"Salbahe ka kasi." Suminghot-singhot pa ako para effective. "Kumanta ka lang. Nauutot pa ko."

Imbes na maawa ay mas lalo pa akong nainis sa kanya kasi narinig ko pa yung pagtawa nya dun sa labas? Nakakatawa ba pag may nagsabi sayo na puro hangin yung tyan nya at kailangan nya ilabas yung masamang hangin na yun?

"Baka masinghot ko. So should I just go outside and wait for yo-"

"Ang sama mo!"

"Fine. I'll stay."

Tila nakunsensya na naman ito. Ganyan. Dapat ganyan.

Paano kung lumabas sya tapos may mga kaibigan sya na pumasok dito? Nakakahiya pag naamoy nila na may gumawa ng masama dito sa loob. Mabuti na yung kasama ko si Samantha. Atleast feeling ko may kakampi ako.

Mga five minutes pa ay lumabas na din ako ng CR. Si Sam nakasandal lang dun sa may sink at matyagang naghihintay.

Pagkakita sa akin ay naglabas ito ng sanitary kit. Inabutan nya ko ng soap at tissue. Pati sanitizer at alcohol naglabas din sya.

Hindi umiimik na kinuha ko iyon at naghugas ng kamay. Pinunasan ng tissue. Nag alcohol at nagsanitizer pagkatapos.

"Hey, galit ka pa?" Nananantyang tanong ni Sam. Her face is sweating. Pero bakit parang ang appeal nya masyado? Yung kahit pawis na pawis na sya parang mas lalo lang syang nagiging kaakit-akit. Tapos ang bango bango nya pa din. Wala ba syang kahit anong baho sa katawan? Why is she so damn perfect?

Dahil sa kanta ni Samantha yan e. Nagiging ganito na ko.

"Nakakatuwa siguro mapagtripan."

"Grabe ka naman. Kumanta na nga ako e. Sininghot ko pa lahat ng masamang hangin na nilabas mo." pabirong sabi nya. Akala nya yata matatawa ako.

Inirapan ko lang sya bago tinungo yung pinto palabas. Kahit tumambay pa sya at singhutin lahat ng baho ko. Hindi ako maaawa sa kanya.

She followed me in silence.

"Terry, I'm sorry. I'm just really joking."

Nakasalubong naman namin si Railey at Van na kalalabas lang ng shower room. Pareho nang presko ang mga ito.

"Sam, hindi ka pa ba maliligo?" Tanong ni Van dito. Si Samantha naman ay pasimpleng sinulyapan ako.

Tila nakaramdam agad si Railey na hindi kami okay ni Sam.

"Halika na Van. May LQ sila." Sabi ni Railey na inakbayan si Van at inaya palayo sa amin.

Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay saka ko hinarap si Samantha.

"Maligo ka na dun. Gusto mo paliguan pa kita?"

"Pwede?" Painosenteng tanong nya pa.

"Pwede naman. Basta gusto ko yung mainit na tubig. Yung kumukulo pa. Ayun yung ibubuhos ko sayo. Bruhildang 'to."

"Lagi sigurong mainit na tubig pinapaligo mo no?"

Napaisip naman ako. Maaga kasi ako gumigising dahil nga may part-time job ako noon. May times pa na kailangan pumunta ng shop at saka nag aaral ako. I'm trying to be that all in one. So syempre kelangan gumising ng maaga.

"Maaga kasi ako gumigising. Madaling araw naliligo na ako kaya nag iinit kami ng tubig ni Ate Corinne."

"I knew it. No wonder.." Pagkatapos ay tiningnan nya pa yung balat ko na tila ba nang lalait.

Bwisit talaga tong babae na 'to.

"Bruhilda ka talaga no?"

"Your Mom says I'm a goddess. Ikaw daw yung mukhang aliping tagasilbi, remember?"

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon