Chapter 4

10.5K 472 17
                                    

Maxim Enriquez

Namomroblema ako kung paano ko iuuwi ang lahat ng 'to. Halos hindi mabilang na paper bags yung nasa harap ko.

Napakamot naman ako ng noo. Nandito pa din kami sa loob. Siya naman ay nakaupo lang sa upuan.

“Paano ko iuuwi 'to? Hindi naman kasya sa jeep.” Mahinang bulong ko.

Napatingin nalang ako sakanya nang marinig yung mahinang tawa niya.

Pinagmasdan ko pa siyang tumayo at ayusin yung suot niyang suit. Ang gwapo niya talaga.

Agad naman aking napa-iwas ng tingin nang ngumisi siya. “Loving the view?” Bulong niya sakin.

Umiling naman ako. “Anong v-view po?” Bulong ko sabay ngiti ng alanganin.

Umiling naman siya. “Wala. Tara na. Ihahatid na kita.” Nanlaki naman yung mata ko at agad umiling.

“H-hindi na po sir! K-kaya ko na pong umuwi mag-isa!” Agad kong sabi sakanya pero tinignan niya lang ako.

Napangiwi naman ako sa titig niya. Nagulat nalang ako nang lumapit siya sakin at hapitin yung bewang ko. “Let's go.” Bulong niya habang naglalakad kami.

Wal naman akong nagawa kundi sumama sakanya. Pero agad akong napahinto nang maalalang naiwan sa room yung mga binigay niya. Sayang naman.

“Ay sir! Yung binigay niyo po, kukunin ko muna.” Bulong ko sakanya pero tumingin lang siya saakin at lalong hinigpitan yung hawak sa bewang ko. “May kukuha dyan. Don't worry.”

MAGKASABAY kaming naglalakad sa hallway. Gusto ko alisin yung kamay niya sa bewang ko pero mas humihigpit lang yung hawak niya doon.

“A-ahh sir. P-pwede po bang wag niyo nalang akong hawakan sa bewang?” Bulong ko sakanya.

Kitang-kita ko kasi yung mga mapanghusgang tingin nung iba saakin.

Tumigil naman siya. “Why?” Tumingin naman ako sa paligid. “Tsk.” Bulong lang niya sabay hubad nung suot niyang coat at ipatong sa ulo ko. Hinawakan ko naman yung dulo nung coat para hindi mahulog.

“Pwede na ba kitang hawakan? Hindi na nila makikita mukha mo.”


NANG makarating kami sa parking lot, agad niya akong dinala doon sa itim na kotse.

Nakita ko pa sa likod namin yung mga body guards niya ata dala-dala yung mga binigay niya saakin at isinasakay nila sa itim na van.

Para naman akong nakahinga ng maayos nang makaupo na sa loob ng sasakyan. Hindi ko kasi kayang tagalan yung titig ng mga tao saakin. Para nila akong hinuhusgahan. Katabi ko pa naman si sir na hindi ko pa din alam ang pangalan hanggang ngayon.

Hinayaan niya lang saakin yung coat. Suotin ko nalang daw. Medyo malamig din sa labas. Mahangin.

Ngumiti lang ako sakanya nang makasakay siya sa kotse. Pero agad akong napasandal nang ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.
Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko habanh nakatitig sa mga mata niya. Narinig ko naman yung pagtunog ng seatbelt at pagngisi siya. “Safety first.”


NAALIMPUNGATAN nalang ako nang may marinig na kung anong tumutunog sa tabi ko.

Hindi ko naman pinansin at pinagpatuloy yung tulog ko.

Click!’ Rinig kong tunog sa tabi ko na naman.

“Ano ba!” Inis kong bulong habang nakapikit.

Click!’ Rinig ko ulit na tunog. Minulat ko na yung mata ko at laking gulat ko nang sumalubong saakin yung sponsor ko.

Mabilis ko naman inikot yung paningin ko at nakitang nasa kotse niya pa rin pala ako.

Naka-takip yung coat sa katawan ko at nakababa ng konti yung upuan ko.

Hawak-hawak niya yung phone niya at nakatutok saakin. Mabilis akong tumalikod at tinignan kung may tulo ba ako ng laway o muta. Inamoy ko na din yung hininga ko bago humarap sakanya.

“I'm s-sorry sir. Nakatulog ako.” Umiling naman siya at ngumiti bago ipasok yung phone niya sa bulsa. “Ayos lang.” Nakangiting sagot niya sakin.

Hindi naman ako makatingin sakanya ng deretso. Nakakahiya.

“Isang oras na tayong magkasama pero hindi mo pa alam ang pangalan ko.” Tumatawa niyang bulong. Napangiti nalang ako ng alanganin. “I'm Trevor. Trevor Smith.”




INIS kong ginulo yung buhok ko habang nakahiga ako sa kama ko. "Trevor... Trevor.... Trevor..." Mahinang pag-uulit ko sa pangalan niya habang nakatitig sa kisame.

It's sound familiar. Parang nabasa ko na kung saan. Pero hindi ko maalala kung saan.

Nagpagulong-gulong na ako sa kama pero hindi ko maalala talaga kung saan.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang tumawag sa phone ko. Yung phone na binigay saakin ni sir Trevor.

Agad akong tumayo at inabot yung phone ko sa mesa. Napakunot yung ulo ko nang makita kung sino yung tumatawag.

“Your Trevor?” Mahinang basa ko sa pangalan ng caller. Hindi ba si sir Trevor 'to? Hindi ko maiwasang mapatitig sa picture niya. Ang gwapo niya talaga.

Pero bakit ‘Your Trevor?’ It's sounds like his mine? Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha.

Hindi na ako magtataka kung bakit naka-save yung number niya dito. Siya nagbigau nito eh! Pwede niyang gawin kahit anong gusto niya.

Bago pa mamatay ang tawag sinagot ko na ito.

"Bakit ang tagal mong sagutin." Seryoso niyang bungad saakin. Kinabahan ako bigla.

"A-ahh" Tanging sabi ko habang nag-iisip ng palusot. Bakit ba nagagalit siya? Grabe naman.

“I'm asking you Maxim.” Rinig kong sabi niya na lalong nagpakaba saakin.

"Kumain po ako! Tama kumain! Hehe." Agad na turan ko sakanya sabay tawa ng mahina.

Literal akong kinakabahan ngayon at hindi ko alam kung bakit.

“Okay. So how's your day?” Tanong niya saakin.

Pagkahatid niya kasi saakin, pumasok ako sa trabaho. Sayang naman kahit halfday lang.

“Okay naman po sir Trevor.” Sagot ko naman habang nakangiti at nakayakap sa unan ko.

“That's good.” Bulong naman niya. “Are you tired?” Sunod niya pang tanong.

“Medyo po sir.” Sagot ko sa tanong niya.

“Okay. Matulog ka na. Goodnight. Sleet tight.” Hindi na ako nakasagot nang patayin niya agad yung tawag.

Napasimangot nalang ako. Ang sungit!

Ilalapag ko na sana yung phone sa mesa pero narinig ko na naman tumunog yon.

Agad kong tinignan at nakita yung text ni sir Trevor. Napatakip nalang ako ng bibig nang mabasa yon.
I'm into you.


𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟏 - 𝐒𝟏)Where stories live. Discover now