Part 9

6.7K 258 24
                                    

"ANONG MERON at inililibre mo ako ngayon, Bax?"

"Nadagdagan ang kayamanan ko." Baxter stirred his coffee. "Kailangang bawasan."

"Ouch." Magaan ang pakiramdam niya ngayon kaya papatulan niya ang mga pinagsasasabi nito. "Ang hirap siguro ng buhay ng mayaman, ano?"

"Ayos lang."

"Ayaw mo?"

"Sino ang matinong taong aayaw sa kayamanan?"

"Sabi ko nga." Sinulypan niya si Mhelai sa likod ng counter na lihim na ngumingisi-ngisi sa kanya. Halata ang panunukso ng bruha. Ngiting aso lang ang isinagot niya rito. "So, bakit nga pala wala kang maisulat ngayon? Walang inspirasyon?"

"Hindi ako naniniwala sa inspirasyon kapag nagsusulat. Mas more sa mood ako nagbabase ng pagsusulat ko."

"Ah. Magkaiba pala tayo. Ako kasi, sa inspirasyon."

He picked up his cup of coffee with so much elegance. Fascinated talaga siya sa mga kilos nito kaya pinagmamasdan na lang niya ang bawat galaw nito. Para kasing kahit kailan ay hindi ito magkakamali at kung magkamali man ito, that would be something worth seeing.

"So, you mean, wala kang inspirasyon ngayon kaya hindi ka makapagsulat."

"Malamang."

"Saan mo ba ibinabase ang inspirasyon mo?"

"Sa mga guwapong lalaki." Tiningnan niya ito at muntik na niyang maibuga ang iniinom nang masalubong ng kanyang mga tingin ang blue-green nitong mga mata. Kasabay kasi niyon ay ang pag-arangkada na naman ng tibok ng kanyang puso. Kaya agad niyang ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang atensyon at nagpalusot. "Kaya lang wala na akong makitang guwapong lalaki ngayon kaya hindi na ako makapagsulat."

"Bakit hindi ka maghanap?" simpleng tanong nito. "Paano kang makakapagsulat niyan kung hindi ka kumikilos para ayusin ang problema mo?"

Muli niyang ibinalik ang atensyon dito. Dahil talagang nagulat siya sa sinabi nito.

"Hindi weird ang tingin mo sa paraan kong iyon? I mean, hindi ka nabababawan sa dahilan ko para magsulat?"

"No. Kanya-kanyang trip lang iyan. Kung ano ang effective na paraan para makapagsulat ka, then its fine." Napansin yata nito ang pagkakatitig niya rito. "What?"

"Wala naman..." Ngumiti lang siya. Ngiti na galing sa kanyang puso. "Ikaw kasi ang unang taong hindi pumuna sa habit kong iyon sa pagsusulat. Karamihan kasi ng mga taong nakakarinig ng sagot ko sa tanong kung ano ang inspirasyon ko sa pagsusulat, its either natatawa o kaya ay nawi-weird-uhan."

"They don't know how a writer's mind works. Kaya hayaan mo na lang sila." He put down his cup. "Ganun din naman tayo sa kanila. Madalas din, weird ang tingin natin sa mga hindi nakakaintindi sa kabaliwan nating mga manunulat."

Aaah...wasn't that really sweet? Wala siyang masabi. Hindi kasi niya akalaing magkakaroon siya ng pagkakataong makita ang isa pang side ni Baxter Saavedra. Unti-unti tuloy ay hindi na lang ang itsura at mga mata nito ang hinahangaan niya.

"Gusto mo pa ng kape?" tanong niya rito. Magiliw na ang kanyang boses. "Ako naman ang manlilibre sa iyo."

"Huwag na. Tama na sa akin ito."

"Cakes?" Umiling ito. "Masahe?"

Bilang kasagutan ay tinapik lang nito ang balikat nito, tanda na tinanggap nito ang huli niyang offer. Masigla siyang tumayo at ginalaw-galaw ang kanyang mga kamay saka pumuwesto sa likuran nito.

"Hard o soft?" Pero bago pa man ito makasagot ay minamasahe na niya ang balikat nito. "Alam mo, Bax, mabait ka rin naman pala. Akala ko kasi noon, wala kang ibang purpose sa buhay kundi ang mang-asar."

Stallion #40: BAXTER SAAVEDRA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon