[ETTCL] Chapter 3: True Bestfriends

Start from the beginning
                                    

"Sinong nagsabi?"-Kiko

"Duh! Malamang ako!"-Kiray

"Oh, tigil na yan. Baka mag-away pa kayo." suway ni Kath sa kanilang dalawa.

"Hmp! Kath kasi eh! Ano ba yung sinasabi mong 'at least hindi bakla?' Di naman ako baklush eh!!! Ops!! Bawal tumawa ha!!" sabi ni Kiray na curious na curious na dun sa sinabi ni Kath kanina.

"Hay nako, sige na nga! Pft.."

Tatawa na sana si Kath nun, kaso lang tinignan siya ng masama ni Kiray na para bang pinapaalala sakanya na bawal tumawa. Kaya ayun, nag-umpisa na si Kath magkwento, pero halata naman na nagpipigil siya ng tawa habang nagsasalita. XD

"Ehem!.. Eh kasi di ba, sabi ni Julia kanina baklang dinosaur? Pft!...Tapos sabi mo Kiray, di ka dinosaur. Di ka nga dinosaur, bakla lang? Pft!.." XD

"WAHAHAHAHAHA!!!! Yun pala yun!!" biglang tawa ni Kiray.

Sabi niya kanina bawal tumawa? -_____-''

"BALIW!!!" magkakasabay na sabi naming apat sakanya.

"CHE! Pare-pareho lang tayo noh!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" at nagsitawanan na naman kami. Mga baliw nga talaga kaming lima! Walang duda! XD

Fast Forward >>

Mga bandang 7:30 na ng gabi nang umuwi kami. Nagkwentuhan at nagkulitan lang kami sa loob ng tatlong oras. Wala naman kasi kaming ibang maisip na gawin. Yung tungkol sa iniiyak kanina ni Kath? Ilang beses naming tinry na i-open up yung issue na yun pero ayaw magsabi ni Kath eh, kay di na namin siya pinilit. Mamaya bigla lang ulit umiyak eh. Bipolar pa naman 'tong babaeng 'to.

Nung pauwi pa lang kami kanina, natawa ako kay Kath. Pano, nagpipilit ba naman na dun nalang kami  matulog sa bahay nila kasi wala naman daw sila tita Min at kuya Sam. Nasa Batangas daw kasi para asikasuhin yung business nila dun. According to Kath, kahapon lang daw sila bumyahe and also, one month din daw mawawala sila tita Min at kuya Sam. That means, one month din siyang mag-isa sa bahay. As in mag-isa lang talaga siya. Yung yaya kasi nila, nagbakasyon sa probinsya. Hindi nila alam kung kailan babalik, kaya ayun, si Kath lang talaga ang naiwan sa bahay nila.

Pero kahit anong pilit ni Kath na dun nalang kami, hindi talaga pwede eh. May pasok pa kaya kami bukas. Tsaka di rin ako nakapapaalam kay Mama. Kaya ayun, naiwang malungkot si Kath nung umuwi na kami. Pero nagtataka pa rin talaga ako hanggang ngayon eh.. Ano nga kaya talaga yung dahilan ng pag-iyak ni Kath kanina? Bakit ganung emosyon yung nakita ko sa mga mata niya kanina?..

_______________________________________________________

Hello!!! :DDD

Sorry for this very late UD!! Pero don't worry.. babawi naman ako eh.. Dalawang chappy ang gagawin ko ngayon :))

Thanks sa mga nagbabasa nito. :)))

________________________________________________________

Ano nga ba talaga ang nangyari kay Dj and Kath sa school? Bakit nagalit si Kath ng sobra kay Dj? Ano ba ang ginawa ni Dj sakanya?


Read the next chapter :))

[Serendipity_Shin]

Escape The Trap Called LoveWhere stories live. Discover now