Part 3

6.9K 245 10
                                    

NANGANGALAY NA ang mga binti ni Michi sa paghihintay ng jeep na masasakyan. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura dahil hindi siya nakapag-agahan o tanghalian man lang bago umalis ng kanyang condo nang hapong iyon para magpasa ng kanyang mga nobela. Kung bakit naman kasi walang establishment na makakainan na malapit sa kanilang opisina. Kailangang sumakay pa ng jeep palabas ng street na iyon na puro malalaking warehouse ng iba't ibang kumpanya. Ang problema niya ngayon, kasabayan niya ang mga empleyado ng mga warehouses na iyon sa pagsakay dahil uwian na ng mga ito.

Kaya heto siya ngayon, nangangalay ang mga binti habang sinisinghot ang usok ng iba't ibang sasakyang dumaraan habang patuloy na kumakalam ang kanyang sikmura. Inaantok pa siya at pagod na pagod dahil kahapon pa siya ng hapon walang tulog. Kinailangan kasi niyang hapitin ang kanyang nobela dahil magtatatlong linggo na siyang hindi nakakapagpasa bukod pa sa mga revision at rejected novels niya. Hay naku. Sa linya pa naman ng kanyang trabaho, no work no pay. E marami nga siyang bayarin! Kaya kahit halos madurog na ang kanyang mga daliri at malusaw ang utak niya sa pagsusulat at pag-iisip ng kuwento ay pinilit talaga niyang makatapos. Hindi na siya papayag na patuloy na tumangging gumana ang mga senses niya sa pagsusulat. Or else, magtulak na lang siya ng kariton.

Isang beses pa siyang naghikab. Peste talaga! Wala bang babagsak na meteor at nang ma-wipeout na itong mga kasabayan niya sa pagsakay? Umidlip na lang kaya siya muna kahit nakatayo? Baka puwede iyon. Hindi na kasi talaga niya makakayanan pa ang imulat ang kanyang mga mata. Tutal naman, naka-sunglasses siya. Maghahanap na lang siya ng masasandalan para kunwari naghihintay pa rin siya ng sasakyan.

Five minutes lang—"Ay, kabayo!"

Nagulantang ang buong sistema niya nang marinig ang malakas na pagbusina na iyon. Naghahanap na siya ng batong maibabato sa sasakyang iyon nang bumaba ang side window niyon. At salubungin siya ng napakagandang blue-green eyes na iyon.

"Hoy, Panget. Anong ginagawa mo rito?"

"Nagbe-belly dancing," asar niyang sagot. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"Nang-iinggit."

Sinipa niya ang gulong ng sasakyan nito. "Umalis ka na nga. Baka buhusan pa kita riyan ng asido, makita mo."

"Meron ka ba nun?"

"Wala. Pero itong hininga ko, daig pa ang asido kapag binugahan kita sa mukha." Napangiwi na lang ito. "Alis na. Alis! Alis!"

"Ganyan mo pa ako itrato samantalang inilibre na nga kita ng sampung cake at isang drum na kape noong nakaraang araw."

"Anong sampu? Isa lang iyon, 'no?"

"Sampu iyon. Akala mo lang isa dahil inaanok ka pa nun."

Saglit siyang napaisip. Sampu nga ba talaga iyon? Hindi na rin siya sigurado dahil inaantok naman siya nang mga panahong iyon at...TEka, bakit ba niya pinapatulan ang kalokohan ng isang ito? Hello! Sinong sira ulo ang bibili at kakain ng sampung cake sa loob ng isang araw?

Sisigawan na sana niya si Baxter nang maramdaman ang pagpitik ng kanyang sintido. Aw... "Ewan ko sa iyo. Maghanap ka ng elyen na kakausap sa iyo."

Naglakad na siya palayo rito at naghanap na lang ng waiting shed na may upuan kung saan puwede siyang maidlip. Pero sinundan pa rin siya ng sasakyan ng lalaki.

"Bax, wala akong energy para makipag-espadahan ng asaran sa iyo ngayon. Gutom ako, pagod at inaantok. Kaya kung ayaw mong maglaho ang balat sa sibuyas, layungan mo ako." Napakunot ang kanyang noo at impit na lang siyang napahikbi sa inis. "Nakita mo na? Nagra-rambol na ang mga sinasabi ko nang hindi ko namamalayan."

Binuksan nito ang pinto ng kotse sa side niya. "Get in."

"Ayoko nga."

"Gusto mong ma-rape?"

"Sinong rapist ko?"

"Get in."

Nang muling maramdaman ang pagpitik ng kanyang sintido ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. At parang gusto niyang sabunutan ang sarili sa ginawang pagtanggi kanina nang maupo sa napakalambot na passenger seat.

"Ano 'to? Kama?"

"Hollow blocks. Saan kita ibababa?"

"Doon lang sa ikatlong kanto." Inihilig niya ang ulo sa headrest ng upuan. "Huwag mo akong kakausapin, ha? Mag-i-internalize ako. Oo nga pala, salamat."

"Walang anoman."

Inayos muna niya ang kanyang sunglasses para hindi nito mahalatang may masama siyang balak. Pagkatapos ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata.

Five minutes...

Stallion #40: BAXTER SAAVEDRA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon