"Bata bakit ka umiiyak?" tanong ko sa nakaupo na batang babae
" Huwag ka sa akin lumapit ! sabi ng mommy ko wag daw ako makikipagusap sa mga di ko kilala hmp!!" pagtataray na sabi ng babae sa akin .
psh
" sungit naman nito akala mo maganda" bulong ko
gusto ko na umalis pero parang ayaw pa ng paa ko at saka sabi sa akin ni mommy ko kapag may nakita akong babaeng umiiyak wag ko daw iwan kase kailangan nila ng hug! kaya kahit gusto ko nang umalis ay di pa rin ako umalis.
"Ano binubulong mo diyan? ako? di maganda?bulag ka ba? tingnan mo kaya sarili mo " sabi ulit ng batang babae
aba pwede pala yon umiiyak habang nagtataray . at anong ibig niyang sabihin? na pangit ako hmp!
"Hoy bata gwapo ako noh!!" sabi ko at agad niya ulit akong tinarayan . itong babaeng to konti na lang maalis na mata niya kakaikot.
"at sino naman nagsabi sayo? nanay mo ?" sabi niya habang nakapamewang.
"oo bakit may angal ka?" tanong ko at agad naman siyang nanahimik at di ko namalayan lumapit at tumabi na pala ako sa kanya.
tiningnan ko siya at lumuluha pa rin siya. Kaya agad ko namang kinuha ang panyo ko sa bulsa .
"oh panyo" sabi ko sabay abot ng panyo ko , akala ko magtataray siya ulit pero tinaggap niya yung panyong inabot ko sa kanya.
"pero bata bakit ka ba umiiyak?" tanong ko habang nagpupunas siya ng luha
"pakialam mo ba?" pagtataray niya ulit
psh akala ko pa naman ok na kami tapos magtataray ulit siya hmp.
"nagtatanong ako ng maayos dito " seryosong sabi ko
"ayoko magsalita kasi baka masamang tao ka" sabi niya
"Hindi ako masamang tao okay? " sabi ko pero di pa rin siya naniniwala kaya naman naisipan ko ng magpakilala
"ako si Oliver Diaz 9 years old" pakilala ko sabay pakita ng kamay ko na naka taas yung 9 na daliri. Pero di pa rin siya umiimik .
"Hoy bata ikaw ano pangalan mo ?" tanong ko, kasi maduga naman kung ako nagpakilala tapos siya hindi.
"sige na nga , naniniwala na ako sayo na di ka masamang tao" sabi niya habang kinakalikot yung panyong bigay ko sa kanya
"ako si Penelope Rivera 8 years old" sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay , agad ko naman itong tinanggap at saka ngumiti siya sa akin.
at di ko namamalayan ngumingiti na rin pala ako sa kanya.
"so bakit ka nga umiiyak kanina?" tanong ko ulit
"ahmm yung tatay ko kasi may iba ng pamilya " malungkot na sagot niya, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko rin yung kalungkutan niya at agad ko naman siyang niyakap .
umiyak lang siya ng umiyak sa dibdib ko
" iiyak mo lang yan pene" sabi ko sa kanya dahil naalala ko ang sabi sa akin ni mommy
kung mabigat na yung nararamdaman mo diyan sa puso mo ilabas mo lang, walang nakakahiya sa pag iyak , lalaki ka man o babae. Mas magaan sa pakiramdam kapag nailabas kaya umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa di mo namamalayan nalalagpasan mo na pala yung lungkot na iyon.
inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin .
"Anong pene?" tanong niya
"Pene na tawag ko sayo hehehe" sabi ko sa kanya. Agad niya ulit binalik ang ulo niya sa dibdib ko at umiyak ulit. hinayaan ko siyang ganun ang ayos namin. Pero bakit ganun? yung puso ko ang lakas ng tibok , may sakit ba ako sa puso? mamamatay na ba ako? bakit ganun
hinayaan ko na lang yung nararamdaman ko
pumikit na lang ako at yinakap si pene ng mahigpit.
Maya maya ay tapos na siyang umiyak sa dibdib ko at medyo nawala wala na rin yung kabog sa puso ko
"Salamat oli " sabi niya sa akin habang nakangiti pero alam kong hindi pa rin siya totally masaya
"oli? ang pangit naman" sabi ko at umarte na malungkot
" hehehehe yun na rin tawag ko sayo bleehh " sabi niya sabay peace ng kamay
ngumiti naman ako kase kahit papaano nakatulong ako na mabawasan yung lungkot niya
maya maya ay sumeryoso ulit yung paguusap namin
"Pero seryoso oli maraming salamat sayo!" sabi niya habang nkatingin sa palubog na araw .
kaya naman tiningnan ko siya ng maayos at ngumiti ako
ang ganda naman pala talaga niya
"Alam mo kung di dahil sayo di luluwag yung pakiramdam ko" sabi niya pa habang nakangiti
"gusto pa sana kitang maging kaibigan forever e" tuloy niya at unti unting naging seryoso ang itsura niya
"bakit pwede naman tayong magkita everyday ah" sabi ko sa kanya sabay ngiti
ngumiti naman siya ng malungkot at tumingin sa akin
" naisip ko oli bakit ngayon ka lang pinakita sa akin ni papa Jesus " malungkot niyang sabi
kinabahan naman ako sa mga sinasabi niya
"oy mamamatay ka na ba?" tanong ko
"uyy hindi ah, bukas na kasi yung flight namin papuntang US " sabi niya
at di ko alam kung bakit nakaramdam ulit ako ng lungkot sa mga sinabi niya dahil ba mawawalan ako ng kaibigan?
"so di na kita makikita?" tanong ko at agad naman siyang tumango
"parang ganun na nga" sabi niya
"pero don't worry oli hahanapin kita" tuloy niya yumuko ako at nakita ko ang panyo na bigay ko
TAMA! yung mga panyo ko kasi may mga pangalan ko. Agad naman akong ngumiti sa kanya
"itago mo yan pene na panyo hahanapin din kita , may pangalan ko yang panyo, ingatan mo yan ah. at promise mag aaral ako ng mabuti para sayo , para makakasunod ako sayo sa states "sabi ko sabay ngiti sa kanya
ngumiti naman siya at hinawakan ng mabuti ang panyo
"iingatan ko to oli" sabi niya
kumabog ulit ang puso ko pero hinayaan ko na lang
"promise?" tanong niya sabay taas ng maliit niyang daliri
"Promise" sagot ko at sabay kaming nagpinky promise.
Hanggang sa muli pene....
YOU ARE READING
First Love Never Dies (First Love Series#1)
RomanceNaniniwala ka ba sa First Love Never Dies? Paano mo makakalimutan ang taong unang nagparamdam sayo magmahal, ang taong unang naniwala sa kakayahan mo. Sa lahat ng experience siya ang kasama mo, ang taong nagpapasaya sayo kapag malungkot ka , ang ta...
