Chapter 7

22 19 0
                                    

Alex POV

"Mukhang ako lang mag-isa dito ang babae ah" pagpapatawa ko at gumana naman

"Babae? Ano ka bakla? " humagalpak pa ng tawa si Addy

"Hindi ako bakla ha" pabalang kung sabi baka kasi tutuhanin nila

"Oy, bakla sabi pala ng mama mo paborito mo raw yung lulutuin mo ngayon. Ano nga ulit tawag don? " - Addy

-_-

Hindi ko siya sinagot at dumiritso ako sa lababo upang maka paghugas ng kamay para ko tuloy pinagsisihan na sinabi ko na ako lang mag-isa ang babae hindi ba nila maintindihan ang ibig kung sabihin?

Ilang minutong katahimikan ang dumaan pati sila tahimik. Akmang aalis na ako sa pagkakaharap sa lababo ay nabigla ako ng may yumakap sakin patalikod dahilan para manigas ako para tuloy akong istatwa na naka tayo dito.

"Oy, biro lang 'yon.... Hindi ka naman mabiro..." Masuyo niyang sabi

Hindi ako naka get over at tulala pa din akong nakikipagtitigan sa pader hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kan'ya. Nakakatameme.

"Oy, sorry na..."

Natauhan ako ng yugyugin niya ako nang naka yakap pa rin siya sakin mula sa likuran ko. Ano ba gagawin ko?

Asst.. Isip isip isip....

"HA HA HA" isang haglpak na tawa ang aking pinakawalan na parang tanga hindi ko alam kung bakit ako tumatawa. Bakit nga ba?

Umalis sila sa pagkakayakap sakin mula sa likod at nagkaroon ako ng lugar para makaharap ko siya. Pagharap ko naka kunot ang noo niya na parang may mga galit na nakatago sa kaniyang magagandang mata habang ako ay naka ngising humarap sa kan'ya. Mayamaya ay bigla siyang tumalikod sakin pero bago pa siya maka hakbang hinila ko na ang kamay niya.

"Oy, joke lang 'yon. Wag kanang magtampo ayokong makikitang malungkot ang best friend ko" may galak na ngiti saking mga labi pero siya parang may napakalaking problema sa haba ng nguso niyang naka tingin sakin.

Hindi pa rin siya ngimingiti at isa lang ang alam kong magpapangiti sa kan'ya.

"Oy, sorry na"sabi ko habang tinusok-tusok ko yung tagiliran niya at iwas naman siya ng iwas "oy ngingiti na na 'yan.. "

"Alex tama na nakikiliti ako! Haha Alex...!"

Ayon napangiti ko rin siya akmang tatakbo na siya ng hilahin ko yung buhok niya.... Joke lang hindi buhok hinila ko hahaha (baliw ka ba otor??) Hinila ko siya at ikinulong saking mga bisig kaya ang posisyon namin ngayon ay naka yakap ako sa kan'ya mula sa likod, Oo ako naman ngayon yung naka yakap sa kan'ya habang tumatawa kami.

Ang rupok.

Ngayon ko lang din napansin na kami nalang dalawa ni Addy dito sa kusina nagsi-alisan sila mama at Ate na parang alam na nila ang mangyayari.

Matapos ang kulitan namin ay nagluluto na ako ng kakainin namin. Ang niluluto ko ay "Four Seasons Vegetables" Oo totoo 'yan yung favorite ko at 'yan din ang dahilan kung bakit ako nagkahilig sa pagkain ng mga gulay.

AFTER COOKING

"Hmm... Mukhang masarap 'yan, ah"-Addy

"Oo naman ako kaya yung nagluto"

Nilalagay ko na sa lamesa yung niluto kong gulay, hindi sa pagmamayabang pero nasanay na ako na may mga pumupuro sa mga luto ko lalo na itong Four Seasons Vegetable ko especial sakin 'to eh.

Nakahanda na lahat sa lamesa at naka-upo na rin silang lahat malapit na kasing mag-alas 12noon kaya panigurado gutom na sila.

"Gusto ko ng tikman natatakam na ako kahit gulay 'yan" kanina pa kumikinang ang mata niyang nakatitig sa ulam na nasa lamesa

At 'yon sinunggaban na nga niya sunod-sunod ang naging pagsubo niya sa niluto ko parang baliwala lang sa kanya na gulay yung kinakain niya.

"Hinay-hinay lang baka mabilaukan ka" medyo natatawa kung sambit lakas niya kasi kumain, yung feeling na ang saya-saya tingnan ang taong mahal mo na sarap na sarap sa iyong niluto. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganyan kumain sa gulay na ulam.

Tumayo ako at kumuha ng isang baso ng tubig, naiinis ako sa mga tingin nila ate at mama sa akin, kung makatingin parang may mali akong ginawa.

Akala siguro nila hindi ko napapansin. Ibinigay ko kay Addy yung isang baso ng tubig at ininom niya naman magkatabi kami ng upuan ni Addy habang sila mama at ate naman ang magkatabi sa opposite side.

Sinulyapan ko yung pinggan ni Addy may kulay orange siyang tinatabi at hindi niya kinakain.... Hmmmm.....

Addy POV

Natatawa kong tiningnan si Alex dahil bakas sa mukha niya ang pag-aalala na baka mabulunan ako sa kakasunod-sunod kung subo, hindi pa nga siya tapos kumain bahang kami ng mama at ate niya tapos na kaya iniwan nalang nila kami alangan naman na umalis din ako eh wala ng kasama kumain si Alex.

Nakatitig lang ako sa kan'ya habang kumakain siya hindi ko na din talaga na pigilan ang bibig kong huwag magsalita.

"Tagal mo naman matapos kumain" reklamo ko

Hindi ako makakilos ng maayos dahil busog na busog ako sa niluto niya.. Hehehe.... Nagmumukha tuloy akong patay gutom sa harapan nila.

"Syempre binantayan kita baka mabulunan ka pa at ako pa masisi malalagot ako sa kuya mo pagnagkataon" sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain "An'yare sa d'yan sa mga carrot na nasa gilid ng plato mo? "

Ooppss...

"Ahh... Ehh... Hindi kasi talaga ako kumakain ng carrot ayoko sa lasa niyan' hindi ko bet" nahihiya kung sambit eh kasi naman eh ayoko talaga na susuka ako

"Ah ganun ba, 'bat hindi mo sinabi hindi ko na sana nilagyan pa ng carrot"

Nako naman....

"Okay lang naman"

"Akin na nga 'yang carrot mo" kinuha niya yung nakatambak sa gilid ng pinggan ko yung mga carrots magpuprutesta pa sana ako pero huli na nailagay na niya sa plato niya..

::>_<::

"Masarap kaya 'to"

Matapos niyang kumain ay tinulungan ko na siyang magligpit mg pinagkainan namin. Nagpresenta akong maghugas ng pinggan ngunit tinanggihan niya ako siya na daw ang gagawa at nakakahiya rin naman daw kasi na ako pa yung gagawa eh bisita daw ako.

Habang naghuhugas siya at hindi ako lumayo sa gilid niya pinagmamasdan ko siya kung paano siya maghugas ng pinggan. Nagkwento rin ako sa kanya ng mga bagay-bagay tulad ng masasaya kay tatawa nalang kami napatigil kami dahil sa tinawag siya ng ate niya.

"Alex yung oras wag mong kalimutan"-Ate Allison

"Oo, ate mamaya na pagkatapos ko dito"-Alex

Syempre nagtaka ako kung anong meron sa oras baka may iba pa siyang ginagawa kaya inagaw ko sa kanya ang pinggan at ako na ang nagpatuloy ng paghuhugas nito ngunit hindi niya ako pinayagan.

Panggabi kasi ang pasok ni ate ngayon kaya nandito pa siya sa bahay at kung wala naman siya nandito naman si mama para e-remind ako.

"Ako nalang kasi ang maghugas baka may gagawin ka pa"

"Hindi, okay lang. Ano ka ba? Baka mabasa pa 'yang damit mo"

"Hindi naman mangyayari 'yon. Aam mo matigas talaga 'yang ulo mo  ano?" natatawa kong saad

"Okay lang gwapo naman"

Ang corny!!

Sabagay wala namang malambot na ulo pwera sa mga bagong silang na sanggol.

Unwanted Dead Soul ✔Where stories live. Discover now