Chapter 8

15 10 0
                                    

Chapter 8

Gia's POV

Nakarating kami sa bahay niya na siya lang ang nakakaalam, ngayon hindi na. Pinaupo niya ako sa sofa at may kukunin lang daw sa kwarto niya. I looked at my surrounding, it's pretty neat. Nakaayos lahat ng gamit, walang nakakalat. itim ang kulay ng mga pader at pag tumingala ka ay makikita mo ang mga constellations.

Napamangha ako dahil ang isang bampira na kala ko ay boring, e may hilig pala sa mga Constellations.

"It's pretty, isn't it?" napalingon ako sa gilid ko. Iniabot niya ang pambihis ko. I thanked him. "No worries, you're a part of Helsings so... respondibilidad kita" ngumiti ito at lumitaw ang pangil niya.

Responsibilidad niya ako?.

That's... cool.

"Meroong CR malapit sa hagdanan, you can change clothes there" sabi ni Dashiell habang nakatingin sa ibang direksyon. Mukhang nahiya sa sinabi niya kanina.

Tumango ako at pumunta sa direksiyong tinuro niya, binuksan ko ito at nagpalit. May salamin kaya kitang-kita ko ang suot kong damit, isang white oversized shirt at gray na pajama. Kahit siguro hindi na ako mag-pajama ay okay naman pero lalaki siya at bampira!!!!!.

Baka isang kurap ko lang nakasipsip na siya ng dugo sa legs ko.

Masakit kaya kaya kapag kinagat ka.

Nang makalabas ako ay naka-amoy ako ng mabangong amoy, nanggagaling sa kusina. Sumilip ako at nakita ko si Dashiell na nagluluto.

Naka-apron ito at naka-fold ang manggas, yung mukha niya ay naka-focus lang sa nilulutong omelet. Napatakam ako dahil favorite ko yung niluluto niya.

But, why does he need to look so hot?!.

Narinig ko itong humalakhak at pagkakurap ko ay nasa harapan ko na siya agad, fuck super speed! Ngumiti lang ako.

"Just wait in the living room," sabi ni Dashiell habang nakangisi. "We have a lot to talk about."

***********

Dahil atat na atat siyang malaman ang "pagkatao" ko, nasa sofa kami kumakain ako habang siya ay nagtatanong. Parang beauty pageant lang ang peg plus the host is a hot vampire.

Nung simula siyang magtanong ay mga easy questions lang pero nung tumagal ay... humirap.

"Where's your parents? They should taking care of you right now" tumingin ako sa mata niya pero hindi iyon nagtagal dahil agad kong pinutol ang tingin ko sa kanya.

It hurts.

Yung araw na naaksidente sila mama at papa, nasa school ako habang mga pinsan ko ay pinagtri-tripan ako. They humiliated me in front of the other students.

"Sad to say but... nasa langit na sila, pero sobra-sobra na yung pag-a-aruga nila sa akin kaya kinuha sila ni God" sagot ko habang kinain ang omelet na nasa kutsara. "Siguro sabi ni God; "Kukunin ko na yung magulang ni Gia, she's living without any experience. Let's give her some pain, shall we?" Super sayang dahil 'di man lang nila ako hinintay"

Hindi umimik si Dashiell, siguro iniisip niya na bagay lang sa akin 'to kasi hindi ko naipaglaban yung sarili ko sa nga umaapi sa akin. Kung naipaglaban ko lang sarili ko siguro... nasabi ko sa kanila na gaano ko sila ka-mahal at gaano sila ka-importante sa buhay ko. But damn, hindi ko nagawa kasi duwag ako. Wala akong lakas na ipaglaban sila.

Cowards like me deserve to suffer.

"Did you lie about how you love them?" napatingin ako kay Dashiell. Nakatitig lang ito sa akin ng malalim.

Did I?. All I did was to love them, take good care of them when they are sick. But I never lie on how much I love them.

"No."

"In any chances, if God has one condition for you. That is giving your parent's life back, but you have to sacrifice your life. Will you sacrifice it?"

I put down my plate and gulped, I sat straight and nodded.

"Yes. I will, no matter what."

"Then, you're not a coward. The coward here is our mind, it make us think that fighting is a crime. It will mark you as 'disrespectful', but broking that kind of mentality is never a crime. Ikaw ay ikaw, do not let them judge you. Even your mind," nang-aral si Dashiell. "Your parents knew how much you love them."

At doon na pumatak ang luhang gusto kong ilabas kaninang nasa party ako, I know may taong may pake pa sa akin. And I know that God have plan for me, I curled like a ball and bury myself in my arms.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Dashiell at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya ako.

"I never care for a human before," sambit niya.

Hindi ako umimik, hinayaan ko lang siya magsalita. Maybe it is time na siya naman ang mag-kwento about his life... of being a vampire.

"You're the first human that I show any care, my father said to us that humans are stupids and we should never care for them" napatingin ako sa kanya.

Kaya pala gano'n ang sinasabi sa akin ni Veronica, that i'm stupid. Pero ngayon alam ko na, yung tatay ang may pakana kung bakit gano'n siya sa akin.

"Veronica keep it in her mind but me and Zeus just... shrugged it off dahil alam namin na ang mga tao ay unang ginawa ng Diyos. At sila ang may karapatan sa mundong 'to, maybe the Devil made us to oppose your God and make human's life painful" pinagpatuloy niya at tumigil ako kakaiyak. "Veronica has a soft heart, tinatago niya lang ito para walang maka-sakit sa kanya. She's so fragile that one single touch can break her, can break the walls that she made. Zeus is the opposite of Veronica..."

"Outside he's soft and kind, but inside... he has his own little wars. He can break Veronica's walls through explaining that humans deserve to live more," dagdag ni Dashiell.

Tumigil siya sa pagkwe-kwento at tumayo bigla, nagulat siguro dahil kinuwento niya na ang lahat ng tungkol sa mga kapatid niya.

"I wanna know your story..." nagsalita ako.

Umiling-iling ito at tumalikod, akmang aalis na ito pero agad kong hinawakan ang braso nito. He looked at me with his mesmerizing red eyes, I felt his cold touch when he remove my grip.

"Come with me, I'll show you your room" iyon lang ang sagot niya sa akin.

Why do I feel like... he's the coward in this room? Natatakot ba siya na baka may malaman akong hindi maganda sa past niya?.

He's a mystery, and I want to solve it.

The Helsing's manor { DISCONTINUED }Where stories live. Discover now