Chapter 13

46 3 0
                                    

Nagising na naman ako sa ingay na narinig ko. Laking pagtataka ko na si mama at kuya ang naririnig kong nag-iingay at hindi ang magagaling kong kaibigan. Tinignan ko ang kabilang kwarto at walang tao roon. Dumeretso ako sa kusina para puntahan sila mama.

"Kung ayaw niyo matulog, magpatulog kayo" singhal ko pagkapasok ng kusina at kumuha ng tubig.

"Ito kasing kuya mo, inuutusan kong sunduin ang pinsan mo sa bayan nakikipagtalo pa" pagsusumbong naman sa akin ni Kuya

"Eh ayaw kong mapalapit sa Sandoval, ma" iritado namang sagot ni Kuya

"Ako na nga ang susundo, nasaan na raw ba siya?" iritado ko ring tanong

"Ako na!" singhal ni Kuya at kinuha ang susi ng motor niya sabay alis na agad

"Tignan mo, iba rin tama ni Kuya eh" napapailing kong sambit

"Hayaan mo na, alam mo naman yang kuya mo kinulang sa aruga ang tagal na rin walang jowa" natatawang sambit ni mama kaya napatawa na rin ako

Naghilamos ako ng mukha at tumambay sa labas ng bahay. Natahimik talaga ang araw ko ngayon dahil wala ang mga kumag pero hindi ko alam paano ko haharapin ang bisita namin.

Ilang minuto lang ang hinintay namin at dumating na nga ang isang Sandoval. Agad namang lumabas ng bahay si mama at binati ito. Binati ko rin siya ng makalapit na sa akin.

"Nakahanda na ang mga tenga ko sa mga kwento mo" natatawa kong sambit sa kanya, itinatago ang iritasyon ng makita siya.

Ibinaba niya ang mga gamit niya at binuhat iyon ni kuya papunta sa rest house nila. Inutusan naman ako ni mama na ihatid siya roon dahil maghahanda siya ng kakainin namin mamaya. Pumasok naman agad siya sa kwarto niya at sinabihan ko na lang na pupuntahan ko na lang siya kapag kakain na sabay bumalik na ulit ako sa bahay namin.

"Kinaya mo?" nakangising baling sa akin ni kuya pagkapasok ko ng kusina

"Epal mo" sagot ko naman sa kanya

"Sus, parang hindi kita kilala" nakangisi niya pa ring tugon

"Kelan mo pa ako pinakialaman kuya mak?" nakapamewang kong tanong sa kanya

"Simula siguro nang iwan ka ni--"

"Ma, nasaan ba yung sinulid? May tatahiin lang ako bibig, ayaw tumahimik eh. Ikaw iniwan?" pagtataray ko sa kanya kaya tumawa na lang siya at pumasok na sa bahay.

"Iniwan din naman ako pero hindi ako umiyak kahit may label kami, kayo walang label pero kung iyakan mo parang namatay" sigaw ni kuya mula sa sala ng bahay

"Hindi ka talaga mananahimik?" sabay bato ko ng tsinelas sa kanya kaya mas lalo niyang ikinatawa

"Tumigil na nga kayong dalawa jan. Maverik, puntahan mo ang Ate Cristy mo at sabihin na ibakante ang cottage na nasa may tapat ng bahay nila. Ikaw naman Senna, tulungan mo ko magluto" saad ni mama at ginawa agad ang mga utos niya, panigurado kapag hindi naman sinunod may shotgun na naman kami.

"Dadalhin ko na 'to sa cottage na pinareserve ko sa ate mo, gisingin mo na si Nickie doon" sambit ni mama ng matapos kami sa pagluluto. Agad ko naman sinunod ang inutos niya.

Nakita ko siya na nakakalabas lang ng kwarto niya kaya inaya ko na siya agad na lumabas para kumain na.

"Sa may tabing dagat naghanda sila Mama ng pagkain natin, tara na't nandun na sila kuya Mak" nakangiti kong anyaya sa kanya at agad naman siyang sumunod. Hindi ko naman siya kailangan ngitian ng peke, kaya ko siyang simangunatan  ng walang labag sa kalooban pero paniguradong magtataka siya.

Summer LoveWhere stories live. Discover now