[ETTCL] Chapter 1: Adik Sayo

246 18 12
                                    

[ETTCL] Chapter 1: Adik Sayo

KATH's POV

"~Someday We'll Know.. Why Samson love Delilah..

One day I'll go.. Dancing on the moon..

Someday You'll Know.. That I was the one for youuuu..~" d^o^b

Kanta ko habang nakatingin sa picture ni Dj sa cellphone ko. Tama! Someday You'll Know, na ako talaga ang tamang babae para sa'yo. :D

Nang matapos yung kanta ni Mandy Moore, ft. Jonathan Foreman na Someday We'll Know ay inalis ko na rin yung headset sa tenga ko, sabay tago ng cellphone kong ang wallpaper ay si Dj my love. *U*


Nandito kami sa room ngayon. Konti pa lang yung estudyante. Masyado pa kasing maaga. Wala pa rin yung adviser namin kaya kung anu-ano muna ang pinagkakaabalahan namin.

"Hay salamat! Finally! Sa wakas!! natapos na rin siyang kumanta!" pabirong sabi ni Julia with matching taas ng dalawang kamay na para bang nanalo sa kung anong contest. =____=

"Ay, yung totoo teh? Sa wakas na, Finally pa? Nahiya naman yung At Last sayo noh? Di mo pa sinama." pang-ookray ni Kiray sa sinabi niya.

"Tigilan mo nga ako Kiray! CHE!!"-Julia

"Che-Bureche?"-Kiray

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

At ayun! Nagtawanan na kaming lahat. Pati yung ibang kaklase namin eh nakitawa na rin. Baliw kasi 'tong si Kiray eh. Kung anu-anong sinasabi. XD

Sa aming magkakabarkada, siya ang pinaka-humorous. Para kasing normal na sakanya ang magpatawa. Minsan nga, kahit di niya sinasadya, natatawa pa rin kami sakanya eh.

"Hey Ladies, anong pinagkaka-abalahan natin dyan? Bakit sobrang saya?" sabi ni Kiko na kararating lang.

Khalil ang tunay niyang pangalan pero Kiko ang tawag namin sakanya. :D

"Hoy Kiko! Anong ladies?" biglang salita ni Ej na kanina pa nagbabasa ng kung ano. Ni hindi nga maalis yung mata sa binabasa eh. =__=

"Ay Sorry Ej! Nandyan ka pala, di kita napansin. Ang tahimik mo kasi eh. Hehe." palusot niya sabay upo sa tabi ni Julia.

"Asus! Palusot pa!" sagot ni Ej habang umiiling.

"Tss.. Oo na! Eh bakit ba kasi ang tahimik mo dyan? Ano bang binabasa mo?" pagkasabi ni Kiko nun ay hinablot niya yung maliit na notebook na kanina pa binabasa ni Ej.

"Huy! Ano ba! Akin yan! Ibalik mo nga yan!" tumayo si Ej at pilit na kinuha kay Kiko yung notebook niya.

"Hawakan niyo yan! Uy, Kiray! Hawakan mo!"-Kiko

Tumayo si Kiray nang sabihin yun ni Kiko. Lumapit siya kay Ej at tsaka ito niyakap mula sa likod.

"Sabi hawakan hindi yakapin." =___=

"Hay nako Kath, ganun na rin yun!" sagot sakin ni Kiray.

"Ayyyyyiiieeeeeeeeeee!!!" pang-iinis sa kanila ng buong klase. Syempre kasama kami! XD

Medyo marami na rin kami ngayon sa room. Oo nga pala, si Kiray at Ej, mag-girlfriend at mag-boyfriend yang dalawang yan kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganyan sila ka-sweet. :D

Escape The Trap Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon