Chapter 15

17 11 0
                                    

Addy POV

Puting nakakasilaw ang tanging nakikita ko.

"HelloooO" sambit ko

Walang sumagot, Nasaan na ba ako? May kasama kaya ako dito?

Lakad lang ako ng lakad naghahanap ng kung sinong mapagtatanungan.

"Addy... "

"Alex? "

"Addy... "

"Alex asan ka? "

Hinahanap ko ang boses na 'yon alam kong kay Alex 'yon kilalang-kilala ko siya. Napatigil ako sa paglingon-lingon ng maaninag ko ang lalaking dahan-dahang naglakad palapit sakin. Kumurba ang ngiti saking mga labi ng makita ko na talaga siya.

Hindi malayo, hindi malapit. Sakto lang ang naging pagitan namin ng itaas niya ang kamay niya aabutin ko na sana ito ng bigla nalang nawala ang lahat.

Until I heard someone's voice.

"Addy gising! Addy! "

Napamulat ako sa sarili kong mga mata ng may yumugyog sakin.

"Kuya..! " inis kong sigaw

"Ano ba nangyayari sayo? Kanina kapa ungol ng ungol d'yan buti nalang at tiningnan kita"

"K-kuya si A-alex" naramdaman ko ang tumulong luha sa pisngi ko

"Sshhh..." Niyakap ako ni kuya sa mga sandaling ito.

"Na-napanaginipan ko siya kuya" walang tigil ang pag-iyak ko at mas lalong ibinaon ang mukha ko sa dibdib ni kuya.

Hindi ko alam pero parang sasabog na ang puso ko sa sakit, hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa paghihikbi ko.

"H-hahawakan ko na sana ang kamay niya ng gisingin mo ako kuya" sabi ko na nasa kalagitnaan ng paghihikbi

"Please don't, don't do that Addy" may bahid na lungkot na sabi ni kuya at mas hinigpitan ang pagyakap sakin.

Ilang minuto kaming sa ganoong posisyon hanggang sa kumalas na siya at binigyan ako ng isang baso ng tubig.

-------------

"I'm sorry kung hindi namin sinabi agad sayo Addy hindi namin alam kung ano ang magiging reaction mo natatakot kaming sabihin sayo" malungkot na sabi ni kuya

Nandito pa din kami sa loob ng kwarto, ngayon ko lang napagtantong kwarto ito ni Alex

"Pupuntahan ko muna sina mama sa baba" pagpapalam niya at iniwan ako dito.

Alam ko na ang lahat, sinabi na sa akin ni kuya ang lahat-lahat.

◀▽▶

May 2 ,2020

7:20㏂

Kaparehon oras ng nangyaring pagbitaw ng gitnang butones ng uniporme kong blouse ang oras na naging huling hininga ni Alex sa hospital.

April 26, 2020

Araw na umalis sila papuntang maynila na ang akala ko ay dahil sa lolo niyang may sakit pero hindi. Ang totoo ay pumunta sila ng maynila para gawin ang operations ng cancer niya.

Bagay na nilihim niya sakin sa mahabang panahon.

Pati sa pamilya ko hindi niya sinabi na may ganun siyang sakit mas gusto niyang siya lang ang nasasaktan.

Sa unang araw ng pasukan na wala siya na babaliw at nasasabik na akong makita siya at ngayon paano na..

Kaya pala palagi siyang inaantok pagdating sa school inaatake na pala siya ng sakit niya tuwing gabi. At yung pasang nakita ko sa balikat niya ay masdumami pa ito nagkalat sa kamay niya kitang kita ko nung nasa ...... na siya bago ako mawalan ng malay.

Unwanted Dead Soul ✔Where stories live. Discover now