya ang buhok nito dahil sa kalandian na sinasabi nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam siya sa mga kaibigan na lalabas upang maglibot sa hotel. Tuwang-Tuwa talaga kasi siya dahil sa Greek Style na disenyo ng Hotel. Mahilig kasi talaga siya sa Greek Mythology bata pa lamang siya. 

Nagpunta siya sa Pool side ng hotel sa west wing. Marami kasing pool area itong hotel ngunit sa west siya nagpunta dahil ito ang malapit sa Suite ni Annisa. Mid-sized mediterranean backyard stone ang style nito. Sa gitna ay mayroong rectangular infinity pool sa gilid noon ay mga outdoor chair na mediterranean style rin. Pakiramdam ni Nika ay nasa Santorini siya dahil dito. Kumuha siya ng kaunting litrato ng lugar and she was about to walk back nang may mabangga siya. Napaatras siya at natisod. Bahagya siyang napatili at napapikit dahil mahuhulog siya sa pool. Ngunit bago pa iyong mangyari ay may matigas na kamay ang pumulupot sa kanyang bewang. Napasandal siya sa dibdib nito at napakapit sa takot na mahulog nga siya. 

"Are you okay?" A baritone and a cold voice envelope her ears. Bahagyang nagtaasan ang balahibo niya sa boses nito. Idagdag pa ang panlalaking amoy nito na hindi masakit sa kanyang ilong. 

Dior Sauvage ang pabango nito.

Dahan-dahan siyang napa-angat ng tingin rito, Nakayuko ito at nakatitig ang itim na itim na mata nito sa kanya. He have this nonchalant gaze.

Billionaire Sorrow (Billionaire Series #4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon