Chapter 19: Bloody Mess

Start from the beginning
                                    

            “Damn it!” Sumigaw nang napakalakas si Justin na halos ikabingi niya. Maski ang puso niya na wala namang mga tenga ay mistulang nabingi sa sigaw nito na puno ng galit. “Why Aubrey? Why huh? Bakit ako tinatanggihan mo pero sa best friend ko, bumigay ka?!”

            Naluluha siyang napatitig sa galit na galit pero naiiyak na mukha ni Justin. Nakatitig lang din ito sa kanya habang may kinukuha sa bulsa. Maya-maya ay pinakita nito sa kanya ang pagmamay-ari nitong cellphone and a video played. That video of her letting Chester own her—again.

            “How’s my best friend on bed, huh Aubrey? Are you thinking that I cannot do better than him?”

            “J-Justin... No... Please, huwag mo akong ganituhin...” Tuluy-tuloy nang umagos ang mga luha ni Aubrey kasabay ng paghawak niya sa magkabilang pisngi ng nobyong nasa ibabaw pa rin niya. “Pagkakamali lang ‘yon—nagpakatanga ako at nagkamali. I was not in myself that night. Lasing lang ako kaya ko nagawa ‘yon. Pero ikaw ang mahal ko, Justin. Hindi man malinaw ang pag-iisip ko nung mga oras na ‘yon pero napakalinaw ng tibok ng puso ko. Ikaw—ikaw lang ang tinitibok nito.”

            “Argh!” Muli itong sumigaw nang napakalakas na sinabayan pa ng suntok sa kama, just right beside Aubrey’s face, making her feel very scared.

            “Aubrey!”

            That was Chester’s voice.

            “Oh. My best friend’s here.” May panggigigil sa boses ni Justin sa kabila ng kawalan na ng emosyon sa mga mata nito.

            Lumuhod si Justin, his knees pinning Aubrey’s lower part on the bed, at nilingunan ang kaibigan.

            “Bakit ka nandito, Chess?” He asked his best friend. “Aubrey and I are busy, can’t you see?”

            “Justin, tigilan mo na ‘yan.” Kalmadong naiinis si Chester.

            “And who are you to tell me that?”

            “It doesn’t matter who I am to tell you that. It’s about who is that woman you are hurting right now.”

            “Ah, right.” Tumayo na si Justin at lumayo kay Aubrey para lapitan ang kaibigan. “She’s Aubrey. My fiancee. Who just cheated on me.”

            “Justin...” Umiiyak na umupo si Aubrey. Hindi na niya alam ang gagawin mapatawad lang siya nito.

            “It wasn’t her fault, Justin. It was my fault.”

            “Oh, okay... Then take this!” Sinapak ni Justin si Chester sa mukha.

            “Justin?!” Aubrey gasped in shock. Natakot siya nang bumagsak sa sahig si Chester. Pinatungan pa ito ng nobyo at ilang beses pang pinagsasapak habang kinukwelyuhan.

            “Fuck you, Chester! Tinuring kitang kapatid! Pinagkatiwalaan kita! And you did that to me?!”

            G-God...

            Takot na takot na talaga si Aubrey. Hindi lumalaban si Chester at nakakakita na siya ng dugong tumatalsik mula sa mukha nito.

            “N-no, Justin. T-Tama na ‘yan!” Nilabanan ni Aubrey ang panginginig ng katawan. Tumayo siya’t nilapitan ang dalawang lalaki. “Justin! Tama na!”

            Pilit niyang pinigilan ang braso ng nobyo sa pagsapak kay Chester. Hahatakin na rin sana niya ito palayo, pero masyadong galit at malakas si Justin. Nabawi nito ang sariling braso at kinabig si Aubrey, hitting her on the stomach. Sa lakas ng pagkabig nito ay napalayo si Aubrey, na-out of balance at napaupo sa sahig.

            Napakasakit ng pagkakabagsak ni Aubrey pero ayaw niya ‘yung indahin. Muli siyang tumayo—pero hindi na niya iyon tuluyang magawa. ‘Yung sakit na nararamdaman niya, mabilis kasi na lumala. Kakaiba nga lang dahil hindi nanggagaling ang matinding sakit na iyon sa kanyang pang-upo o likuran. Rather, it was coming from her abdomen. She felt like having the worst menstrual cramps ever. But no, it was actually nothing like menstrual cramps. Dahil sobrang sakit talaga ang nararamdaman niya to the point na napasigaw na siya kasabay ng pamimilipit.

            “Ahh!” She tearfully screamed in pain. “B-Bakit... Oh God, a-ang sakit!”

            Napatigil na si Justin sa pananakit kay Chester at parehas ang mga ito na napatingin sa kanya. And both of their eyes widened as they saw blood flowing from where she was sitting down.

            “A-Aubrey!” Madaling lumapit sa kanya si Justin at inalalayang tumayo pero hindi niya talaga magawa.

            “I-I can’t Justin! A-ang sakit talaga!” Iyak nang iyak si Aubrey habang namimilipit.

            “Fuck!” Binuhat na lang siya ni Justin at tinakbo palabas ng kanyang unit, leaving Chester behind who was still conscious, but remained wide-eyed at what happened to her.

            God... Ano na po bang nangyayari sa akin? Nanghihina na si Aubrey.

            “Aubrey, baby, please hang on. Please. You’ll be okay. I’m bringing you now to the hospital.” Takot na takot ang boses ni Justin habang bumubulong sa kanya, dahilan para mapangiti siya.

            He... He still cares about me... She thought, before closing her eyes and falling into unconsciousness.

—TBC

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Where stories live. Discover now