Malakas kong sinipa ang ballpen papunta sa kanya. He picked it up and merely waved it in the air while murmuring, “Thanks.”

"Careful, de Lopezes.."

I irritatingly looked away from him. Napatingin ako sa student assistant nang bigla itong tumawa habang nakatingin kay Sulivan. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni Sulivan na dahilan ng pagtawa nilang dalawa.

Pakiramdam ko'y pinagtatawanan nila akong dalawa. Hindi ko ito nagugustuhan. Inis at padabog kong isinalin sa next page ang libro ko para ipakitang hindi ako natutuwa. Isang ingay na nagmumula sa papel ang nagpatahimik sa tawanan ng dalawa.

Napamaang ako at hindi makapaniwalang napatingin sa libro ko. No... way.

He chuckled. "Napunit ata?"

Kumuyom ang kamao ko at pinanlisikan siya ng mata. "Thanks for that lovely information."

Muli siyang nagpakawala ng mahinang tawa. Nakakainis! Bigo kong tiningnan ang medyo punit na isang pahina. Masyado akong perfectionist pagdating sa mga libro ko. Masyado ko silang inaalagaan dahil hindi ko gustong marumi o sira-sira ito habang binabasa ko. Pati nga pag-highlight ay gumagamit ako ng ruler para pantay tapos.. tapos.. nakakainis talaga!

Iyon ang rason kung bakit pagdating ni Professor Amilagir ay walang-wala ako sa mood. Hindi ko na narinig pa ang mga ibang sinabi niya. Ang tanging narinig ko lang ay kaming dalawa ang isasabak sa darating na Interschool Accounting Cup kaya kailangan naming maghanda.

Hindi naman ako nagulat dahil last year ay kami rin ang kinuha sa batch namin. Individual ang pagsagot dito pero ang score ay pinagsasama at the end of the game at ang may pinakamataas na combined score ang siyang mananalo. I did not worry that much because we didn’t have to review together. Some sort of self-study would do.

On Friday, muling naging usapan si Sulivan dahil nalaman ng lahat na nag-file siya ng certificate of candidacy for the next election.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis kumalat ng mga balitang tungkol sa kanya at hindi ko alam kung bakit hindi sila nagsasawang pag-usapan siya. Parang sa kanya na ata umiikot ang buong buhay nila. Parang hindi mabubuo ang araw nila kung wala silang nasagap na balita tungkol kay Sulivan. Kulang na lang ata ay pag-usapan nila kung paano humihinga ang isang Sulivan de Lopezes.

Habang papunta sa next subject ko that day, may mga higher years na lumapit sa akin sa pathway. They were asking me to file a certificate of candidacy.

Pagkarinig nang pagkarinig ko rito ay dalawang titik lang ang nabuo sa isip ko— no. Not interested. Mabilis akong umayaw pero pilit pa rin nila akong pinapakiusapan.

"Please think about this, Pantorilla. This would serve as your training ground for our future profession. You will be exposed on how to do budgeting, cash management, things like that. Perhaps you don't want to waste these opportunities, Pantorilla?"

"Sorry but I'm not into this kind of thing."

"Pag-isipan mo, please? We will be supporting you. Besides, wala kaming makitang pwedeng ipanlaban kay de Lopezes. Please be our treasurer. Magtutulungan tayo sa campaign."

Napataas ang kilay ko. Aware ba silang ayaw na ayaw ng mga batchmates ko sa akin? Kung ilalaban nila ako kay Sulivan, sigurado na kung sino ang mananalo. Swerte na lang siguro kung may isang mag-cast ng vote sa akin.

Ang dami pa nilang sinabi para mapapayag ako. Samantalang patingin-tingin ako sa relo ko at sinisigurado kong nakikita nila ito. No means no. Ayokong magmukhang bastos pero kahit anong tanggi ko ay pilit pa rin sila nang pilit.

Hanggang hapon ay pangalan lang ni Sulivan ang naririnig ko. Compliment here, amazement there, adoration everywhere.

May mga excited na sa room to room campaign, yung mga nag-file naman ng certificate of candidacy ay nasisiyahan na rin dahil makakasama raw nila sa SSG office si Sulivan pag manalo sila, may mga kinakabahan at natatakot para kay Sulivan dahil baka maapektuhan nito ang academic performance niya, and so on and so forth. Really.

Their discussion has finally come to its end when one of my blockmates entered the room.

“Guysss, nagqu-quiz ang kabilang block sa Business and Trade! Baka may quiz din tayo!”

Kanya-kanyang buklat ng libro. Kanya-kanyang paraan ng pag-aaral. Ang iba'y palakad-lakad na sa room habang pikit-matang sinasaulo ang binabasa, ang iba'y iniharap ang bangko sa dingding para mas makapag-concentrate, ang iba’y mabilis na lumabas dala-dala ang libro para makawala sa ingay at pressure, ang iba'y halos idikit na ang mukha sa libro habang mabilis na nagbabasa, at ang iba'y inuna pang magreklamo kaysa mag-aral.

In the end, wala palang quiz. Sadyang ahead lang ang kabilang block ng isang session.

“Oh, is this heaven or heaven?” linya ng mga kaklase kong sa last minute na lang nag-study.

“Matutuwa ba ako o maiinis?” linyahan naman ng mga sa tingin ko’y prepared.

My thought about this? One word— unfair. This is really unfair for those students from the other blocks who took their quiz today. Our quiz is still on Monday. We still have two days and three nights while probably the other blocks were given only a night to study or worst, no preparation at all.

Professor Makasagi’s not really the type to change questions every now and then. She doesn’t even rearrange its order. Kung papaano niya binigay sa kabilang section, gano’n pa rin ang pagbigay niya sa amin.

Ang nakakainis dito, pwedeng manghingi ang blockmates ko ng sagot sa mga kaibigan nila na nag-take na ng quiz. Whether their friends like it or not, makakapagbigay pa rin sila ng sagot kasi what are friends for, di ba? Stupidity at its finest.

Buti na lang wala akong kaibigan. Walang mangungulit sa akin.

My thoughts have been confirmed when after our session in Business and Trade, one of my blockmates shouted.

“Meron naaa!” sabay wagayway sa phone. Mabilis na nagsilapitan ang iba.

“Patingin!”

“Uy, sa gc ha?”

Mabilis akong lumabas para pumunta sa next class. Sumunod ang iba kong blockmates. Masaya silang nag-uusap. Hindi ko alam kung dahil ba cancelled ang quiz, or dahil may sagot na sila, or maybe both.

“Time to memorize! ABCBDCCA—”

“Francis!”

“What?”

“Someone might hear you, stupid!”

“Tayo-tayo lang naman. OA talaga ng babaeng ‘to. BDDABD—”

“Francisco Velasco!”

Biglang tumahimik sa likod ko, para bang may na-realize yung tinawag nilang Francis. Maya-maya lang ay muli na naman siyang tumawa.

“Gago! Kahit wala ‘yan sa gc, mas mataas pa rin naman ang score niya sa atin!”

“Oh my god! This crackhead has no chance to be sane at all!”

“Omaygad. Di ka lang kasi maka-memorize,” asar pa nito bago tuluyang tumakbo.

Umirap ako. That’s what happened on Friday. Not eventful at all. 

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now