"Hindi ka naniniwala sakin Selena? Masaya ako kaya huwag kanang mag-alala."

"Gaya ng sabi ko sayo kanina, super senses ang abilidad ko kaya hindi mo ako maloloko. I can sense your sadness at alam kong nagsisinungaling ka."

"Wow, I really love your ability Selena. Mukhang wala na kaming maitatago," humahagikhik na sabad ni Sirina.

"So, bakit ka nga ba malungkot Maliya?" si Acasia na ang nagtanong.

Napangiti siya habang nakatingin kay Acasia. Akala nya nung una ay masama ang ugali nito ngunit maalalahanin ito at nararamdaman nya iyon. Kunwari pa itong ayaw sa kanila pero ang totoo ay sadya lamang itong masungit.

"Why are you smiling?" nakahalukipkip na tanong sa kanya ni Acasia.

"Wala naman, so Maliya ano bang probema?"

"Sa totoo lang kasi hindi ako masaya sa abilidad na tinataglay ko. I'm expecting something cool like telekinesis, invisibility or erasing memories pero ano itong nakuha kong abilidad? I am a human not an animal." naluluhang sagot ni Maliya.

"Hindi mo dapat minamaliit ang abilidad mo Maliya." aniya.

"Maging mga kaklase ko ay pinagtatawanan ako Selena, sino bang may gusto ng ganitong abilidad? They are all looking at me as a pet!"

"Huwag mo nga silang pansinin, your ability is amazing. Kaya ba nilang magbagong anyo into a lovely cat, into a fierce look eagle, into a mighty dove? Hindi nila kayang gawin iyon."

"Tama si Acasia, Maliya." Sirina interrupted.

"I agree with them Maliya, your ability is amazing. Ipakita mo sa kanila ang Maliya na may abilidad na magbagong anyo into an animals para mapahiya sila." ani pa niya.

"Salamat sa inyo," emosyonal na aniya ni Maliya.

Till now hindi parin sya makapaniwala na totoo lahat ng ito.









Selena smiled as she saw Sirina and Acasia eating together, naka-upo ang mga ito sa pinakadulong table ng cafeteria. Dala-dala niya ang tray na may lamang pagkain at nagmamadaling lumapit siya sa mga ito.

Kaagad na binati siya ni Sirina, si Acasia naman ay tinaasan lamang sya ng isang kilay pero ramdam nyang masaya ito na makakasabay siyang kumain. Kimi siyang napangiti bago umupo sa upuan na kaharap ng mga ito, bakit ganoon parang may kulang?

"Nasaan pala si Maliya?" tanong niya.

"Hindi ko nga rin alam eh," may pagkibit balikat na sagot ni Sirina.

"Can you find her?" Acasia asked her.

"Susubukan ko."

Marahan siyang pumikit ng mariin bago pinakiramdaman ng mabuti ang aura ni Maliya, ilang segundo pa ang lumipas nang sa wakas ay nahanap nya rin kung nasaan ito. Maliya is in the garden and she is alone.

"Puntahan natin siya," aniya at nagmamadaling tumayo.

Tinanguan sya ng dalawa kaya naman agad na siyang tumalikod at nagmamadaling maglakad dala-dala ang kanyang mga pagkain. Nakasunod lamang si Acasia at Sirina sa likuran nya hanggang sa makarating sila sa garden. Napangiti sya nang makita si Maliya, naka-upo ito sa damuhan.

"Maliya!" nangingiti niya itong nilapitan at tinabihan.

"Kayo pala, paano nyo nalamang narito ako?" nagtataka nitong tanong.

"Thanks to my ability."

"Ginamit mo ang ability mo?"

"Yup!" sagot niya bago nagsimulang kumain.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now