"Hindi ko inaasahang mapagdugtong-dugtong mo ang iyong mga nakita, Isabel." sabi ni Rosa.

"Ako'y sang-ayon. Paano mo nalamang ganoon ang mga taong umiibig? Ikaw ba ay umibig na?" banat naman ni Rafael. Tumahimik na muna sila dahil kakatok na ako sa opisina ni De la Vega. Binuksan ko iyon at tumambad sa amin ang nakatayong si De la Vega. Napakalayo ng tingin nito at parang nasa malalim na pag-iisip.

"Magandang umaga, Gobernador-Heneral. Paumanhin kung kami ay nakagambala sa inyo ngunit may kailangan lamang kaming sabihin." bungad ni Rafael. Tumingin naman si De la Vega sa gawi namin.

"Tama lamang ang inyong pagdating. Sa katunayan ay mayroon din akong kailangang sabihin sa inyo." huminga siya ng malalim bago nagpatuloy nagsalita.

"Ako ay aalis dahil pinapatawag ako ng hari ng Espanya. Hindi ko batid ang dahilan nakatanggap na lamang ako ng sulat kaninang madaling araw o mas tamang sabihing kaninang hating gabi." paliwanag niya sa amin. Nanlalaki naman ang mga mata nila Rosa at Rafael. I metally smirked. Okay.. I get it now Carlos. He's good at pulling strings.

"Ano? Hating gabi?" tanong ni Rafael. Tumango naman si De la Vega.

"Kung ganoon, siguradong napakahalaga nga ng dahilan kung bakit ka ipinatawag." dagdag ni Rafael.

"Ngunit sino ang nagpadala ng sulat?" I asked innocently. Kailangang mapaniwala ko sila lalo na siya na totoo nga ito at hindi ko isinasagawa ang aking plano. Napatingin siya sa akin na may makahulugang tingin na alam ko ang ibig sabihin. Alam kong nagdududa siya pero alam ko ring alam niyang hindi ko magagawa iyon ng walang pahintulot niya dahil iyon ang pagkakaalam niya sa akin.

"Isang guardia civil ang nag-abot sa akin ng sulat. At kaniyang sinabi na galing iyon sa hari ng Espanya. Hindi niya rin kilala ang nagbigay ng sulat sa kaniya. Sinabi lamang na galing ito sa hari ng Espanya." sagot naman niya.

"Hindi ba ito kataka-taka?" tanong ni Rosa.

"Oo nga. Maaaring sa iba ito nanggaling ang sulat at may balak siyang linlangin ka." sang-ayon naman ni Rafael.

"Naisip ko na rin iyan ngunit nang mabasa ko ang sulat, nagdalawang isip ako. Dahil mula sa anyo ng pagkakasulat at kastilang wika, tiyak na sa hari ng Espanya ito nanggaling. At ang talagang aking ikinamangha ng husto ay siya mismo ang nagsulat na alam kong kailanman ay hindi niya ginawa." kontra naman ni De la Vega.

"Dahil kung may mensahe o gusto siyang sabihin sa akin, magpapadala lamang siya ng kaniyang utusan para ipaabot ang kaniyang mensahe." dagdag pa niya.

"Kung ganoon, sino ang pansamantalang papalit sa iyo at mamumuno?" tanong ni Rosa. Tahimik lang akong nakikinig at naghihintay ng sasabihin niya.

"Be ready, it will be you." singit ni Carlos. Kaya hinanda ko ang sarili para sa sasabihin niya.

"Nais kong ikaw muna ang mamuno, Heneral Rafael." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Oh? Anyare Carlos?"

"Hindi! Bakit nagbago ang isip niya?"

"Ako? Ngunit sa palagay ko ay hindi ako nararapat Gobernador-Heneral." nakayukong sabi ni Rafael.

"Okay.. For now, let's just make it to happen."

"Roger." sabi ko na parang nasa trabaho ako at sumagot sa aming Chief.

"Malaki ang tiwala ko sa iyo Rafael. Alam kong karapatdapat ka. Makakaasa ba ako sa iyo?" sagot naman ni De la Vega.

Parang natigilan pa sandali si Rafael at matagal itong nakasagot. I saw how he smirked at nagsalita na siya para matauhan si Rafael.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Where stories live. Discover now