Maya-maya’y bumalik na naman ang usapan nila tungkol kay Sulivan.

"Baka naman.. gusto niya lang masolo? Alam niyo na, baka desperadang nilalang,” muli silang nagtawanan.

“Ganito na lang. I’ll talk to Sulivan later and ask him to teach us. Kung pumunta ang Natang iyon, ay talaga ngang makapal!”

“Sus, wag kami. You just want to talk to him. Gumagawa ka pa kunwari ng dahilan ah.”

“Hindi nga! Seryoso nga kasi. Nang maka-counterattack tayo sa babaeng iyon.”

“Aren’t you ashamed? Masyado na ata nating naaabala sa pag-aaral si Sulivan.”

“Oyyy? Concerned Citizen? O concerned admirer?”

Mabilis kong tinapos ang ginagawa at nagpatuloy na naman sila sa kwentuhan. Sana lang talaga ay hindi bunutan ang pagpili ng reporter. Hindi ko matatanggap kung bumagsak ang performance namin dito dahil mas inuna nila ang pagku-kwentuhan.

That afternoon, pinatawag ako sa office. Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na kung sino ang nakaupo sa isang sofa doon. Mabilis na dumapo ang tingin niya sa akin bago muling tumingin sa ballpen na hawak-hawak niya.

What a sight.

Pagpasok ko ay agad kong itinanong sa isang student assistant kung nasaan si Professor Amilagir na siyang nagpatawag sa akin.

"May kinuha lang siya sandali sa conference room. Pabalik na rin siguro siya. Upo ka muna."

Huminga ako nang malalim at umupo sa may pinakadulo ng sofa, making sure there's enough space between me and Sulivan. He cleared his throat. Nakasandal lang siya sa sofa habang pinaglalaruan ang kanyang ballpen.

Ayaw kong sinasayang ang oras ko sa paghihintay kaya binuksan ko ang libro ko at nagbasa para sa lesson kinabukasan. Masyadong tahimik ang office kaya ang naririnig lang ay ang pagki-click ng ballpen na hawak-hawak ni Sulivan.

Kada-click ng ballpen ay parang pinipitik ang ulo ko. Ang talagang isa sa pinakaayaw ko ay ang tunog ng pagki-click ng ballpen. Kapag may gumagawa nito during exam, sinasabi ko talaga sa professor na nagbabantay na hindi ako nakakapag-concentrate nang dahil sa tunog. Sa huli, pinapatigil sila. I don't know but the clicking sounds are always getting into my nerves.

Huminga ako nang malalim at pilit na nag-focus sa binabasa. Bakit ba kasi hindi na lang siya umupo nang matiwasay dyan? Hindi ba siya mapakali kung di niya napipindot ang bagay na ‘yan? So annoying.

Nang sa wakas ay nagawa ko nang ipagsa-walang bahala ang tunog ng kanyang ballpen at masyado na akong tutok sa binabasa, isang matigas na bagay naman ang tumama sa ulo ko.

Unti-unting nahulog sa paa ko ang isang ballpen at kasabay nito ay ang unti-unting pagdilim ng paningin ko. Tingin ko’y nabitawan niya ito habang pinaglalaruan. Iyong student assistant na kani-kanina lang ay nakatuon sa laptop, ngayon ay nakatingin na sa akin. Napapikit ako nang mariin. Parang mas lalo pang tumahimik ang paligid.

"Oh.."

Oh? Oh?! Dalawang titik pa lang ang lumabas sa bibig nya ay 'di na ako natuwa. Bahagya kong kinalma ang sarili bago lumingon sa pinanggalingan ng nakakainis na boses na iyon.

His left elbow landed on his lap while scratching his left eyebrow not-so-problematically. Marahan niyang pinaglaruan ang labi niya.

"Sorry, Pantorilla."

Pilit na umaangat ang sulok ng labi niya na tila ba pigil na pigil siya sa pagtawa. Lalo lang akong nainis. The audacity of him! Tingin nya ba'y nakakatuwang matapunan ng ballpen sa ulo? Ang saya nya sa lagay na 'yan, ha!

After Her Last Straw (Dream Series #1)Where stories live. Discover now