Chapter 1

170 9 0
                                    

"We will be having a recitation today, be prepared everyone"

Hays, ansakit naman sa ulo. Kung kelan wala akong review may recitation, nakakatamad naman.

"Let's start with Ms. Guevara, please stand up"

Shete naman! Unang una pa nga. Bored akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtinginan ang mga kaklase ko. Depungal, ano huhusgahan agad ako.

"If you answer my questions correctly, pwede ka na umuwi and prepare for your vocation"

Nagsha-shuffle na si Sir Pesterino ng index cards and for sure nandun lahat ng mga questions. Shete talaga, mga tanong pa naman nito shuffle ng subjects namin takte.

"Okay, Ms. Guevara this is from your RCC stucture design subject, complete the sentence. In a singly reinforced beam... 30 seconds starts now"

Taena may oras pa nga! Shete sandali naman, nakakanginig ng kalamnan ha.

"Ahmmm... I-In a s-singly r-reinforced beam hmmm... plane sections transverse to the centre line of the beam before bending remain plane after bending" kabado kong sagot, buti hindi umabot sa oras patay ako nito kung sakaling umabot, baka sumingko ako sa RCG!

"Okay, next question from your Surveying subject, complete the sentence. In geodetic surveys higher accuracy is achieved, if... 30 seconds starts now"

Hindi na ako nagdalawang isip na sumagot. Nabuo na agad ang kompyansa ko sa sarili ko. Bwiset, sinubok talaga ako nito ha.

"In geodetic surveys higher accuracy is achieved, if curvature of the earth surface is taken into account."

"Very nice! Okay, for the last question and I'll make sure that you will not enjoy your vacation.." nakangisi nitong sambit habang nagsha-shuffle ng index cards.

Napairap na lang ako at humalukipkip. Debuho talaga! Papahirapan pa nga ako, wag lang talaga siya magtatanong tungkol sa Estimating and Costing, mararamdaman ko talagang babagsak ako.

"This is question is from your Estimating and Costing subject..."

Taena, tuwang-tuwa ang mga kaklase ko nang marinig nila iyon. Tatawanan ko rin kayo kapag kayo ang hindi nakasagot.

"The rate of payment is made for 100 cu m (per % cu m) in case of? 30 seconds starts now."

Nakatungo akong tumingin ng deretso sabay ngumisi. Nanginginig ang buo kong katawan ng marinig ko ang tanong pero hindi ko pinapahalata.

"The rate of payment is made for 100 cu m (per % cu m) in case of earth work in excavation, rock cutting and excavation in trenches for foundation" sigurado kong sagot na ikinagulat niya. Alam niyang mahina ako sa subject na iyon kaya doon niya ako tinira.

"In long and short wall method of estimation, the length of long wall is the centre to centre distance bet--"

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad na sinagot ang tanong niya

"In long and short wall method of estimation, the length of long wall is the centre to centre distance between the walls and half breadth of wall on each side." nakatungo ko lang sagot sa kanya pero nasa mga bulsa ng pantalon ko ang kamay ko.

"The total length of a cranked bar through a distance (d) at 45? in case of a beam of effective length L, is...?

"The total length of a cranked bar through a distance (d) at 45? in case of a beam of effective length L, is L + 2 x 0.42 d" nakangisi kong sagot sa kanya at gulat naman ang mga expression ng mukha ng mga kaklase ko.

"Impressive Ms. Guevara, you may go and enjoy your vacation. See you on your graduation day" nakangiti niyang sambit at pumapalakpak sa akin ganun din ang mga kaklase ko.

Naglakad na ako palabas ng block namin para dumeretso na sa unit ko at ayusin ang mga gamit ko.

"Senna all!! Tang'na, apakayabang mo. " bungad sa akin ni Jahnice ng paglabas ko ng block kaya nagulat ako

Jahnice Mendez is my bestfriend. Simula ng mag-aral ko rito sa St. Raphael Academy siya na ang nakasama ko. High School friends din kami kaya laking gulat ko dito niya rin kinuha ang course niyang BS Accountancy, parehas kaming nasa last term na at graduating.

"Pinagsasabi mo jan?"

"Wag mo ikaila, kanina pa ako rito sa labas oh. Napanood ko pa'no pakikibaka mo kay Sir Pesterino" natatawa niyang sambit sa akin na ikinangisi ko.

"Chamba lang" napapailing kong sambit sa kanya

"Tang'na mo, napayabang. hayp na 'to" natatawa niya pa ring sambit

"Yang bibig mo, wala bang lalabas jan na maganda? walang kang sasabihin na walang mura eh" iritado kong sambit sa kanya.

"Wag kang magmalinis, baliw" sabay batok niya sa akin.

"Napanood ko vlogs ng pinsan mo habang inaantay ka kanina. Napakaangas, karamihan ng vlogs nila kasama ka" sambit niya habang naglalakad kami palabas ng building.

"Eh sa unit ko madalas nakatambay" naiiling kong sambit sa kaniya

"For sure maraming humahanga sayo ngayon at hinahanap ka. Senna all may jowa, Senna all mahal..." pang-aasar niya sa akin

"Napakaingay ng bunganga mo noh? mamaya may makarinig sayo, malilintikan ka sakin" pagbabanta ko sa kanya.

"I'm just stating the possibilities"

"Hindi ko kailangan"

"Nasaan nga pala sila ngayon?"

"May out of the country concert sila, tour na rin ata ng album nila"

"Fan ka nila tapos hindi mo alam"

"Tanga ka? Fan ako hindi manager nila. Kita mong busy ako, uunahin ko pa bang alamin ano trip nila sa buhay?"

"Oh chill, puso mo... na kay Ivan" pang-aasar niya sa akin at ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge ko "Tang'na kinilig, kadiri" natatawa niyang sambit kaya binatukan ko siya.

Nakarating na ako ng building ng unit ko. Lumabas naman bigla si Ate Dianne, kapatid ni Clever. Kasama niya ang boyfriend niya pati na rin ang kapatid nilang si Zess.

"Nakauwi ka na pala Senna, bakasyon niyo na sa susunod na araw ah" bungad niya sa akin

"Oo nga po ate eh. Gusto ko muna magpahinga, napaka-hectic ng finals eh" sabi ko agad sa kanya at nginitian siya.

Pumasok na agad ako sa unit ko, maliit lang ang unit ko pero dahil may idea ako tungkol sa interior designing, nagawa ko itong palakihin at maiayos ang mga gamit ko. Dream namin dati ng pinsan ko na kumuha ng course na related sa paligid namin kaya naisipan namin na mag-interior designing or architect kasi mahilig kami mag-design.

Napailing na lang ako sa isipan na iyon. Nagsimula na ako magluto ng makakain ko, hindi ako sanay magpa-deliver kapag nandito lang si Kuya Sam ganun ginagawa ko kasi tamad na ako kumilos nun. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaga kinuha ko muna iyon sa may counter.

"Hello?"

What's up, kelan ka ga-graduate?

"Next month pa graduation ko, excited ka? "

Hindi, sakto lang. Can't wait to see our Engr. Senna

"Abnormal. Jan ka na nga, madami pa akong inaayos."

Take care and see you soon

Napailing na lang ako ng matapos ang tawag ni Hendrix, isa siya sa kaibigan namin ni Jahnice noong high school, kinababaliwan din ng babaeng yun.

Gabi na ako nang matapos mag-ayos ng gamit. Balak kong umuwi sa amin at i-check ang site kung saan ako nag-intern noon. Kinukuha rin nila ako para magtrabaho sa firm nila pagka-graduate ko. Ayos na ang plano ko, after graduation magtatrabaho agad ako hanggang maging professional.

---

A/N
Hope you like it everyone! Keep reading and voting. Iloveyou all mwaaaaa ^^

Summer LoveWhere stories live. Discover now