Part 6

6.6K 238 14
                                    

NAGTAKA PA si Michi nang hindi si Mhelai ang naghatid ng order niya ng kape. Usually kasi ay ang babaeng iyon na ang nagdadala sa kanya ng mga orders niya at makikipagdaldalan sa kanya kapag wala naman gaanong customers.

"Nasaan ang bruha ninyong manager?" tanong niya sa crew.

"Naroon ho sa likod ng counter, Ma'm. Abalang-abala sa pakikipag-away sa chatroom."

"Chatroom?"

"Nitong nakaraang mga linggo kasi, nahilig sa pakikipag-chat sa Internet iyang si Ma'm Mhelai. Kaya kapag wala siyang ginagawang importante, lagi siyang nakaharap sa laptop computer niya."

Napalingon sila sa direksyon ng kaibigan nang marinig itong malakas at tila galit na sumigaw. Natawa na lang ang crew.

"Nakita nyo na, Ma'm?"

Napailing na lang siya. Hindi niya akalaing ang isang tulad ni Mhelai na kagalang-galang ang image ay may itinatago rin palang kapraningan. Bitbit ang kanyang kape, pumasok siya sa likod ng counter at nakisilip sa ginagawa nitong pakikipag-chat. Siya lang ang customer na binigyan ni Mhelai ng access doon dahil nga kaibigan na ang turing nito sa kanya.

"Ang yabang mo!" gigil na sambit ni Mhelai saka pinitik ang monitor ng laptop nito. "Yabang! Yabang! Yabaaaannng!"

"Hoy, adik," untag niya rito. "Sino ba iyang kausap mo riyan at para ka ng nasisiraan ng bait diyan?"

"Ito! Itong impaktong shinigami na ito!" Idinutdot pa nito ang daliri sa isang particular na screen name sa chatroom na kinaroroonan nito. "Siya ang walang kuwentang impakto ng Planet Indigo! Ang sarap niyang pitikin! Hmm!"

Sinulyapan niya ang tinutukoy nitong shinigami. At base sa mga nabasa niyang takbo ng usapan ng mga chatters sa chatroom na iyon, naging mainit ang pakikipagtalo ni Mhelai dito.

"Why don't you just kicked him out of the room, kung talagang ayaw mo sa kanya?"

"Mawawalan ako ng kaaway, eh. Boring." Pinatay nito ang screen ng laptop nito at mukhang mas kalmado na ito nang bumaling sa kanya. "May magandang balita akong nasagap tungkol sa iyo, ah."

"Balita?"

"Yeah. Nakita ka ng isang crew ko kagabi na inihatid ni Papa Blue-Green Eyes." Tumaas-taas pa ang mga kilay nito. "Siya na ba ang lalaking inspirasyon mo ngayon, ha?"

"Ano? Naku, Mhelai, balikan mo na nga iyang kapwa mo baliw sa Planet Indigo na iyan—"

Hinila nito ang buhok niya upang hindi siya makaalis. "Teka, Miss. Hindi pa tayo tapos, eh. Ngayon lang nagkaroon ng interesanteng pangyayari sa buhay ng paborito kong romance novelist. Come on, magkuwento ka naman. Anong nangyari sa inyo ni Papa Blue-Green Eyes, ha? Kayo na ba? Kailan kayo ikakasal? Ilan na ang napagplanuhan ninyong magiging anak?"

"His name is Baxter, okay?" Hinila naman niya ang suot nitong necktie na parte ng uniporme nito. "And he's not my boyfriend. Kabi-break nga lang nila ng girlfriend niya kagabi."

"E, bakit magkasama kayo kagabi—"

"Inihatid lang niya ako rito dahil nakikain ako sa bahay niya—" Kinikilig na napatili ang bruha. Napabuntuhininga na lang siya. "Wala ka ng pag-asa, Mhelai. Malala ka na talaga."

"Well, wasn't that nice? He just broke up with his girlfriend and you're already seeing each other. Hindi na talaga kayo makapaghintay na maging kayo na officially, ano? Uuuuyyy!"

"Hay, ewan ko sa iyo." Binawi na niya rito ang hawak hostage nitong buhay niya. "Bakit ba kinausap pa kita e nasisiraan ka na nga pala ng ulo?"

"Are you inlove with him?"

"No."

"Okay. But do you like him?"

Natatawa lang siyang umiling saka iniwan na ito. Kailangan na niyang balikan ang kanyang nobelang hindi na naman niya madugtungan.

"You like him, don't you?" pahabol na sigaw nito. "Aminin mo! Huwag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang may gusto kay Papa Blue-Green Eyes. I like him, too. Hati tayo sa biyayang iyon ng Diyos, ha?"

"Luka-luka!"

"Sabihin mo na kasing gusto mo siya para hindi ko na siya pagnasaan."

Nilingon na niya ito. "I don't like him! Okay?"

"Bakit naman? Guwapo naman siya, ah. At galante. At mayaman. At higit sa lahat, marami rin siyang guwapong friends!"

"At antipatiko rin siya. At malakas mang-asar. At pangit ako para sa kanya. At higit sa lahat, marami siyang girlfriends!"

"Hoy, Panget. Bakit ang ingay mo?"

Sa gulat ay bigla siyang napalingon sa nagsalita sa kanyang likuran. Bumuhos tuloy dito ang bitbit niyang kape. Mabuti na lang at hindi iyon mainit. Pero basang-basa pa rin ang polo ni Baxter at dahil mocha ang flavor ng kanyang kape, kitang-kita ang mantsa niyon sa puting polo nito.

"Ay...naku, sorry!"

Agad namang kumilos ang mga crew at binigyan siya ng mga tissue upang ipampunas sa binata. Hinayaan lang siya nito pero mahahalata pa rin ang iritasyon sa pagkakakunot ng noo nito. It was no use patting the coffee stain.

"Sorry..." She gave him an apologetic smile. "Ikaw naman kasi, eh. Bakit mo ba kasi ako ginulat? Iyan, tuloy..."

"Kasalanan ko pa ito ngayon?" Kinuha nito sa kanya ang mga tissue at ito man ay sinubukan ding isalba ang suot nito. "Hay!"

"May spare shirt ka bang dala, Sir?" tanong ni Mhelai. Lumapit na ito at ipinakita ang pagiging respetadong manager ng naturang coffeeshop. "Puwede kang pahiramin ng t-shirt ng isa sa mga crew kong lalaki. Ang kaso, baka hindi compatible sa balat mo ang sabon na ipinanlaba nila sa shirt na iyon."

"Ma'm, naman," natatawang reklamo ng isa sa mga male crews.

"No, thanks. Meron akong spare shirt sa kotse." Isang beses pa siya nitong kunot-noong binalingan. Talagang gusto nitong iparating ang perwisyong ginawa niya rito.

"Sorry na nga, eh..."

"Ang mabuti pa, Michi, tutal hayan lang naman ang condo unit mo," si Mhelai uli. "Samahan mo na si Sir na magpalit sa banyo mo. Sira pa kasi ang CR namin dito, eh. So..."

She had a distinct feeling that Mhelai was just trying to manipulate them. Ang bruha...

"Panget."

Nilingon niya si Baxter. "Panget ka rin."

"Ano pa ang tinatayo mo riyan?"

"Wala naman. Gusto ko lang mag-belly dance."

"Funny." He then took her hand and pulled her out of the coffeeshop.

Dinig na dinig pa niya ang impit na tilian nina Mhelai at ng mga crew nito. Pero hindi na niya iyon inintindi pa dahil okupado na ng kakaibang sensasyong hatid ng pagkakadaiti ng mga kamay nila ng binata. Lalo pa nga at kahit saan magpunta ito, mula sa pagbubukas ng compartment ng kotse nito upang kunin ang spare shirt nito roon hanggang sa paglo-lock niyon ay hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay.

At ito pa talaga ang nauna sa pagtungo sa condominium building nila. Sa mata ng mga taong nakakita sa kanila nang mga oras na iyon, siguradong iisa lang ang papasok sa isip ng mga ito. Na may relasyon sila dahil sabay silang pumasok ng gusaling iyon.

"Panget," mayamaya'y untag nito. "Nasaan dito ang elevator ninyo?"

"Bakit hindi mo alam? Nakapunta ka na rito, ah."

"I took the stairs then."

"Bakit naghagdan ka?"

"Wala ka na dun. Ano, nasaan na ang elevator dito? Bilis at nanlalagkit na ako."

Iginiya na niya ito patungo sa elevator habang nagtataka pa rin siya kung paanong napakabilis nitong nakaakyat noon sa ikalimang palapag kung nasaan ang unit niya. At ni hindi man lang niya ito nakakitaan ng pagkahingal noon. Napatingin uli siya sa magkasugpong nilang mga kamay nang maramdamang pinipigilan siya nito.

"What?"

"Lumagpas na tayo sa elevator."

Nilingon niya ang itinuro nito. Oo nga. Bumalik tuloy sila ng wala sa oras. "Sabi ko nga lumagpas ako."

Stallion #40: BAXTER SAAVEDRA (Completed)Where stories live. Discover now