Napansin ko agad ang dami ng tao ngayon. Nadagdagan ang mga bisita ng resort ngayon lalo na't summer na. Dumeretso agad kami sa cottage na nireserve ni ate para sa amin. Nataawan naman kami ni mama at inaya na agad na kumain. Pansin ko ang paninibagao ni Nickie sa mga nakikita niyana nasa hapag, hindi ko rin ikakaila na iba ang buhay kapag nasa MAnila ka hindi tulad kapag nandito ka sa probinsya. 

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapag namin habang kumakain kami. Kapagkuwan ay tinanong ni mama si Nickie kung bakit siya naparito at tanging ngiti lang ang sagot niya habang tumutlong sa pagliligpit na ng pinagkainan. Habang nagliligpit kami natigilan si Nickie kaya napatingin ako sa kung ano ang tinitignan niya. 

"Chester" bulalas niya na ikinagulat ko at pinagtaka ni kuya kaya inasar pa niya kito.

"Nako noong isang linggo pa yan nariyan kasama ang pamilya niya. Nagulat nga ako ay nag-extend pa sila. Kadalasan kapag ganitong summer, 1 week lang ang offer na long stay ng mga bisita, kaso nagbayad agad sila kanila Ate Cristy kaya no choice kasi dinagdagan. Alam niyo namang marami tayong kakopetensya lalo na nakikilala na rin ang mga karatig-barangay natin" saad ko naman at halatang napapaniwala ko si Nickie. Wala akong kasiguraduhan sa una kong sinabi pero totoong marami kaming kakopentsya sa resort. 

Natapos ang paglilinis namin at nagkayayaan na pumunta sa rest house nila Nickie kung saan may tree house. Bihira kami pumasok roon kaya hindi namin alam ang karamihan sa parte doon. Nag-iisip kami ng mga gagawin ngayong nandito siya, panigurado namang may mga binabalak si Kuya Mak kaya hahayaan ko na lang siya ang mag-entertain kay Nickie. 

"Tara sa tabing dagat tayo. Nagpalagay ng bonfire si Ate Cristy doon at syempre bakante pa rin yung cottage natin" pag-aya ko sa kanila. Alam kog gusto rin makita ng iba naming mga pinsan si Nickie kaya hindi ko naman ipagkakait iyon lalo na't matagal din siyang nawala.

Nakarating kami sa dabing dagat at nakita naming naroon na sila Paul, Jerome, Henz, HAze at Valerie na nagtatawanan. Agad naman kamoing umupo sa binakante nilang pwesto.

"Look who's back" pagtataray ni HAze kay Nickie at inirapan pero hindi siya pinansin nito. Mga bata pa lang kami noon ay galit na si HAze kay Nickie dahil nakukuha lahat nito ang atensyon ng kahit sino lalo na ang bestfriend ni Nickie noon na si Lander.

Inaya nila kaming maglaro kaya nakisali naman kami. Pinaikot ma min Paul ang bote at tumutok ito kay Kuya Mak. agad siya nitong tinanong kung Truth or Dare. Paniguradong pagti-tripan na naman nito si Kuya kaya impit akong napapatawa ng tinanong na ni Paul si Kuya tungkol sa huli nitong dinala sa rest house ng mga Salvador. Kilala si kuya bilang babaero kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lang siya tinanong ni Paul.

"Matapos ang nangyari 5 years ago, wala na akong dinalang babae sa rest house" seryosong sambi ni Kuya na ikinagulat ko. I know what happened 5 years ago pero hindi ko alam kung anong nangyari bakit parang nakakapanibago siya.

"Anog nangyari 5 years ago?" takang tanong ni Nickie sa amin

"Not now Nickie. Not now" saad naman ni Valerie sa kanya. Si Nickie ang pinakabata sa aming magpipinsan but she's not use to call us Ate pero ayos lang sa amin basta she know how to respect us.

Naglaro na ulit kami at kay Nickie naman na tumutok ang bote kaya agad siyang tinanong ni Kuya kung may boyfriend na siya at natatawa sa naging reaksyon ni Kuya ng sabihin niyang dare na lang at binaggit ang panalan ng boyfriend niya. Kuya might be intimidating but he's really strict towards us. Nagpatuloy lang kami sa paglalaro at sa akin na tumutok kaya kinabahan na ako paniguradong sibuyas na naman ako, gisado.

"Truth or Dare" natatwang tanong ni Jerome, halatang nang-aasar.

"Truth na lang, alam kong mapapahamak ako sayo kapag nag-dare ako" iritado kong sambit sa kanya.

Summer LoveWhere stories live. Discover now