Chapter 7

258 14 0
                                    

Leigh Karina's POV

"Are you sure about this?"

Tumango ako "Akong bahala kay Darwin, kung balak nyang ipahamak ang sarili nya wala na akong magagawa"

"Leigh, hindi natin alam kung saan sya hahanapin. Dalawang linggo na nung nawala sya"

Napabuntong hininga ako "Oo nga eh. Nagpapaalam naman yun kapag may pupuntahan sya. Ngayon, kahit text hindi magawa"

"How's Kaizer?"

"Matalino si Kaizer, alam nya ang nangyayari sa bahay pero hindi sya nagtatanong"

"How about you?"

Napakibit balikat nalang ako at bumuntong hininga "Lilitaw nalang si Darwin, kung gusto nya"

"Leigh, mahal mo pa ba?"

Tinignan ko sya "Mawawala ba yun? Hindi naman kami makakabuo ulit kung hindi na"

"You're pregnant?"

Tumango ako at kinuha ang bag ko "Alis na ako, susunduin ko pa si Kaizer" sabi ko at lumabas ng opisina

Buntis ako. Umuwi ka na, Darwin. Hindi ko kaya mag-isa lalo na ngayon

****

"Daddy!"

Napatayo ako at lumabas ng kusina

Nandito na sya.....

"Can we talk, Leigh?"

Tumango ako "Baby, gawin mo muna ang assignments mo" sabi ko kay Kaizer at pumunta sa garden

"Anong paguusapan natin?"

"Maghiwalay na tayo"

Kumunot ang noo ko "Anong ibig mong sabihin?"

"Ituloy na natin yung annulment. Ayoko na ng ganito"

"Wait, in the first place ikaw ang ayaw pumirma nun diba?"

"Nakakasawa nang suyuin ka, tapusin na natin 'to"

Napalunok ako at tumango "Okay. Sabi mo eh" sabi ko at pumasok sa bahay

Pinuntahan ko si Kaizer sa sala at tinignan ang ginagawa nya

"Daddy, aalis ka po ulit?"

"Yeah. Hindi na ako babalik" sabi nya at lumabas na ng tuluyan

Tinignan ako ni Kaizer "Iiwan na po tayo ni Daddy?"

Hinaplos ko ang buhok nya at tumango

"Bakit po? Kasi po nag-away kayo? Kasi po makulit ako? Bakit po, Mommy?"

Niyakap ko sya at hinalikan ang tuktok ng ulo "Hayaan mo na si Daddy, anak. Dati pa naman kami hindi nagkakaintindihan diba?"

"Mommy, ayaw ko pong iwan tayo ni Daddy"

Kumalas ako sa kanya at pinunasan ang pisngi nya "Wala na akong magagawa, baby. Daddy mo na ang nagdecide"

"Mommy, ayaw ko po. Gusto ko po kasama ko sya"

Napatitig ako kay Kaizer at pinunasan ang luha sa pisngi nya "Sorry, baby. Ganito yung family mo"

Inabot ko ang phone ko sa center table at tinawagan sya

(Love?)

"Prepare everything, pupunta na kami dyan"

(Finally, Love. After five years)

Binaba ko ang tawag at tinignan si Kaizer. I hugged him and kissed his forehead

You've decided already, Darwin. I'm sorry but I have to do this.

Found his Match (AGENT SERIES #8)Where stories live. Discover now