Part 8

6.5K 234 26
                                    

NAPAPAKINDAT NA rin si Michi kasabay ng pagkislap ng cursor ng kanyang computer. Ngunit gaya ng dati, nakatunganga pa rin siya sa harap niyon at walang ni isang letrang naisusulat.

Gigil niyang sinabunutan ang sarili. "Ano ba! Anong klase akong writer kung wala akong maisulat?"

Iniwan niya ang harap ng computer at nagtungo sa sala. Iniligpit niya ang lahat ng nakakalat doon. Itinapon sa basurahan ang mga sa tingin niya ay basura lang. Pinalitan ang tubig ng mga vases na nilulumot at pinakain ang mga nagwewelga na niyang alagang goldfish sa aquarium dahil hapon na ay breakfast pa lang ang matitikman ng mga ito. Pinipilit niyang ilabas ang nananahimik niyang sofa nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Panget."

Sinilip niya sa pagitan ng kanyang mga hita ang pigura ni Baxter. He had his hands on his trouser pockets while his head was slightly cocked on his side, as if trying to see her face.

My, my. Look at that handsome man—eh! Bakit ko ba pinupuri ang isang iyan?

Mabilis siyang umayos ng tayo. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ikaw, anong ginagawa mo?"

"Nagtatapon ng basura."

"Ang liit namang basura niyan," tukoy nito sa sofa. "Bakit hindi mo na lang damputin ng dustpan at nang hindi ka nahihirapan ng ganyan?"

"Hindi uso sa akin ang dustpan. Vacuum cleaner ang gamit ko. Anong palagay mo sa akin, cheap?"

"Okay."

Naupo siya sa armrest ng sofa. Ngayong mas napagmamasdan na niya ito nang maayos ay tila unti-unti na ring bumabalik sa alaala niya ang lahat ng kakaibang damdaming napukaw sa kanya nang huling beses itong nakatapak sa condo unit niya. At hanggang ngayon, malinaw pa rin sa kanya ang lahat ng iyon. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya iyon matanggap. Ang problema, habang patuloy niya itong pinagmamasdan ay tila ba lalo namang nangungulit ang puso niya. In fact, now that she thought about it, lumalabas na kaya hindi siya mapakali at hinid makapag-concentrate sa kanyang isinusulat ay dahil...hindi niya ito nakikita. Nami-miss niya ito—

"Hindi kita nami-miss!" bigla na lang niyang sigaw. Napasinghap siya at mabilis na itinakip sa kanyang bibig ang mga kamay niya.

What the hell?! Bakit ko sinabi iyon?! Kakaiba na tuloy ang tinging ibinibigay nito sa kanya ngayon. Mabuti na lang at namataan niya ang janitor ng condominium nilang si Mang Kadyo sa likuran ng binata.

"Hoy, Mang Kadyo! Hindi kita nami-miss!"

Nagtatakang nilingon siya ng janitor. Pagkatapos ay kakamot-kamot na lang itong nagtuloy sa hagdan. Bahagyang nilingon din ito ng binata. Ayos, lusot na siya.

Mabigyan nga ng piyaya si Mang Kadyo mamaya...

"O, ano nga pala ang ipinunta mo rito, Mang Kadyo—I mean..." Anak ng teteng! "Mang...Mang...kad...mangkadkad...yow?" Nakamasid lang sa kanya si Baxter ng walang anomang reaksyon ang guwapong mukha. Oh, heck! Ngumiti na lang siya. "Shing! Shing!"

"Ano iyon?" tinatamad nitong tanong.

"Guni-guni mo." Yes, ligtas na uli siya. She cleared her throat. "So, bakit ka nga pala naligaw dito sa munti kong mansyon? May maipaglilingkod ba ako sa iyo, kabayan?"

"Yeah." Lumapit ito sa kanya.

Sa hindi malamang kadahilanan, naalarma siya kaya mabilis siyang tumayo at lumayo rito. Pero mukhang hindi naman nito iyon napansin dahil ang sofa ang hinarap nito at walang kahirap-hirap na iniurong papasok uli sa kanyang sala, gamit lang ang isang hita nito.

"Naiwan ko ang polo ko rito noong nakaraang araw." Itinulak na nito ang sofa sa dati nitong kinalagyan sa sala niya. Pagkatapos ay hinarap na siya nito. "Do you still have it? O itinapon mo na rin iyon sa basurahan?"

"Hindi, ah!"

"Okay. Well, where is it? Para makaalis na rin ako agad. Mukhang abala ka sa..." Iminuwestra nito ang sala niyang wala na sa pagkakaayos dahil sa ginagawa niya. "Paglilinis."

"Ah...sandali."

Mabilis siyang nagtungo sa banyo. Wala sa lalagyan ng maruruming damit ang polo nito. Pati ang lalagyan mismo ay wala. Saan naman nagpunta iyon? Lumabas siya at nagtungo sa kanyang kuwarto upang doon hagilapin ang nawawalang polo. Wala rin.

"Problem?"

Gulat na naman siyang napaurong palayo rito nang marinig ang boses nito sa likuran niya.

"Ah..." Hinarap na niya ito. At ilang beses niyang natagpuan ang sariling tila napapatunganga na lang dito habang pinagmamasdan ang guwapong mukhang iyon at mapang-akit na mga mata. "H-hindi ko makita ang mga mata...este, ang ano mo pala...'yung ano mo..." Darn it!

Malakas siyang sumigaw. Nagtaka si Baxter sa ginawa niya base na rin sa pagkakatingin nito sa kanya ngunit wala naman itong sinabi. Mabuti na lang at hindi ito nagsalita tungkol doon dahil kung hindi, baka kinarate na niya ito. Humugot siya ng malalim na hininga pagkatapos at nakatulong iyon ng malaki upang malinawan na ang inaagiw niyang utak. Kahit paano rin ay kumalma na ang nararamdaman niya kahit naroon pa rin ang kabang iyon sa kanyang dibdib. At least ngayon, kaya na niyang harapin ito ng mas maayos.

Nagpamaywang siya. "Wala ang t-shirt mo."

"Polo."

"Polo." Iminuwestra niya ang kabuuan ng kanyang sala. "Wala, eh. Hindi bale, ibabalik ko na lang iyon sa iyo kapag nakita ko. Iiwan ko na lang sa office at doon mo na lang kunin, if ever."

"If ever what?"

"If ever na makita ko. Huwag mo na nga akong piliting mag-English at baka hindi ako matunawan." Napakamot siya sa kanyang ulo. Mas umaayos pang lalo ang pakiramdam niya. Ang kailangan lang pala niyang gawin ay sumigaw para lang tumino uli ang takbo ng utak niya. "Sorry. Ganito kasi ako kapag naglilinis. Hindi ko na matandaan kung saan ko na naipaglalagay ang mga nililigpit ko. pero hahanapin ko 'yung t-shirt mo—"

"Polo."

"Polo." She turned to him and she couldn't help smiling. "Damit na lang at nang magtagpo na ang mga landas natin."

He didn't say anything. But she could see he was suppressing a smile. That was good enough to calm her system even more.

Yeah...maybe she did miss him. Dahil ngayon, umaarangkada ang imahinasyon niya. Gusto niyang magkulong na uli sa kanyang silid at magsulat pero ayaw din naman niyang mawala ito agad sa paningin niya. Maybe she could stay with him for a while...

"Naglilinis ka ng bahay," mayamaya'y wika nito. "Hindi ka makapagsulat?"

"Paano mong nalaman?"

"We're both writers. Ganyan din ang gawain ko kapag hindi ako makapagsulat. Tulad ngayon."

"Ow?" How nice. May similarities din pala sila nito bukod sa pagiging manunulat nilang pareho. "E, bakit nandito ka? Dapat naroon ka sa sarili mong bahay at gumagawa ng version mo ng paglilinis."

"Tinatamad ako. Noong nakaraang linggo, nakapag-general cleaning na ako. Naiirita naman ako kapag nakikita kong masyadong malinis ang paligid ko. Hindi rin ako makapag-concentrate kapag ganon."

"So ngayon madumi na uli ang bahay mo. at dahil tinatamad kang maglinis, ako naman ang binubulabog mo rito sa lungga ko."

"Of course not. Hindi mo ba ako narinig kanina? Ang sabi ko, kinukuha ko lang ang polo kong naiwan ko rito noong nakaraang araw."

"Okay." Muli niyang nilingon ang kabuuan ng kanyang sala. "Well, sabi ko nga rin sa iyo, hahanapin ko na lang ang damit mo. Pasensiya na kung hindi kita mae-entertain na mag-stay dito. Nakikita mo naman ang estado ng lungga ko."

"Hindi bale. Ako na lang ang mag-e-entertain sa iyo."

"Ha?"

"Magkape na muna tayo."

Stallion #40: BAXTER SAAVEDRA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon